Berde at Asul

BERDE AT ASUL

ni: Kalipunan

Marami na malamang sa atin ang nakapunta na sa iba’t-ibang mga recreation/tourist spot sa bansa. Mapa group ride pa ’yan o solo; pinagplanuhan o hindi, ang feeling ng makawala sa bahay ay talaga namang sobrang nakaka-excite o para naman sa iba ay sobrang saya (yung parang nabili mo ang pinapangarap mong piyesa ng bike). Ngunit kahit na marami na tayong nabisitang mga spot, hindi pa rin natin basta-basta maku-kumpleto o ma-ekisan sa ating mapa ang ninanais nating mga destinasyon.

Sa laki ng Pilipinas, kukulangin malamang ang 2-3 taon mo kung araw-araw mong bibisitahin ang mga nagagandahang baybay sa bansa. Ilang libong kilometro rin ang iyong tatahakin upang malagpasan mo ang nagtataasang mga kabundukan sa norte hanggang sa katimugang bahagi ng bansa.  At siyempre, nariyan din ang pagkilala mo sa mga napakadaming hospitable na lokal at malaman ang kanilang kakaibang mga kultura. 

Nagtanong ako randomly ng mga kapatid nating siklista sa IG kung anong prefer nilang puntahan sa tuwing sila’y gagala gamit ang kanilang bisikleta. Tinanong ko rin kung may karanasan (pros and cons) ba sila na hindi nila makakalimutan habang sila ay pumapadyak sa daan.

J. Santos (Pinoybikerist)

Ano ang mas prefer ninyo, mag-ride sa coastline o mag-ride sa bundok? Mas preferred ko ang both sea to summit o pwede rin ang summit to sea ride.

Sa inyong palagay, ano ang mga pros sa pag-ride sa kabundukan o sa mga baybayin? Sa bundok, maganda ang tanawin ng mga kabundukan at malamig na klima sa gabi (cons ay delikado lalo na sa night ride). Sa dagat naman ay best to watch the sunset after a long day of ride.

Kung meron man cons sa pagbibisikleta sa coast/mountain, ano ito at paano ito mai-improve ng mga tao o ng mga local government? Mas okay sana kung magpatuloy ang mga cyclist sa mga barangay or school sa mga ibang lugar na hindi kaagad ma-access. Sa coastline naman ay magkaroon sana ng available na camping site at palikuran para makapag-refresh.

Kung bibigyan ka ng pagkakataong magbisikleta sa magagandang coastline o kabundukan nang libre, saan at ano’ng ruta ang inyong pipiliin? Pinaka-best na sa akin ang bundok ride at wala nang iba kundi ang Sagada! Na-ride ko na ito from Manila to Sagada at walang duda na gusto ko itong ulit balikan (ng ibang daan naman). Sa coastline naman, maliban sa Baler/Casiguran, yung Siargao talaga ang dream ride ko. Pero hopefully, kapag may libreng oras/arep, malamang iyon ang susunod kong papadyakin.

Ano ang hindi mo malilimutang karanasan noong nagpupunta/bumiyahe ka sa dalampasigan o kabundukan? Isa sa pinaka hindi ko makakalimutan sa ride ay yung na side-sweep ako ng motorcycle sa may bandang Ragay, Tagkawayan. Habang nasa biyahe kami mula Manila papuntang Sorsosgon ay nagiliran ako ng nagmamadaling single na motor na nagbi-biyahe din papuntang Bicol.

A. Johann (stig_matized01)

Ano ang mas prefer ninyo, mag-ride sa coastline o mag-ride sa bundok? Sa coastline, dahil sa umaga before sunrise, tahimik dito at mas payapa. Dama mo rin ang kagandahan ng paligid sa dalampasigan

Sa inyong palagay, ano ang mga pros sa pag-ride sa kabundukan o sa mga baybayin? Sa coastline o tabing-dagat, mas nakaka-relax ang ambiance dito. Nakakapagbigay din ito ng payapang pag-iisip at para sa akin, nagbibigay ito ng lakas sa aking katawan (dahil sa bitaminang nakukuha dito).

