Dungawan Campsite

DUNGAWAN CAMPSITE

Ang Central Luzon ay isang malawak na kapatagan na binubuo ng pitong probinsiya na ang pangunahing ekonomiya ay ang pagtatanim ng palay at ang produksiyon nito. Ngunit sa mga hangganan ng rehiyong ito, makikita ang mga natatagong likas na yaman at iba’-ibang tanawin mula sa kabundukan, hanggang sa karagatan. Kung ikaw ay nasa Manila Bay at maliwanag ang kalangitan, mapapansin mo ang mga kabundukan ng Bataan na umaabot hanggang sa karatig probinsiya nito. Isa sa mga probinsiya ng rehiyon ay ang Tarlac, na isa sa mga ‘jump-off point’ kung ikaw ay aakyat papuntang Mount Pinatubo. Marami na rin ang mga campsite na makikita dito at isa na dito ang Dungawan Campsite.

Nag-umpisa ang ideya nilang gawin itong ‘recreational spot’ noong may nakita silang nag-upload sa ‘social media’ ng mga bikers malapit sa kanilang lugar. Nakatanggap din sila ng kahilingan na kung maaaring mag-camp sa kanilang lugar gayong maganda at patag ang lokasyon. Ibinihagi rin ng may-ari kung paano nila pinangalanan ang naturang campsite.

‘Dungaw’ ay isang Tagalog na salita na ibig sabihin ay tumingin sa labas ng bintana. Base sa may-ari, kung ikaw ay nasa kanilang campsite, hindi mo na kailangan ng bintana para makita ang ‘360-degree view’ ng buong probinsya at karatig-bayan nito. Pinakagusto rin nilang ginagawa ay ang pakikisalimuha sa mga bisitang pumupunta sa kanilang lugar. Binanggit din nila na ang kanilang pangunahing layunin ay makita ng iba ang ganda ng kalikasan at mamuhay o ma-experience ang mga panahon kung saan walang ‘access’ sa kuryente.

May dalawa lamang mahahalagang layunin ang campsite na kailangang sundin, at ang mga ito ay: CLAY-GO or CLEAN AS YOU GO para na rin sa mga susunod na bibisita sa campsite at ang pangalawa naman ay QUIET TIME 10pm para sa mga ibang gumagamit ng site.

At para na din balikan at puntahan pa ito ng ibang mga mahilig sa “outdoors’ naisip nilang tayuan diin ito ng kapihan sa taas at magkaroon ng ATV para sa mga bisitang dadalaw sa campsite.

Kung limitado lang ang oras mo at kailangan mo lang ng saglit na kapayapaan, maaari mong kontakin o i-message sa kanilang FB account (Dungawan Campsite) at ikaw ay kanilang tutulungan sa iyong mga katanungan.