Ibaba mo pa

IBABA MO PA!

ni: Kalipunan

Paano kung sabihin ko sa iyo na ang isang bisikleta ay maaaring maging isang gawa ng sining? High school na ako nung marinig ko ang mga lowrider bikes (fully customised, chrome-built). Napansin ko ito habang ako ay nagbo-browse ng mga car magazine sa isang magazine/bookshop sa QC. Na-amaze ako dahil sa kakaibang disenyo at mga chrome parts nito. Talaga naman macu-curious ka at mahuhumaling kang malaman kung paano ba binubuo ito at kung may available parts ba na nabibili sa mga LBS.

Base sa aking pagbabasa, nagsimula o nagmula ang bisikletang ito sa komunidad ng mga Chicano sa U.S. taong 1940s – 1950s. Ang mga bisikletang ito ay naging simbolo ng pagpapahayag ng sarili at pagmamalaki ng komunidad. Sa ngayon, patuloy na pinapahusay ng mga low rider ang kultura at kasaysayan, na nagre-reflect ng lifestyle at halaga ng mga komunidad na sumusuporta sa kanila. Halina’t samahan ninyo akong tuklasin ang kagandahan ng bisikletang ito at malaman ang mga pananaw ng mga kapatid nating siklista sa umuusbong na low rider community sa bansa.

Devon E.B.

Maaari ninyo po bang ibahagi kung paano kayo nagsimula at napamahal sa paggamit/pag-collect ng lowrider bikes? Nagsimula akong gumamit ng custom bike noong umuwi ako dito sa Pilipinas noong taong 2021. Dito ko rin na-meet ang grupo ko ngayon na Pinaslowridaz bc. Nagpagawa ako ng custom bike sa grupo namin at ’yan ang unang naging bike ko at nasundan na ng nasundan na mag-collect ako ng iba’t ibang klase ng bike. Pero binata pa lang ako, mayroon na akong play bike or yung tinatawag nilang Manila bike, pero hindi ko na ’yan na-keep. Kaya rin ako napamahal sa grupo ko at sa larangan ng lowrider dito sa Pinas dahil bata pa lang ako eh nagbibisikleta na ako. Kaya ayun, naging Vice Pres. ako ng PINASLOWRIDAZ BC hehe. Ang chapter nga pala ng grupo namin dito sa Pilipinas ay sa MANILA & CEBU. Ang FOUNDER ng grupo ay nasa EU, si Mr. Tim Cashman, at our Club President naman ay si Mr. Manong Glenn.

Ano po ang pros para sa inyo ng paggamit ng bisikletang ito? Syempre, easy access compared sa mga motor vehicles. At ang pinaka-astig dito ay pambale talaga ng leeg. Napaka-angas ng dating mo kapag naka-custom o lowrider bike ka.

Kailangan po ba ng malaking savings at pasensya para mag-build o mag-customize ng ganitong klase ng bisikleta? Aminin man natin o hindi, oo, kailangan ng sapat na budget para sa mga ganitong klase ng bisikleta. Kasama rin, siyempre, ang pasensya. Papasok din ang pasensya kapag custom bike ang pinapagawa mo, 1 of 1 kasi ’yan, pera at panahon ang kailangang gugulin.

Ano po sa tingin ninyo ang mga pagkakaiba (o pagiging unique) ng low rider bikes sa isang regular na bisikleta (MTB/RB, etc.)? Para sa akin yung itsura ng bike, hindi siya regular na makikita sa kalsada at sa mga bike shop dito sa Pinas. Kami rin na mga gumagamit nito ay puwedeng naming sabihin na naka-terno ito sa pagkatao namin at pormahan namin. Dapat akma lahat ’yan, hindi lang ang bisikleta, pati na ang taong gagamit nito.

Sa inyong palagay, may link po ba sa mga gang/s o grupo ang pagkakaroon ng ganitong klase ng bisikleta? Ano po sa tingin ninyo ang positive na naitutulong ng isang grupo sa eksena ng pagbibisikleta sa bansa? Hindi lahat ng may lowrider o custom bike dito sa Pinas ay gang-related. Napaka-positibo ang naidudulot nito sa bansa at sa mga kabataan para malayo sa mga hindi magandang gawain kagaya ng masamang bisyo. Makakatulong din ang pagbibisikleta sa health ng isang tao.

