BIKE-CRIMINATION
ni: Batj
Naging biktima ka rin ba ng diskriminasyon dahil sa gamit mong bisikleta? O yung hindi ka na pinapansin sa tuwing may group ride? Kasi ako noong una, ay Oo!
Unang buwan ng 2007, nagsimula akong bumili ng aking bisikleta para gamitin papasok ng trabaho. Wala pa akong alam noon sa pagbiyahe nang malayo at ang alam ko lamang ay ang pumasok at umuwi sa bahay gamit ang aking bike. Naalala ko nung time na yun ay may mangilan-ngilan lamang na grupo ng siklista ang nakikita ko sa highway na nagbibisikleta. Nakakaaliw ang kanilang mga bisikleta dahil sobrang porma ng mga ito. Mula sa kulay,disc brake at malalaki nitong gulong, talagang macu-curious ka sa kanilang mga bisikleta.
Isang taon ang lumipas at nai-upgrade ko ang aking hybrid bike sa MTB (low-end). Nagsimula na rin ang pagka-addict ko sa pagbibisikleta noong medyo napalayo na ako sa amin para makapunta sa iba’t-ibang lugar. Isang araw, habang ako’y naglalakbay sa may gawing Pampanga, may nakasalubong akong mga siklista na may mga magagarang bike (MTB) na makikita mo lamang sa mga magazine. Binati ko sila at nginitian naman nila ako. Ngunit kita ko sa kanilang mukha na tinitigan muna nila ang gamit kong bisikleta bago ako nila batiin/pansinin. Napaisip tuloy ako kung may ganito bang kaugalian sa pagbibisikleta? Kailangan ba talagang titigan muna ang gamit o piyesa ng bisikleta para batiin? O makita ang high-end name ng brand para pansinin (snob)? O baka naman may rason talaga sila kaya nangyayari ang mga ganitong bagay?
Base sa aking karanasan, ay mapa-hanggang ngayon, may ‘mangilan-ngilan’ pa rin mga grupo/ indibidwal na may mga bias na aksyon o yung namimili lamang ng kakausapin at kakaibiganin base sa uri ng brand na ginagamit ng isang siklista. Nag-isip ako ng maaaring dahilan kung bakit ang ibang mga siklista ay tumitingin muna sa set-up ng iba bago nila/niya ito pansinin. Hinati ko ito sa apat na grupo at ang mga pangalan ay binase sa mga “elder dragon legends” ng Magic: The GATHERING ’94.

Maaari natin silang tawaging recreational o yung mga nagbibisikleta lamang kung may extrang oras tuwing weekend. Dahil tutok sila sa trabaho, ang simpleng pangarap na makabili at makakuha ng pinaka-updated na bike parts na lagi nilang tinitingnan sa mga bicycle shop/review websites ay nagiging ultimate goal. Hindi rin sila makapaghintay na ipa-install ito (kung nabili na nila ito) para pagdating ng susunod na ride ay sila ang magiging ‘hot topic’ ng grupo, ay syempre para i-review ang performance nito.
Mostly, isa silang grupo na nagkikita sa shop bago mag-ride. Kamustahan muna at kapag tumagal ay mapupunta na ang kwentuhan sa mga gear o bike na kanilang binili o gamit. Mula suot hanggang gear ng isang siklista ay kanilang titingnan hindi para kantyawan ngunit para makita kung ano ang trending na style ngayon. Updated sila sa mga new and high-end bikes/accessories brands. Dahil nga weekend lang sila libre (at nagkikita-kita), expect mo na hindi ka nila agad papansinin (unless kakilala ka nila) kung wala kang bagong piyesa o kung wala kang bagong kwento na may kinalaman sa pagbibisikleta.

