Ikaw ba ay isang siklistang nasasabik makapunta sa mga kahanga-hangang kabundukang tanaw lamang ng naglalarong isipan?
Indibidwal na mahilig mag-diskubre ng mga natatagong yaman ng bansa habang pina-panatili ang prinsipyong ‘Leave No Trace’?
Manlalakbay na gustong maranasan at maintindihan ang iba’t-ibang kultura at mga kakaibang tradisyon?
O isa lamang siklista na nais lamang lumayo at maka-takas sa ingay at magulong realidad?
Sa Padyak Tahak, pangunahing nakatuon kami sa mga kamangha-manghang kwento o karanasan ng mga siklistang Pilipino na naglalakbay saan mang bahagi ng mundo. Mga kwentong mag-uudyok sa mga tao na lumabas at tangkilikin ang bihirang ganda ng Inang Kalikasan. Magtatampok din kami ng mga malikhaing ideya (opinyon, karanasan at pananaw) at mga lokal na negosyo na nakapag-ambag sa eksena ng pagbibisikleta sa bansa.
Ang pagpapahalaga at pananatiling maayos ng mga pambansang lugar, reserbs, at makasaysayang lugar para sa mga susunod na henerasyon ay ilan din sa mga dahilan kung bakit nilikha ang site. I-konekta ang sarili sa kalikasan, lumikha ng mga mapan-likhaing disenyo, at magbigay respeto sa iba’t-ibang kultura, kami’y nagagalak sa iyong pagdating!