Kung meron man cons sa pagbibisikleta sa coast/mountain, ano ito at paano ito mai-improve ng mga tao o ng mga local government? Mga alagang aso na nakahiga sa kalye. Dapat magkaroon ng ordinansa na huwag hayaang nasa labas ang mga galang aso para na rin sa safety ng iba. Magkaroon ng mga karatula sa mga lugar na maaaring mapuntahan habang nagbibisikleta. At sana magkaroon din ng cycling tourism para mas mapalago ang turismo ng isang lugar.

Kung bibigyan ka ng pagkakataong magbisikleta sa magagandang coastline o kabundukan nang libre, saan at ano’ng ruta ang inyong pipiliin? Coastline ng Bohol, Marinduque, at Panay Island

Ano ang hindi mo malilimutang karanasan noong nagpupunta/bumiyahe ka sa dalampasigan o kabundukan? Maraming magagandang karanasan at magagandang tanawin, mga kakaibang puno na hindi makikita sa mga lungsod. At syempre, ang hindi ko makakalimutang karanasan sa pagbibisikleta ay ang habulin ng mga galang aso.

M. Amulong (lovelyn1026/Ever)

Ano ang mas prefer ninyo, mag-ride sa coastline o mag-ride sa bundok? Pareho

Sa inyong palagay, ano ang mga pros sa pag-ride sa kabundukan o sa mga baybayin? Baybayin at kabundukan pros ay beatiful view and more relaxed.

Kung meron man cons sa pagbibisikleta sa coast/mountain, ano ito at paano ito mai-improve ng mga tao o ng mga local government? Magkaroon ang bawat lugar o tourist spot ng sign na cyclist/user/visitors must avoid leaving trash around.

Kung bibigyan ka ng pagkakataong magbisikleta sa magagandang coastline o kabundukan nang libre, saan at ano’ng ruta ang inyong pipiliin? Batanes and Bohol

K. Mercado (kris.rides)

Ano ang mas prefer ninyo, mag-ride sa coastline o mag-ride sa bundok? Both. Each has a certain beauty that should be acknowledged. I don’t think I have to choose.

Sa inyong palagay, ano ang mga pros sa pag-ride sa kabundukan o sa mga baybayin? Spectacular view, the breeze and the sense of accomplishment.

Kung meron man cons sa pagbibisikleta sa coast/mountain, ano ito at paano ito mai-improve ng mga tao o ng mga local government? To keep cyclists safe, the local government needs to install road lights and other safety precautions. Additionally, it is preferable to put up signs with information about the proximity of the local hospital, police station, petrol station, restaurants, hotels, and other establishments.

Kung bibigyan ka ng pagkakataong magbisikleta sa magagandang coastline o kabundukan nang libre, saan at ano’ng ruta ang inyong pipiliin? Baguio, Batanes, and Switzerland

Ano ang hindi mo malilimutang karanasan noong nagpupunta/bumiyahe ka sa dalampasigan o kabundukan? Positibo: nakita ko ang magagandang lugar; nakakabuti ang pagbibisikleta sa aking mental, physical, at emotional health. Nakasama ko ang aking mga kaibigan, nakakain ng masasarap na pagkain at naa-appreciate ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin. 

Negatibo: nagastusan, napagod at nadumihan. But it was all worth it, I would do it again!

O. Almario (_joliiivs)

Ano ang mas prefer ninyo, mag-ride sa coastline o mag-ride sa bundok? Mag-ride sa bundok. Since nakatira ako sa lowlands and normal na yung mainit na panahon, especially ngayong summer, hindi maiwasang maging retreat yung pagbibisikleta ko sa bundok at hanap-hanapin yung malamig na klima. Mentally, nadi-disconnect ako sa realidad in a good way and once na makababa ako sa bundok, parang feeling ko charged up na ulit ako.