Alam natin na matagal nang nagsimula ang pagbu-build ng low rider bikes, pero para po sa inyong opinyon, ang iba kayang nagbubuo ng ganitong klase ng biskleta, e sinusunod ang tradisyon/culture/ekspresyon o sadyang nakikigaya lang sa uso? Sa aking kaalaman, ang mga builder dito sa atin ay sumusunod sa tradisyon at kultura kung saanman ito nagsimula. Hindi tayo sumusunod lang sa uso at ganon din kami na bilang mga miyembro ng bicycle club dito sa Pinas. Hindi kami nakikiuso lang; sinusulong namin ang kultura ng lowrider sa ating bansa.

Ano po ang magiging payo ninyo sa mga nagnanais na magbuo ng low-rider bikes? Mga kapatid, ang maipapayo ko lang sa mga nais magbuo ng lowrider or custom bike ay ituloy ninyo yan at kung kailangan ninyo ng gabay, andito ang grupong pinaslowridaz, welcome kayo mga kapatid, sabay-sabay natin iangat ang antas ng lowrider sa ating bansa. Walang baguhan o veterano; respeto sa bawat isa ang kailangan. (pinaslowridazbc till the wheels fall off)

Kerr A.

Maaari ninyo po bang ibahagi kung paano kayo nagsimula at napamahal sa paggamit/pag-collect ng lowrider bikes? Nag-umpisa ito noong nakita ko na siya sa internet, then nakita ko na meron pala kaming gumawa ng lowrider bike dito sa Pinas.

Ano po ang pros para sa inyo ng paggamit ng bisikletang ito? Advantage, syempre, bike nga siya. Transportation, pero dahil kakaiba ang napapatingin sila sa’yo, napapahanga at parang good vibes ang mga tao sa’yo dahil nakakakita sila ng something na hindi laging nakikita.

Kailangan po ba ng malaking savings at pasensya para mag-build o mag-customize ng ganitong klase ng bisikleta? Oo, kailangan ‘yan, hindi lang sa bike, kundi kahit sa maraming bagay.

Ano po sa tingin ninyo ang mga pagkakaiba (o pagiging unique) ng low rider bikes sa isang regular na bisikleta (MTB/RB, etc.)? Pagkakaiba, marami. Sa itsura, sa parts. Sa tindig etc.

Sa inyong palagay, may link po ba sa mga gang/s o grupo ang pagkakaroon ng ganitong klase ng bisikleta? Ano po sa tingin ninyo ang positive na naitutulong ng isang grupo sa eksena ng pagbibisikleta sa bansa? Ang lowrider culture ay iba sa gang culture, maraming gang member ay mayroon lowriderbike, – ang naiitulong nito ay nagpro-promote ng exercise, nagpro-promote din na magbuild ka, nagpro-promote ng fresh air, imbis ng gumamit ng motorsiklo or sasakyan which is masama sa kapaligiran.

Alam natin na matagal nang nagsimula ang pagbu-build ng low rider bikes, pero para po sa inyong opinyon, ang iba kayang nagbubuo ng ganitong klase ng biskleta, e sinusunod ang tradisyon/culture/ekspresyon o sadyang nakikigaya lang sa uso? Lahat yan ay tama at totoo, may sumusunod sa traditions and culture, mayroon sa build ini-eexpress nila ang art nila sa isip inilalagay sa bike. Mayroon ding nakikiuso lamang.

Ano po ang magiging payo ninyo sa mga nagnanais na magbuo ng low-rider bikes? Ang maipapayo ko ay lagyan ng love at pagtitiis at tiyaga ang pag-build, lagyan ng budget.

Words Cursed

Maaari ninyo po bang ibahagi kung paano kayo nagsimula at napamahal sa paggamit/pag-collect ng lowrider bikes? I started hobbying with a lowrider bike since my 3rd year of high school. Nagulat ako nung kinunan ako ng friend ko ng lowrider picture at sinabi ko sa kanya kung anong bike iyon. Tapos sabi niya, lowrider bike. Tapos sabi ko kung saan ako makakabili ng mga parts na yun, sabi niya, my friend is in a lowrider community here in Cebu, you can ask him. Pagkatapos, ang natitira ay kasaysayan na lang.

Ano po ang pros para sa inyo ng paggamit ng bisikletang ito? Pros: Unique styles and also eye-catching head turners (inspired by lowrider cars), with features like banana seats, sissy bars, and ape hanger handlebars. And also, you can build it based on your taste.

Cons: Poor weather performance, limited practicality for long distances, heavy weight, single-speed heavy for climbing, and higher maintenance costs.

Kailangan po ba ng malaking savings at pasensya para mag-build o mag-customize ng ganitong klase ng bisikleta? It depends on the build you want. If you opt for a classic build, it’s more cost-effective than a twisted build, and the paint job is also more affordable.

