BEACH BREAK BAGS
Ngayong uso na ang ‘bike camping’ sa ating bansa, marami sa atin ang napapaisip kung ano-anong mga bagay ba ang dapat dalhin sa camping at pinakamahalaga ay kung saan ito ilalagay. Mula sa malaki hanggang sa maliliit na gamit, mahalaga o hindi, ang mga bag na ito ay dinisenyo upang gawing kaaya-aya ang paglalakbay ng isang siklista ‘sub240’ man o ‘multi-day ride’. Isa sa mga nakapag-ambag sa ‘bike camping’ scene sa Pilipinas ay ang Beach Break bags. Gumagawa sila ng pambihira at murang mga touring/accessory bags para sa mga ‘bikepackers o tourers’ na nagbibisikleta saan mang panig ng bansa. Tunay nga na maipagmamalaki natin ang kakaibang istilo ng kanilang paggawa hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa ibang panig ng mundo.


Ang B-break bags ay nagsimula noong nahilig ang mga magka-kaibigang mag ‘bike adventure’ sa kanilang lugar. Naisip nila ang isang ideya na mag disenyo ng sariling bag/s para sa kanilang mga kagamitan. Dahil sa paggawa nila ng unang nilang bag, nakita ito ng ibang siklista at nagsunod-sunod na ang naging ‘request’ sa kanila upang magpagawa ng bag/s. ‘Relax, unwind, and chill’, ito ang gusto nilang ipaabot sa mga siklistang naglalakbay gamit ang kanilang bisikleta. Ito rin ang nasa likod ng pangalan ng kanilang negosyo na para sa akin, maaaring ibig sabihin nito ay ‘i-enjoy’ lang ang pag-pedal habang tinatangkilik ang ganda ng lugar.


Dahil kakaumpisa pa lang nila sa bagay na ito, naging normal lang sa kanila maranasan at malagpasan ang mga pagsubok ng isang negosyo. Nabanggit din nila na isa sa mga nagustuhan nila sa pagtatrabaho sa negosyong ito ay ang makitang masaya ang kanilang mga customers sa tuwing kukunin na nila ang kanilang pinagawang mga bags. Isa rin sa mga plano nila para sa hinaharap ay gumamit/masubukan ang iba pang materyales at makagawa pa ng kakaibang disenyo para sa kanilang mga kliyente. Kung may katanungan pa kayo tungkol sa B-break Bags, maaari silang kontakin sa kanilang FB at Instagram account (B-break Bike Bags).

