Dahil sa Pandemya

DAHIL SA PANDEMYA

ni: Kalipunan

Ang pandemya ng COVID-19, na nagsimula noong huling bahagi ng 2019, ay maaaring isa sa mga pinakamaimpluwensiyang pandaigdigang pangyayari sa 21st century. Nagkaroon ito ng malalim na epekto sa hindi mabilang na buhay, ekonomiya, at mga sistema ng pangkalusugan. Para sa marami, binago nito ang kanilang pang-araw-araw na buhay. May nawalan ng trabaho at pagkakakitaan, marami din ang nalayo o yung nahirapang makipag-ugnay sa mga pamilya/kaibigan at sa lipunan.

Ang isa sa mga pinakamalaking pagbabago na nakita natin ay ang pagtaas ng remote work o work from home. Sa panahon din ng pandemya, maraming tao ang bumaling sa mga online na platform upang manatiling konektado at umaasa sa mga social media upang makipag-ugnayan sa labas at gamitin ito upang makakuha ng pagkakakitaan. At noong medyo lumuwag-luwag na nga ang lockdown, marami sa ating mga kapatid ay back to zero o yung na-reset ang kanilang mga pang araw-araw na gawain. 

Marami ang mga nag-usbungang mga small businesses, yung iba naman ay nagsi-sideline ng deliveries, maraming naging concern sa health at higit sa lahat dumami ang nagbibisikleta. Matagal-tagal din akong naghanap sa FB ng mga pandemic cyclist upang kunin ang kanilang pananaw sa artikulong ito. Halina’t basahin natin ang kanilang mga karanasan at malaman kung ano ang nagpursigi sa kanilang magbisikleta noong pandemic.

Naging siklista si Mel Ahon after 2021, after ang pag-exit niya from Middle East. Gamit ang stock bike ng kanyang bunso, nagsimulang pumadyak si Mel noong March 22, 2022 dahil na rin sa pag-invite sa kanya ng mga pamangkin ng kanyang asawa. At dahil nga halos lahat ng mga tao ay nasa bahay lang, ang pagiging active ng iba ay biglang nawala o bumaba sa ilan. Nang medyo na lift na yung lockdown/restrictions, napansin niya na yung mga iba na hindi masyadong active sa strenous activity, ay mas naging aware sila sa pagpapahalaga ng kanilang kalusugan. Pagkatapos din ng Covid, pinagpatuloy niya ang pagbibisikleta at kung saan-saan na rin nakarating. Sinabi niya noon at ngayon, maganda ang naging transportasyon (sa paggamit ng bisikleta) ng mga uring manggagawa at nakakatulong sa mga local business na pinupuntahan at sa kalusugan.

Kung siya naman ay nasa biyahe at biglang nag-lockdown sa bawat bayan dahil sa isang insidente (tulad ng Covid o anumang natural na kalamidad/iba pang casualty) ang unang niyang mga gagawin ay magdasal, then ipaalam sa pamilya kung nasaan ako at ang aking kalagayan.

Ginawa namang siklista ng Covid si Byaheng Bike ni Mike dahil sa walang public transportation noong panahon ng lockdown. Sinabi niya na naglalakad lamang siya mula Pasay hanggang Makati (papunta at pauwi) sa tuwing pinapatawag sila sa trabaho dahil sa pinapasukang essential store. Di nagtagal at dahil na rin sa hassle na ito, nakabili siya ng bisikleta at doon na ngang nagsimula ang kanyang paggamit ng bisikleta papuntang trabaho. Kalaunan, eto na rin ang naging dahilan ng kanyang pagkahilig sa paglalakbay sa iba’t-ibang lugar.

Dahil isang frontliner si Mike, sinabi niya noong panahon na nakakalabas siya para pumunta sa work (gamit ang iskor na bike) ay ang pakiramdam niya noong mga oras na iyon ay malaya at payapa. Ibinahagi rin niya na minsan nag-bike siya sa EDSA na walang kasabay na mga sasakyan dahil sa lockdown. Malaki ang naging epekto ng pagbibisikleta kay Mike kaya nagpasya siya na ipagpatuloy ito sa kadahilanang may advanced siya na ehersisyo, nakakapunta siya sa ibat ibang lugar at mabisa itong transportation sa NCR (dahil sa ma-trapik ang kalsada). Sinabi rin niya na sa pag-boom ng bicycle scene sa bansa, e mas may mga nakakasabay at nakakakwentuhan na ako sa daan.

Kung siya naman ay nasa biyahe at biglang nag-lockdown sa bawat bayan dahil sa isang insidente (tulad ng Covid o anumang natural na kalamidad/iba pang casualty) ang unang niyang mga gagawin ay magdasal, then ipaalam sa pamilya kung nasaan ako at ang aking kalagayan ay sumunod sa protocol ng bayan kung saan man ako abutan. Pagkatapos naman ay kokontakin ko ang mahal ko sa buhay.

At dahil walang sasakyan papuntang palengke si Nanay Mhel R.C., naisipang niyang gumamit ng bisikleta upang mapabilis ang kanyang pagpunta sa palengke. Dito na rin nagsimula ang kanyang pagbibisikleta noong panahon ng pandemic. Ibinahagi niya (na sa tuwing lalabas siya) na kahit may quarantine pass siya, e natatakot pa rin siya sa tuwing tatawid (sa ibang bayan) o may sisita sa kanyang mga pulis sa daan. Sinabi rin niya na itinuloy niya ang pagbibisikleta hanggang ngayon dahil nagkaroon siya ng mga bagong kakilala at kaibigan. Kalayaan din ang kanyang naging karanasan noong medyo kaunti pa lang siyang nagbibisikleta sa daan at mas marami siyang nakikita (views) sa tuwing papadyak siya.

