Komyut

KOMYUT

ni: Kalipunan

Alam nating lahat na ang pagbibisikleta ay isa sa mga paraan upang ‘mabawasan’ ang carbon footprint sa mundo. Nag-aambag lamang ito ng maliit na porsyento pagdating sa isyu ng carbon emission kumpara sa paggamit ng sasakyan. Ang aktibidad na ito ay nakakatulong din sa mga eksperto upang malutas at mas maunawaan ang krisis sa klima na matagal na nilang pinag-aaralan. Sa mga bansang tulad ng Pilipinas, nakaugalian na ng marami ang gumamit ng bisikleta. Paghahatid ng mga parsela, pagbebenta ng pagkain, pagkolekta ng basura, at pagpunta sa trabaho.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang dahilan at opinyon kung bakit mas gusto nating gumamit ng bisikleta para pumasok sa trabaho. Tinanong ko ang ilang bike commuter (full/part-time) kung ano ang kanilang mga saloobin at pananaw tungkol sa bike commuting sa Pilipinas. Kinuha ko rin ang kanilang opinyon tungkol sa paglagay ng bikelane/s sa lugar kung saan sila madalas dumaan.

Pagdala ng Mga Gamit at Safety:

Ang pagdadala ng tool kit sa daan ay napakaimportante. Ang pagdadala rin ng extra na interior (in case di kaya ng patch kit) ay mahalaga rin in case mabutasan ka sa daan. Kung wala naman dala, dapat may extra kang pera para pwede kang pumunta sa bike/vulcanizing shop para magpagawa. Dapat din may extra kang dalang damit bukod sa uniform sa trabaho para kung pawisan ka ng matindi o mabasa ng todo sa ulan, maari kang magpalit at hindi basang sisiw pagdating sa trabaho ganun din naman sa pag pauwi pagkatapos ng trabaho.

Always wear your helmet. Sa Nova Bayan, minsan na kong nasita ng enforcer regarding diyan (di lang ako, pati yung ibang naka-bike na walang suot na helmet). Hinubad ko kasi siya that time kasi mainit at sumasakit ang ulo ko. Nagkataon na may naninita noong araw na iyon, kaya nasita ako ng enforcer tungkol sa hindi pagsuot ng helmet sa daan. Pinaliwanag ko nang maayos sa enforcer ang aking sitwasyon at ipinaliwanag din niya nang maayos ang ang kanyang panig. Para naman talaga sa safety nating mga riders/cyclists ang pagsuot ng helmet. Hindi lang siya pang-aesthetic o dekorasyon sa bike kaya nakasabit, hindi mo rin alam ang aksidente na pwedeng mangyari sa daan. Kailangan din na visible ka sa gabi, so dapat may ilaw ka (both back and front) para kita mo din dinadaanan mo at kita ka ng kasalubong mo. Yung damit din na suot mo as much as possible dapat kita sa dilim, in case walang kang tail light kaya ang pagsuot ng hi-vis, glow in the dark o reflective clothing ay napaka-importante.

PROS and CONS of bicycle lane:

Dahil sa bike lane, may safe na dadaanan ang mga cyclist. Maiiwasan din ang paggamit ng foot path para sa mga iba pang pedestrian na gumagamit nito. Ngunit kung hindi mahigpit ang batas, magiging delikado ang pagtatayo ng bike lane lalo na sa mga ‘ibang’ naka-motorsiklo. May ilang beses na kasi akong nasagi sa bike lane, ngunit nang simpleng ‘sorry’ ay hindi ko man lang narinig (sila na nga ang nakasagi, sila pa ang galit). Ang akin lang, yung iba kasi bigla-bigla lang papasok sa bike lane nang walang signal signal, hindi man lang lilingon kung may dadaan o wala. May ‘ibang’ mga jeep, uv at bus din na pumi-pihit sa gilid (bike lane) para magbaba nang pasahero, wala ding paki sa kasunuran. Siguro ay wala rin silang choice dahil andun yung bike lane sa babaan ng pasahero.

Panawagan lang sa kapwa namin bumibiyahe sa daan, please share the road. Lahat ng nasa kalsada ay mahalaga ang buhay. May pamilya sila at inaasahan ng mahal nila sa buhay na makakauwi sila nang ligtas.

Clothing/visibility at Saving money:

Hindi lahat ng gumagamit ng daan ay nag-iingat. Siguradong may makakasalubong ka na hindi sumusunod sa batas or tila wala lang talagang pakialam. May mga tao naman na todo ang pag-iingat, ngunit napakalapitin naman sa aksidente. Ang pagsuot ng tamang kasuotan lalo na kapag bumibiyahe ng gabi ay importante lalong-lalo na sa mga siklistang kagaya natin. Mas okay sa akin na kahit maliwanag pa o may araw pa ay magsuot na ng mga kasuotan na madaling makita ng mga motorista.