Ano po sa tingin ninyo ang mga pagkakaiba (o pagiging unique) ng low rider bikes sa isang regular na bisikleta (MTB/RB, etc.)? You’re just like riding on the ground; you’re so low than MTB or RB, and your eye catching than them.

Sa inyong palagay, may link po ba sa mga gang/s o grupo ang pagkakaroon ng ganitong klase ng bisikleta? Ano po sa tingin ninyo ang positive na naitutulong ng isang grupo sa eksena ng pagbibisikleta sa bansa? Yes, other members are in gangs, but in the lowrider community, we are one family, a brotherhood

Alam natin na matagal nang nagsimula ang pagbu-build ng low rider bikes, pero para po sa inyong opinyon, ang iba kayang nagbubuo ng ganitong klase ng biskleta, e sinusunod ang tradisyon/culture/ekspresyon o sadyang nakikigaya lang sa uso? Idk on others, but almost all lowrider owners know the history and tradition of lowrider bikes

Ano po ang magiging payo ninyo sa mga nagnanais na magbuo ng low-rider bikes? Just go, build your dream lowrider bike. You are welcome here in the lowrider community, and we are willing to help you develop your lowrider bike.

Leo D.P.

Maaari ninyo po bang ibahagi kung paano kayo nagsimula at napamahal sa paggamit/pag-collect ng lowrider bikes? Para sa akin kasi, mas trip ko yung kakaiba kumpara sa karamihan. Nakita ko ito sa low-rider bikes.

Ano po ang pros para sa inyo ng paggamit ng bisikletang ito? Kumbaga, kung pag-uusapan ang ‘the looks’, parating ka pa lang sakay ng bisikleta namin, e, kita-kitang ka na. Tapos, paglampas mo naman sa mga tao (di naman lahat), nakatingin pa rin sila sa’yo, kasi nga kakaiba ang mga bisikleta na ito in a good way.

Kailangan po ba ng malaking savings at pasensya para mag-build o mag-customize ng ganitong klase ng bisikleta? Dahil nga stretch-customize ang mga bikes na ito, kailangan talaga ng budget at kilalang builder na gagawa .

Ano po sa tingin ninyo ang mga pagkakaiba (o pagiging unique) ng low rider bikes sa isang regular na bisikleta (MTB/RB, etc.)? Para sa akin, kasi pag Mtb/Rb halos parang same lang sila ng mga stance, like sa riding position. Kaya minsan eh, may mga nagtatanong na “hindi ba nakakangawet?” Ang sagot ko ay “Sir, tingnan mo ang mga naka-MTB, halos lahat sila nakayuko” (mostly kasi, level ang saddle sa handlebars nila).

Sa inyong palagay, may link po ba sa mga gang/s o grupo ang pagkakaroon ng ganitong klase ng bisikleta? Ano po sa tingin ninyo ang positive na naitutulong ng isang grupo sa eksena ng pagbibisikleta sa bansa? Link sa gang ? Wala nmn siguro, tsaka bicycle clubs kami dito. We Ride as One, iba ibang clubs, halos same bicycle concepts na nagsamasama. Gaya na lang ng club namin na “Barkada Bike Club.” We are a proudly international bicycle club; mostly EU and US ang karamihan.

Alam natin na matagal nang nagsimula ang pagbu-build ng low rider bikes, pero para po sa inyong opinyon, ang iba kayang nagbubuo ng ganitong klase ng biskleta, e sinusunod ang tradisyon/culture/ekspresyon o sadyang nakikigaya lang sa uso? Para sa akin at sa customized na bikes, wala naman sigurong tradisyon, customized nga, meaning, kung anong trip ng nagpapagawa o owner ng bike .

Ano po ang magiging payo ninyo sa mga nagnanais na magbuo ng low-rider bikes? Para sa akin sa customize, search ka lang mabuti kung ano talaga gusto mo, maghanap ng builder na gagawa na maayos at maghanda rin syempre ng budget.

J.P.H. Lubo

Maaari ninyo po bang ibahagi kung paano kayo nagsimula at napamahal sa paggamit/pag-collect ng lowrider bikes? It all started way back in 2010. May mga bisita yung mga jeepney driver sa amin. Tatlo yun sila bakal bike ( 2 lowrider, 1 stretch cruiser ). That time, nasabi ko sa sarili ko, “Gusto ko rin nito,” pero noong time na iyon, considered it as a childish dream, kasi wala pa akong pera at wala pang idea kung paano mag-build. Then eto, nag college ako, wala ako idea sa mga bikes dati, kala ko japan bike lang, then tawag sa cruiser at lowrider kumbaga na upgrade lang ganun pa thinking ko, hanggang sa nakabili ako ng jap bike and na realized ko iba pala yung tawag sa trip ko. Hanggang sa nakaipon ako, bumili ako ng first cruiser ko nung pandemic tapos umuso pa bike noon, talagang overpriced halos lahat at ang bilis mag-out ng bike. Then dun ko na din nalaman kung paano ako mag-start. Nalaman ko na saan ako kukuha, ano ang diskarte. Sakto naman na kumikita na ako that time, tapos yung mga unang pyesa ko pinapaikot ko lang para makapag-upgrade hanggang sa makuha ko ang gusto kong tindig at pyesa. Hanggang sa eto, dumami na ang naitatabi kong parts. 