Sa inyong palagay, ano ang mga pros sa pag-ride sa kabundukan o sa mga baybayin? Pros ng pag-ride sa kabundukan: Nabui-build up yung endurance sa long rides, physically and mentally. Lalo yung mental aspect since yung mga hardest experiences ko sa climbs yung naging reason kaya ko nairaraos yung mga sumunod na long rides ko sa kabundukan. Isa pang pros I think, is yung hindi ko na need mag-weekly century rides. Before kasi hindi ako mahilig mag-ride sa bundok, so nagre-rely ako sa century rides every week para mag-stay in condition. Ngayon, kahit di na ako makabuo ng 100 km, basta maka-exp lang ng climbs, goods na endurance ko. Also, mas nakatipid sa gastusin since di na ko inaabot ng hapon sa daan.

Kung meron man cons sa pagbibisikleta sa coast/mountain, ano ito at paano ito mai-improve ng mga tao o ng mga local government? Cons ng pag-ride sa kabundukan: Siguro yung kakulangan ng ilaw sa daan. Magkaroon man lang ng guide sa mga cyclists na ginagabi sa kalsada para na rin makauwi nang maayos. Another con siguro yung sa mga aso haha, dalas sa mga probinsya, nasa labas lang ng kalsada mga aso. Oo, nakakatuwa yung mga memes about dun, pero hindi nakakatuwa madisgrasya or makagat ng aso, lalo kung malayo ka sa ospital.

Kung bibigyan ka ng pagkakataong magbisikleta sa magagandang coastline o kabundukan nang libre, saan at ano’ng ruta ang inyong pipiliin? Eto ang dream routes ko sa kabundukan: Kibungan, Benguet, madalas ko itong tinitingnan sa Google Maps. Grabe yung Rocky Mountains dito, especially pag tag-ulan. So far, no. 1 dream ride ko ito. Pangalawa ay ang Batanes, best tourist destination sa Pinas IMO. Grabe formation ng mountains, view ng dagat, lighthouse, etc. At huli ay Guihulngan City, Negros Oriental. Yung ruta papuntang Hinakpan Hills., very scenic route lalo pag nandoon kana malapit sa hills.

Ano ang hindi mo malilimutang karanasan noong nagpupunta/bumiyahe ka sa dalampasigan o kabundukan? So far eto mga most unforgettable experiences ko:

– Benguet Loop: Makapag-ride beyond Baguio. Before, hanggang La Trinidad, Benguet lang naabot ko sa Cordillera. Buti last year, nahilig sa pagbibisikleta yung ka-work ko at nataong mahilig siya sa long drive, so nagplano kami ng Benguet Loop early this month, na nagawa namin last Sunday. Grabe ang brutal ng ruta pero without a doubt the best experience so far. Ibang level ang mga kabundukan ng Cordi pagdating sa scenery and climate.

– Halsema Highway: Kung may negative experience man ako sa ginawa naming Benguet Loop, iyon ay yung lamig sa Halsema Highway. Aminado akong na-underestimate ko yung lamig since summer naman. Pero thunderstorm season na rin pala, so ayun, inabutan kami ng ulan sa Natubleng tapos nataon pa na mahamog. Di tumalab ang windbreaker at raincoat ko and never akong gininaw ng ganun sa buong buhay ko haha. Mas malala pa pa lang ginawin nang di mo makontrol kaysa malaspag sa ahon.

– Sitio Baag, Tarlac: Muntik na ko ma-dehydrate sa kawalan ng masisilungan at tindahan paakyat ng Sitio Baag. Isa pa tong na-underestimate ko kasi akala ko may mga tindahan or silong paakyat tapos antatarik pa ng mga ahon. Wala pala, so ayun, nagtiis ako sa tubig ko hanggang makarating ako sa view deck, nandun din pala yung unang tindahan.

Sa totoo lang, napakalaki at napakaganda ng Pilipinas at ang tanging paraan lang para makita ito ay ang pagbisita sa lugar ng tamang panahon at oras. Ngunit sa kabila ng lahat, dapat nating tandaan na bago mapuntahan ang mga lugar na pinapangarap, ay kailangan muna nating lagpasan ang matinding issue ng traffic (kasama tayo) na nagsisilbing boundary palayo sa ating pinakamamahal na sanktuwaryo.