DISTRUNKA
ni: Kalipunan
Baklas dito, baklas doon, ilan taon din ako bago natuto mag ayos ng sarili kong bisikleta. May 2 lamang akong mekanikong pinagkakatiwalaan sa aming probinsya at sila lang talaga ang aking savior kung may problema akong nakita sa aking bisikleta. Hindi nagtagal at lumisan na sa shop ang isa kong mekaniko at naging isa na lamang ang aking takbuhan sa tuwing may ipapagawa ako sa aking bisikleta.
Naging mahirap ito sa akin (weekend warrior) dahil hindi naman ako kaagad masasalang sa tuwing may ipapagawa ako dahil may naka-line up din namang ibang trabaho. Nagpatuloy ito nang ilang taon at naisip ko na kailangan ko na talagang matuto ng basic skills sa pag-aayos ng aking bisikleta. Sa paraang ito, mababawasan ang hassle sa oras at makakaipon ako ng kaunti pang upgrade ng bike parts. Nagtanong ako ng mga pros and cons ng DIY repair/built sa mga kaibigan nating padyakero. Dinagdag ko rin sa mga tanong kung ano ba ang lagay ng mga LBS na kanilang napuntahan at kung worth it pa bang puntahan ito. Halina’t samahan ninyo kaming basahin ang kanilang pananaw sa artikulong ito.Â

Para sa opinyon at karanasan ni Nomar C., sinabi niya na ang iba sa mga mekaniko sa Pilipinas ay medyo kaduda-duda. Dahil, instead na ayusin daw ang iyong bisikleta, bibigyan pa lalo nila ito ng sakit/sira para ma-suggest nila na palitan o bumili ka na ng bagong parts sa kanilang shop. Kaya minsan naaisip daw niya na instead na magandang service e napupunta lang sa business mindset ang mga ibang LBS. May mga karanasan din siya na titignan muna ang iyong bisikleta bago umpisahang ayusin ito (o magbigay ng quotation).
At dahil malayo sa kanila ang kanyang trusted na bike mechanic, naging tulong sa kanya ang mga DIY repar/maintenance/tutorial na napapanuod niya sa YT. Kaya minsan kung limitado ang kanyang oras, siya na lang ang nag-aayos ng kanyang bisikleta. Ang ilan sa mga paborito niyang gawin sa kanyang bisikleta ay minsan pinapaliguan niya ito after mababad at mabasa sa ulan. Ayaw kasi niya yung madungis at maputik na bisikleta (presentable) dahil minsan ginagamit niya itong pang-sideline. Para naman sa kanyang advice, mas okay daw kung bibili ka ng basic tools kasi kapag dinala mo ito sa mga shop, magbabayad ka pa rin ng labor fee nila.


Kung si Joy Cape naman ang tatanungin, mas mainam ang DIY maintenance dahil bukod sa matututo ka ng mga basic repair, e makakatipid ka rin sa paggastos ng malaki. Sinabi rin niya na ang iba sa mekaniko sa ating bansa ay hindi masyadong detalyado (dahil hindi kumpleto ang mga tools) o minsan hindi propesyonal ang paggawa kumpara sa ibang bansa. Ibinahagi rin niya ang karanasan niya sa ibang mga bike shop sa Manila na kapag nagtatanong ka ng presyo, e hindi sumasagot ang mga tindera (o hindi ka papansinin). Kaya imbes na doon bumili, e sa online na lang siya naghahanap ng piyesa. Binanggit din niya na may mga mekaniko na bara-bara lang gumawa at may mga mekaniko din na kinakalikot pa din (dahil hindi kuntento sa gawa nila) kahit okay na ang bisikleta mo.
Para naman sa kanyang pananaw sa mga tutorial sa YT, sinabi niya na may impact naman ito, ngunit hindi mo naman basta-basta maayos ang bisikleta mo kung panunuod lang. Mas okay pa rin talaga ang suriin at ikaw talaga mismo ang gagawa (o yung trial and error style). Natututunan din niya ang maintenance ng hydraulic brakes at pagpapalit nito sa isang mekaniko at hindi dahil sa YT. Para sa kanya, ang pagma-maintain ng isang ayos na bisikleta ay hindi sa itsura nito kundi sa functionality ng mga parts nito (kung may papalitan man) at kung papaano mo ito gamitin nang tama.
Ang kanyang advice sa mga nagdadalawang-isip kung ipapagawa na lang ba ang bisikleta o bibili ng tools para ayusin ang bisikleta ay sinabi niya na mas mainam mag-aral ng DIY (basic). Makakatipid ka na at makakatulong ka pa nang mabuti sa ibang mga baguhang siklista. Example nito ay kung na flat ang gulong ng bike mo sa liblib na lugar, kawawa ka kung hindi ka marunong magpalit ng interior. Simpleng kaalaman pero laking tulong ito sa lahat. Huwag din munang bibili ng tools kung hindi pa alam kung paano ito gamitin.


