Ang paglalakbay gamit ang bisikleta ay hindi lamang isang paraan upang makapunta mula sa isang lugar patungo sa isa pa—ito ay isang pagkakataon o karanasan upang lubos na makihalubilo sa kapaligirang iyong binabagtas. Matao man o sa katahimikan ng kanayunan ang iyong pinapadyakan, tandaan na ang itsura ng iyong bisikleta ay hindi gaanong mahalaga kaysa sa karanasan ng paglalakbay.
Ayos lang minsan kung ang iyong gamit ay hindi perpekto (dahil ubos na ang pera o nag-iipon pa pang-upgrade); alalahanin na ang mga hamon sa daan ay bahagi lamang ng ating adventure, at ang tunay na kagalakan ng pagbibisikleta ay nagsisimula sa mga di-malilimutang sandaling ito.
Ipinapakita ng pahinang ito ang iba’t ibang klase ng napag-ipunang set-up ng bisikleta para sa isang worth it na paglalakbay.






