Ano po ang pros para sa inyo ng paggamit ng bisikletang ito? For me, yung elegant looks niya.

Kailangan po ba ng malaking savings at pasensya para mag-build o mag-customize ng ganitong klase ng bisikleta? To be honest, pricey talaga siya kung bibiglain mo, pero kung di kaya, pwede naman daanin sa mahabang pasensya, syempre, we need to be wise sa pag gastos. Kung di kaya ng source of income mo na biglain, wag mo bibiglain, kase it will end up na ma-sell-out mo yung bike mo for the word “na short, ako i need money” reasons.

Ano po sa tingin ninyo ang mga pagkakaiba (o pagiging unique) ng low rider bikes sa isang regular na bisikleta (MTB/RB, etc.)? For me elegant, classic looks and art talaga, though may mga road bikes na ganun din naman, pero iba kase talaga pagdating sa lowrider bikes, eto yung tipo ng bike na kapag nakita mo at kahit anong paliwanag mo babalik at babalik lang kayo sa salitang, “Ang ganda”.

Sa inyong palagay, may link po ba sa mga gang/s o grupo ang pagkakaroon ng ganitong klase ng bisikleta? Ano po sa tingin ninyo ang positive na naitutulong ng isang grupo sa eksena ng pagbibisikleta sa bansa? Somehow, mostly (but not all) kasi mga gangman is nasa scene din ng lowrider. In terms of groups, sa scene naman, usually magkakaroon talaga ng positive impact, mas masaya mag-bike kapag madami ka kasama enthusiast/collectors. Groups or communities will help each other in terms of pasahan ng pyesa, ideas, stories, and brotherhood.

Alam natin na matagal nang nagsimula ang pagbu-build ng low rider bikes, pero para po sa inyong opinyon, ang iba kayang nagbubuo ng ganitong klase ng biskleta, e sinusunod ang tradisyon/culture/ekspresyon o sadyang nakikigaya lang sa uso? When it comes sa bike-built, ang masasabi ko lang, yung ibang nag-stick sa traditional way ay yun ang gusto nila, at yung iba na nag-i-innovate, try something new, ayun din ang gusto nila. Basically, di laging naka-base sa kung ano ang nag-exist na, meron at meron na mag-step up na gusto ng kakaiba. Dati, nasasabi kong sumasabay lang ’yan kaya nawala bigla, pero nung mas nauunawaan ko na, ’di natin puwedeng husgahan na sumasabay lang sila kasi nga nasa kanila naman na ’yon kung paano nila gagamitin o hanggang saan sila tatagal, lalo na ’pag financial at parking space ang kalaban mo, talagang mapapaisip ka mag-sell out.

Ano po ang magiging payo ninyo sa mga nagnanais na magbuo ng low-rider bikes? Ang mapapayo ko lang ay di laging dapat maganda kaagad, mas ok mag built ng walang iniisip o isa-sacrifice na needs para sa wants mo. Kung kaya mo nang biglaan, then do it, pero pag ’di kaya, habaan ang pasensya, maayos o hindi, pareho lang naman nasasakyan ’yan.

Jerick M.C.

Maaari ninyo po bang ibahagi kung paano kayo nagsimula at napamahal sa paggamit/pag-collect ng lowrider bikes? Nagsimula akong mahilig sa low-rider na bisikleta at mag-collect noong 2019, pero nagsimula talaga ako noong 2012.

Ano po ang pros para sa inyo ng paggamit ng bisikletang ito? Sa lowrider bike kasi, parte siya ng hip-hop culture, eh.

Kailangan po ba ng malaking savings at pasensya para mag-build o mag-customize ng ganitong klase ng bisikleta? Ang pagbuo ng lowrider para skin ay sumasalamin ito sa pagkatao mo. Sa pag-customize kasi, diyan mo mai-e-express yung idea na meron ka eh.

