KAPE KAP
Bakit ang iba sa atin ang adik na adik sa pagkunsumo ng kape? Marami tayong malamang na kadahilanan kung bakit tayo minsan nagcra-crave mag kape (kahit hindi sa umaga). Isa sa mga ito ay kung ikaw ay inaantok at gusto mo ng pampagising, e sure, kape lang ang solusyon diyan. Ang sarap kaya ng feeling ng uminom ng kape sa umaga, lalong-lalo na kung malamig ang panahon at kung kakagising mo lang. Siyempre masarap din ang feeling na matikman ang iba’t ibang inexpensive na kape na makikita mo minsan sa gilid ng daan o di kaya sa mga parke. Isa sa mga maliliit na pop-up coffee stall ay ang Kapekap ng FB at IG. Nagkaroon ako ng pagkakataon na tanungin sila sa kanilang negosyo at ang kanilang honest na pananaw at opinyon para naman sa recyclable/sustainable na mga produkto.
Ayon sa may-ari, nagsimula ang Kapekap noong May 30, 2021 (pandemic time) at noong panahon din daw na iyon ay nag-downsize ang staff ng company na kanyang pinagtatrabahuan kaya nag-isip kaagad siya ng ibang bagay na pwedeng pagkakitaan. Sa simula, isang simpleng bisikleta (na bigay sa kanya ng tropa) na may mobile coffee set-up at layuning magbenta ng mumurahing kape ang istilo ng kanilang negosyo. Sinabi rin ng may-ari na dahil nakasanayan na niyang mag kape kung saan-saan habang nagbibisikleta, kaya niya naisipang subukan ang pagtitinda ng kape (COFFEE ON A BIKE) sa daan. Tinawag niya itong Kapekap dahil sa tuwing nagkakape sila sa loob ng KAPILYA (church), madalas mong maririnig ang KAPE KAP?


Binanggit din niya na nais nilang ipagpatuloy ito at hangad nilang lumawak at umunlad ang negosyong ito na hindi lang sa kalye kundi balang araw makapagpatayo ng mas malaking kapehan. Dinagdag din niya na, bilang isang barista/owner ng maliit na negosyo, ang pinakapaborito niyang nangyayari sa tuwing nagbubukas sila ay yung makausap at makasalamuha yung mga usual customers. Dahil mas natututo siya nang lubusan sa kanila (dahil may iba’t iba silang karanasan), lalo na kung mga siklista ang bumibisita/dumadayo sa kanya.


Para sa kanya, ang sustainable na produkto ay ang produktong makakapag-provide ng ating kailangan sa ngayon at makakatulong sa hinaharap. Para naman sa kanyang plano para sa negosyo sa mga susunod pang mga taon, sinabi niya na marami siyang naobserbahang mga kulang at kailangan pang i-improve ng KAPEKAP. Pero sa paglipas na taon maraming nagbago, nakapaglabas sila ng mga bagong flavors at sarili nilang gawang mga pagkain. Sa ngayon daw, gusto nilang palawakin ang kaalaman nila sa kape sa pamamagitan ng pagpunta nila sa ibang mga kapehan, iba’t ibang roaster, pagsali sa mga competitive brewing at pagsama sa mga kumonidad na may mas malawak ang kaalaman pagdating sa kape.