Minsan siklista (weekend) o minsan naman empleyado/may-ari (day job) ng isang bike shop. Huwag basta-basta malilinlang kung ang mga taong ito ay maniningil ng doble kung ikaw ay magpapagawa sa kanilang shop. Sabi nga ng iba, ‘support your local shop’, kaya nga lang ang nangyayari ay may mga ‘ILANG’ tindahan ang umaabuso sa tuwing may bibilin ka o may ipapagawa (pre-presyuhan ang pagpagawa ng bisikleta base sa gamit mong piyesa). Well, depende pa rin ito sa budget at sa service ng isang shop, kung maayos at kung talagang trained ang mekaniko mo, okay lang magbayad at magbigay ng tip. Naging aral na rin ito sa ibang siklista na mag-DIY na lang kaysa masingil ng malaki.
Kung baguhan ka pa lang sa eksena at gusto mong bumili ng budget bike, expect mo na hindi ka agad mapapansin/papansinin in case may mga ibang customer na tumitingin ng mas mahal na brand (ganun naman talaga kapag retail work). Kaya next time, mag-canvas muna o magtanong bago sumugod sa isang bicycle shop.

Sila naman ang mga siklistang hayok sa pag-beat ng KOM ng iba o yung naka-focus lamang sa kanilang record sa kanilang Strava. Hardcore kung tawagin sila ng iba at talaga namang iiwanan ka nila sa ere kung ika’y makikipagsabayan sa kanila. Minsan, solo o minsan naman ay grupo sila kung mag-engage. At dahil nga importante ang kanilang training, expect mo na minsan ay hindi ka nila kakawayan o babatiin kung sila ay makakasalubong mo sa daan. Goal-oriented kasi sila at walang sinasayang na oras.
Kung ihahalintulad sila sa mga Vaevictis Asmadi, mas kaunti lamang ang kanilang kwentuhan once mag-umpisa na ang pagpadyak. Kung beginner ka naman at gusto mong sumama sa kanila, e, ang payo ko lang ay magpalakas ka muna at mag-invest ng magaan na bike at parts para hindi ka ma-out of place kapag sila ay nag-group ride.

Mga nag-uumpisa pa lamang sa mga aerobic activities at ang kanilang napiling solusyon ay ang magbisikleta. Mas prefer nilang magbisikleta mag-isa dahil nahihiya sila sa estado ng kanilang katawan o yung tipong natatakot na husgahan at ikumpara sila sa iba. Ito maaari ang mga rason kung bakit hindi sila gaanong namamansin sa kapwa nilang biker.
Kaya kung may makikita ka na solo rider na umiikot sa subdivision, parke o kung saan mang lugar, e huwag muna silang agad-agarang husgahan na ‘snob’ dahil lamang sa hindi pagpansin sa’yo.

Nicol Bolas, sila ang pinaka-popular na uri sa gupong ito, sila ay ang mga feeling semi-elitista. Sa totoo lang dalawa pa lang ang na-meet ko na tao (hindi ko kilala) na may ganitong karakter, ito’y noong T.O.F. 2009 at noong 2016 dito sa Down Under. Sa aking opinyon at karanasan, mostly ang may mga ganitong karakter ay yung mga bago pa lang sa eksena. Yung tipong hindi ka papansinin dahil akala nila baguhan ka rin katulad nila. Hindi ka rin nila papansinin dahil medyo mahina ka pagdating sa padyakan o kaya low-end ang gamit mong biskleta.
Sila din yung tipong makikipagdebate sayo (na kala mo ay alam lahat) in case may mga katanungan ka or kung kung may naiisip ka tungkol sa pagbibisikleta. Papanigan din nila syempre kung ano ang gusto nila (kanilang karanasan) kaya wala kang mapapala kahit ilang beses mo pa ipagtatanggol ang magiging opinyon mo. Mahalaga sa mga bagong siklista (matanda o bata) o yung nag-uumpisa pa lamang magbisikleta na mag-research, magtanong o pag-aralan muna ang isang bagay bago magpasikat sa iba (FYI: hindi lahat ng beginners ay nagpapasikat at hindi lahat ng nagpapasikat ay beginner).
Ang pagkakaroon ng role model ng isang grupo o community (in a positive way) ay isang mabisang paraan upang mabawasan ang ganitong kaugalian sa eksena ng pagbibisikleta sa bansa. Magiging kapaki-pakinabang din siguro kung lahat ng mga cyclist group at mga industriya ng bisikleta ay handang talakayin ang mga kahihinatnan ng isang negatibong isyu/kaugalian (kung meron man) tungkol sa pagbibisikleta.