Kung siya naman ay nasa biyahe at biglang nag-lockdown sa bawat bayan dahil sa isang insidente (tulad ng Covid o anumang natural na kalamidad/iba pang casualty) ang unang niyang gagawin ay ang (maaring) maiyak sa takot.

Sa sobrang hirap at strikto ng mga biyahe ng mga jeep at bus noong pandemic, na pwersang gumamit ng bike si S.A. Surara noong pandemic. Mainit sa mga checkpoint ang mga nagmo-motor noon, kaya napilitan siyang magbisikleta at iyon lang talaga ang kaniyang naiisip na paraan noong mga panahong iyon. Dahil sa sobrang higpit ng checkpoint sa kanilang lugar, sinabi niya na hindi siya nakatakas magbisikleta. Binanggit din niya na sa oras na mabalitaan ka lang na taga-ibang baryo ka o lugar, pinapabalik ka kaagad. Kaya para makakuha ng padyak sa maikling panahon, ang naging palusot ko na lang ay pauwi na ako galing sa trabaho.

Dinagdag din niya na malaking epekto (nag-boom ang eksena ng bisikleta noong Covid) ito lalo na sa mga nagtatrabaho sa mga malalayong lugar, kasi sa kahinaan ng biyahe noon at kahit ngayong panahon na ito na nagtataasan ang presyo ng gasolina. Kung sa iba ay “pampahirap sa katawan” ang opinyon nila sa cycling, para sa amin, ito ay “practical service” lamang. Sa pagpapatuloy niya sa pagbibikleta pagkatapos ng Covid, sinabi niya na marami na siyang nakasalamuhang mga siklista na mas matagal pang nagbibisikleta kesa sa akin, para sa kanya nakakainggit ito, pero ito yung nagtulak sa kanyang magpatuloy na magbisikleta. Hindi na rin siya nag-iisa maghanap ng kasama sa tuwing bibiyahe siya sa ibang lugar, gawa ng ang eksena sa kanilang lugar (at tabing-bayan) ay talaga namang lumaki at naging trending.

Kung siya naman ay nasa biyahe at biglang nag-lockdown sa bawat bayan dahil sa isang insidente (tulad ng Covid o anumang natural na kalamidad/iba pang casualty) ang unang niyang gagawin ay ang manghihingi ako ng tulong sa bayan o barangay na mapapakiusapan na ako’y napatigil sa gitna ng biyahe dahil sa isang sakuna o pangyayari.

Ginawang siklista ng COVID-19 si BJ Santos dahil noong pandemic daw, marami siyang mga kaklase nung high school na bumuo ng cycling group at nagyaya. Sinubukan niya ito at nagustuhan, lalo na kung nakakalayo siya at napupuntahan niya ang iba’t-ibang mga lugar. Naging malaking epekto (sa iba at) sa kanya ang pagbibisikleta hanggang ngayon. Sinabi niya na ang kanyang timbang ay gumaan at hindi na rin naulit ang pag-atake ng kanyang gout simula nung nagbisikleta. Mas na-e-enjoy pa niya lalo ang kaniyang mga rides dahil na rin sa mga bagong nakilala at mga nagiging kaibigan. Sinabi rin niya na masaya siya na sumikat/o marami na ang mga nagbi-bike ngayon dahil sa bagay na ito, dumami ang mga event na bike related na kaniyang nakikita/napupuntahan.

Kung siya naman ay nasa biyahe at biglang nag-lockdown sa bawat bayan dahil sa isang insidente (tulad ng Covid o anumang natural na kalamidad/iba pang casualty), ang unang niyang gagawin ay ipaalam ko sa pamilya ko kung nasaan ako at susubukan kong umuwi kung kakayanin.

Sa kagustuhang magkaroon ng physical na activities, nagpasyang magbisikleta si ァラン ヵリョン noong panahon ng pandemya. Napakarami sa atin malamang ang kating-kati lumabas noong pandemic. Kaya noong nagkaroon ng pagkakataong makapagbisikleta si ァラン ヵリョン sinulit niya ito at binanggit niya na naging masaya siya dahil sa kalayaan na binibigay ng pagbibisikleta. At sa pagpapatuloy niyang magbisikleta, inamin niya na malaki ang kanyang natitipid sa gas at toll fee sa tuwing papasok siya sa work. Na-ma-maintain na rin niya ang kanyang weight dahil sa tulong na rin ng pagbi-bike. At masaya rin siya sa tuwing may nakakasabaya siyang siklista papasok o tuwing nagbibisikleta siya tuwing weekend.

Kung siya naman ay nasa biyahe at biglang nag-lockdown sa bawat bayan dahil sa isang insidente (tulad ng Covid o anumang natural na kalamidad/iba pang casualty) ang unang niyang gagawin ay sumunod lang sa mga patakaran na pinatutupad.

Ang pandemya ng COVID-19 ay isang kahanga-hangang pangyayari na nagpabago sa ating buhay. Hinamon nito ang ating lakas, nagtulak din ito na yakapin ang mga bagong paraan ng pamumuhay, at binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagsuporta sa isa’t isa. Habang sumusulong tayo mula sa karanasang ito, ang mga insight na nakuha ay magiging mahalaga sa paglikha ng mas maganda at patas na hinaharap para sa lahat.