Ayon naman kay Sick Lista Tgis ng FB, mas talagang makakatipid ka kung ikaw mismo ang magre-repair ng bisikleta mo, ngunit ang downside nito ay kung aksidente mong masira ang inaayos mo. Siguradong mado-doble ang bayad mo sa shop. Kaya base sa kanya, mas maganda kung ipapagawa mo na lang ito sa mga bike shop na may proper tools at hindi kung saan-saan lang kasi baka imbes na ma-doble e baka trumiple pa ang gagastusin mo (dahil may ibang bikeshop sa atin na magaling sa market strategy). Naging malaking tulong naman sa kanya ang panunood ng tutorial sa YT tungkol sa DIY repair, ngunit hindi naman lahat ay accurate, kaya sinabi niya na kailangan pa ng ibang video upang lubos na maintindihan ang gagawing pagbaklas.
Binanggit din niya na isa sa pinakapaborito niyang ginagawa upang ma-maintain na mukhang bago at maayos ang kanyang bisikleta ay ang cleaning at pagre-repack. Para naman sa kanyang advice sa mga nagdadalawang-isip kung DIY ba o hindi, sinabi niya na kung walang sapat na kaalaman, siyempre, bikeshop na lang. Pero mas okay din ang aralin, magtanong o manood sa mga solid na mekanikong gumagawa para iwas gastos next time.


Naghanap pa ako ng isang gustong mag-contribute ng opinyon/sagot sa topic na ito hanggang sa nahanap ko si Jules B. upang ibahagi niya ang pananaw sa artikulong ito. At ito ang kanyang naging tugon, compared to visiting a bike shop, parts can be bought online nowadays, and the cost way less than what the local bike shop offers. Self-learning—learning the how and why —can bring excitement to oneself, yung mga moments na “Ay! Kaya pala natunog!” or “Ah, kaya pala hindi naakyat sa ganitong cogs kasi ganito”. Yung ikaw na yung magkakaroon ng idea kung paano ayusin yung isang problema sa bisikleta mo. Convenient; No need to worry when your bike will get serviced, a way to avoid queue na rin, lalo na kung introvert ka.
Cons Time-consuming; DIY repairs can be time-consuming, especially if you’re new to bike maintenance or dealing with complex issues. Risk of damage; If you’re not careful, you could accidentally damage your bike or worsen the problem. Lalo na kung wala kang “Torque wrench” at carbon ang bike mo. Limited expertise; DIY repairs might not be suitable for major issues or specialized repairs that require specific tools or knowledge. Lack of warranty; If a DIY repair goes wrong, a warranty may not cover you. Before attempting a DIY repair, consider the following: Complexity of the issue, simple tasks like flat tire repairs or chain adjustments are generally suitable for beginners. Your mechanical skills: If you’re not comfortable with tools or have limited mechanical experience, so minsan magastos sa mobile data na manonood ka muna ng How To’s online, e.g mga vids ni Mekanikomartilyo, Bearmpeak Express, at Parktool.


As per the level of mechanic skills, if sa mga tabi-tabi ng bikeshop ka magpapagawa or hindi pa established shops, makakaranas ka ng mga kadalasang “hand work” talaga, makikita mo yung pinupukpok yung bearings instead of using bearing press, mararansan mo rin na close minded yung makakausap mong mechanic. Pero if sa mga well-known bikeshops na, well, mas maalam talaga yung mga mechanic, dahil nag i-invest yung mga owners to teach or to have their mechanics learn the modern way of handling a modern bike repair. So, I guess it’ll vary on the location of the shop and the owners’ willingness to spend money sa mga mechanic’s knowledge. One good example is sa Neo Zigma, the owner does invest in their employees’ skills. Back then, I was told by one of their mechanic na talagang nagpapatraining sila at minsan pinapadala pa sila sa ibang lugar just to gain more skills.

Ilang taon din akong nag-practice (hanggang ngayon) ng mga basic skills kagaya ng pag-tono, pag-aayos ng preno, pag-maintain ng tinidor (except air fork), minor adjustment sa spokes, pagbaklas/pagbuo, at naisip ko na masaya din pala maging bike mechanic kahit hindi 100% pro ang aking gawa. Ang hindi ko pa talaga lubos na matutunan ay yung bumuo ng solid na wheelset (dahil mahal ang truing stand).
Para sa akin na medyo tight ang oras at budget, ang pagkakaroon ng mga videos sa Youtube (how to fix) kasama ang downloaded na manual ay isa sa mga mabisang paraan upang matutunan nang husto ang gagawing part ng bisikleta. At kung talagang may duda ka sa gawa mo, marami naman bike shop diyan na nag o-offer ng sulit na built/repair, magtanong-tanong lang tayo sa mga kapwa nating siklista kung saan swak ang ating perang pampagawa.Â