Ano po sa tingin ninyo ang mga pagkakaiba (o pagiging unique) ng low rider bikes sa isang regular na bisikleta (MTB/RB, etc.)? Sa handlebars, bent forks, radial-type rimset. Bukod sa pang-ride ang lowrider, pwede rin itong pang-show.

Sa inyong palagay, may link po ba sa mga gang/s o grupo ang pagkakaroon ng ganitong klase ng bisikleta? Ano po sa tingin ninyo ang positive na naitutulong ng isang grupo sa eksena ng pagbibisikleta sa bansa? Sa lowrider scene, napansin ko na labas ang gang, kasi sa group na meron kami, may magkakaibang gang eh, kapatid pa rin ang turingan namin. Kapag may grupo ka naman, madami kang mapupulot na idea about sa lowrider scene, mas marami din ang pwedeng gumabay sayo kung baguhan ka pa lang dito.

Alam natin na matagal nang nagsimula ang pagbu-build ng low rider bikes, pero para po sa inyong opinyon, ang iba kayang nagbubuo ng ganitong klase ng biskleta, e sinusunod ang tradisyon/culture/ekspresyon o sadyang nakikigaya lang sa uso? Doon sa mga nagbu-build ng low bike, makita mo pa lang sa unang tingin ang kanilang build, e, mararamdaman mo na kung nasa puso ito o nakisabay lang sa uso. Tulad nung pandemya, andaming nagbuo ng bisikleta pero nasan na sila ngayon? Halos di mo na makita ung iba, after pandemic, mga nagbenta na. Tawag sa kanila dito sa Pinas (e pandemic rider) iba yung nakiuso sa sinasapuso, built with passion with heart, not fashion.

Ano po ang magiging payo ninyo sa mga nagnanais na magbuo ng low-rider bikes? Take time, huwag madaliin kasi sa sobrang excited magbuo ng bisikleta, napapalaki ang gastos eh. Tsaka isa puso ang pagbuo, kung porma lang at yabang, huwag na lang nila ituloy ang pagbuo dahil kahit anong ganda ng bike mo, kung pangit ang ugali mo, walang sasama sa’yo sa ride. Walang panget na bisikleta ugali meron.

Tumac Lion

Maaari ninyo po bang ibahagi kung paano kayo nagsimula at napamahal sa paggamit/pag-collect ng lowrider bikes? May naligaw na Springer fork sa tropa na bike shop noong 2006, kaya binili ko agad. Ayun doon na nagsimula.

Ano po ang pros para sa inyo ng paggamit ng bisikletang ito? Service sa mga pupuntahan.

Kailangan po ba ng malaking savings at pasensya para mag-build o mag-customize ng ganitong klase ng bisikleta? Oo, kailangan talaga, kasi kapag binarat mo yung pagbuo ng bike, matik, pangit ang kakalabasan. Kaya dapat ipon at dahdahan lang.

Ano po sa tingin ninyo ang mga pagkakaiba (o pagiging unique) ng low rider bikes sa isang regular na bisikleta (MTB/RB, etc.)? Kakaiba talaga siya lalo sa mga style, para bang yung bang mga gate noon sa mga kabahayan, pilipit (lol).

Sa inyong palagay, may link po ba sa mga gang/s o grupo ang pagkakaroon ng ganitong klase ng bisikleta? Ano po sa tingin ninyo ang positive na naitutulong ng isang grupo sa eksena ng pagbibisikleta sa bansa? Nagkakaroon ng pagkakaisa kahit iba’t ibang grupo dahil sa lowrider bike scene.

Alam natin na matagal nang nagsimula ang pagbu-build ng low rider bikes, pero para po sa inyong opinyon, ang iba kayang nagbubuo ng ganitong klase ng biskleta, e sinusunod ang tradisyon/culture/ekspresyon o sadyang nakikigaya lang sa uso? Di ko rin masabe dahil madami din nagbuo noon at nawala na ngayon.

Ano po ang magiging payo ninyo sa mga nagnanais na magbuo ng low-rider bikes? Buo ang loob at huwag ibenta kapag nagipit.

Ang mga low rider na bisikleta ay higit pa sa isang paraan ng transportasyon; kinakatawan nila ang isang natatanging timpla ng kultura, pagkamalikhain, at kasaysayan. Itinataguyod nila ang pagkamalikhain at pagpapahayag ng sarili, na naghihikayat sa mga kabataan (saan man sa mundo) na makisali sa mga gawaing masining. Syempre, hindi rin mawawala ang mga kaganapan sa komunidad (bike show).

Sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang kasaysayan at kahalagahan, maa-appreciate natin kung paano nag-aambag ang komunidad na ito sa urban culture at patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.