FLAT IS BORING
Isa pa sa mga kilalang gumagawa ng customized bikepacking bags sa Cebu ay ang Flatisboring Adventure Industries. Detalyado at eksakto rin ang kanilang mga gawa hanggang sa pinakamaliit na parte ng kanilang mga produkto. Ang pangunahing misyon nila ay makapagbigay ng ‘first-class’ na kagamitan para sa mga mahilig sa outdoor upang matiyak ang perpektong karanasan sa paglalakbay at makatulong sa pagbabawas ng ‘waste material’ na nakakasira sa Inang kalikasan. Bukod sa bikepacking/touring bags, gumagawa rin sila ng ‘customized gear and apparel’ na nauuso na ngayon sa buong mundo. Ang mga susunod ay ang kanilang maikling istorya kung paano nagsimula ang kanilang negosyo.


Ayon sa kanila, nagsimula ang kanilang negosyo dahil na rin sa pagkahilig sa outdoor, hiking, pagbibisikleta at anumang pakikipagsapalaran at karanasan sa pagtatrabaho sa isang brand. Nakikita ko rin ang pangalang FlatIsBoring sa social media sa tuwing ako ay nagbubukas ng aking account sa FB.
Naging interesado ako sa kanilang pangalan dahil may ‘catch’ ito para sa akin. At ito ang sinabi nila tungkol sa kanilang tatak, “We want a flat game. We want something that rolls or rises. The black shama… as a Cebuano, we represent it.” Isang simpleng rason kung bakit nila naisipang gamitin ang kaakit-akit na pangalan. Binanggit din nila na sa ngayon ay nagsisimula na kaming maghatid ng mga tatak mula sa ibang mga bansa at mga lokal na tatak sa mga discrete na kontrata bilang bahagi ng aming pananaliksik at kalidad ng aming mga produkto. Isa sa mga paborito nilang bagay tungkol sa pagtatrabaho ay mabasa o makatanggap ng magagandang feedback at rekomendasyon ng kanilang mga kliyente. Para sa kanila, ang pakikinig sa mga payo o ideya ay malaking tulong upang mabago ang isang produkto na babagay sa lahat.


Ang ilang materyal sa kanilang negosyo ay mula pa sa malalaking kumpanya sa Cebu at karamihan sa mga ito ay mataas ang kalidad. Kahit sa isang lokal na scrap nila ito binibili, tinitiyak nila na mabuti pa rin ang kondisyon ng materyales na kanilang gagamitin. Nag-i-import din sila ng mga ‘raw materials’ para mapanatiling bago ang merkado at ma-sustain ang mga pangangailangan. Lifetime warranty din ang kanilang mga produkto, kaya hindi mo kailangang mag-alala kung masisira man ang mga bags na bibilhin mo sa kanila.
Isa sa pinakamahirap na hamon na kanilang naranasan habang nagpapatakbo ng kanilang negosyo ay ang pag-kumpleto ng brand, antas ng merkado at ang pag-upa sa produksyon. Dahil sa mga hamong ito, na-momotivate silang lalo na gawin ang kanilang mga hilig. Sinabi rin nila na, ‘Huwag maliitin ang iyong production team!”
Ilan sa mga plano ng negosyo para sa hinaharap ay ang mga sumusunod:
a. Mas madali kaming lapitan para sa mga custom-made products upang matugunan ang demand.
b. Tanggapin ang mga outsourcing brands mula sa ibang bansa.
c. No to re-seller, gusto namin ang mga Pilipino ay diretsong bumili sa amin at
d. We’re doing apparel this year.
Kung may katanungan pa kayo tungkol sa Flatisboring, maari silang kontakin sa kanilang FB/Instagram account,(Flatisboring Adventure Industries).