Dahil na rin sa kalayuan ng aking ruta papuntang trabaho, hindi ganoon kalaki ang nasa-save kong pera. Ngunit sabi nga ng iba, ‘Mas okay na meron kaysa sa wala.’ Napupunta kasi sa meryenda ang ipon sa tuwing nag-i-stopover ako para bumili ng makakain.

PROS and CONS of bicycle lane:

Imagine kung walang bike lane hanggang ngayon sa mga pangunahing daan sa MM. Siguradong marami nang naaksidente at nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa tuwing lalabas tayo sa daan. Malaki talaga ang tulong ng bike lane dahil mapapabilis ang pagpunta mo sa trabaho at makaka-iwas ka sa aksidente. Ito ay gagamitin nang tama at gagawing express lane ng ibang motorcycle rider.

Uri ng bisikleta at Tulong sa Mental/pisikal na katayuan:

In an ideal world, meron tama dapat. If more on road ka dapat naka road bike ka, hybrid (MTB you repurposed for road use or Roadbike you repurposed for a rougher kind of road), folding bike, commuter bike, etc. hindi ka dapat naka Big Burly MTB rigs na pang All Mountain and setup let alone Naka Dual Crown Fork pa. However, the Philippine setting is not an ideal world nor is it an ideal country.

Most people have limited financial capacities, so people who own bikes mostly use them functionally as a means of transportation. Most people also cannot have 2 or 3 bicycles that adhere to certain cycling disciplines like eto, pang weekend ride ko, eto naman ay pang bike to work ko. Mostly, people will have just one and use it in a multi-role capacity. Ako, for example, I originally had a Mountain Bike, and I love riding in the dirt. Then I realized nasa city nga pala ako, its not sustainable for me na isakay siya sa kotse dalhin sa trails at mag-ride then vice versa. So I repurposed it as a Rigid MTB x Gravel (Hybrid Setup). In this new configuration, it fits all the requirements I have. I can use it to City Ride, as a means of transportation (Bike to work) or Go and ride in the Dirt again (light trails and light off-road) most people are like me.

Kokonti na lang naman yung mga purista dito na pagtatawanan ang bike mo if it doesn’t adhere to the set-up of its supposed cycling/biking discipline kasi ganun daw sa ibang bansa. Sabi nga “My bike, my rules.” That actually makes sense. Wala tayo sa ibang bansa, nasa Pilipinas tayo, and every country has its own cycling culture. Dito sa Pilipinas, we see bicycles mostly as a means of transportation, not as a sport or a hobbyist jig. So in short, walang tamang bisikleta. Ang meron lang ay tamang paggamit ayon sa budget at pangangailangan mo at kung ano ang meron ka. At ang mas importante ay ang tamang pagsunod sa batas trapiko kapag nakasakay ka na dito.

Para sa akin, malaki ang tulong ng pagbibisikleta sa mental and physical well-being. Mentally, it helps me to be more alert and sharp. Dati kasi nung commuter ako. Wala, parang nalutang lang ako; parang tulog pa rin ako even pag nasa office na ako. When I started biking to work in 2019, I felt more alive and also, it also served as a kind of therapy that kept me calm, relaxed, and leveled. Physically, naman it helps in my cardio. I’m supposed to be Pre-Diabetic but cycling reversed that condition for me. So yeah. It has very important mental and Physical Health Benefits.

PROS and CONS of bicycle lane:

Pros
-We can invite more people to do cycling as a form of exercise or hobby, and make more people consider bicycles as a mode of transportation
-Safer for Cyclists
-We can reduce the carbon footprint in our country
-More healthy people
-Helps de-clog public transport
-To some extent, probably lessen cars and motorcycles in traffic
-Economical for people
-Faster mode of transport for others

Cons
-Will eat additional space from already congested Highways and roadways
-Will have to be policed for proper regulation (Not every cyclist will follow, and many non-cyclists will not even respect it. You name it all, TODAS and terminals, motorcycles, car owners, vendors, public transport drivers, truck drivers)
-Some roads have obstructions like posts etc., that will block a bike lane
-Additional budget to have it protected and regulated

My Suggested Solution: Yes, go ahead and create a special lane for bikes. However, it would be better to also research and find a different path for the bikes that avoids areas with lots of busy traffic. Not occupying the road designated for larger vehicles will result in the creation of a more favorable cycling route.

Road condition at Commuter Racing:

Isa sa pinakamahirap ay ang road condition na ating dadaanan dahil mas takaw ito ng aksidente lalo na sa mga liblib na lugar. Dahil sa baku-bakong daanan, madaling masira ang mga pyesa ng bisikleta. Mahirap din kung nakainom ka (ng kaunti) at pauwi ka sa bahay at hindi mo napansin ang isang pothole, tiyak ay sese-semplang ka nang wala sa oras. Sana dito sa buong Bulacan (Paombong) magkaroon na rin ng bike lane para mas ligtas ang mga tao sa pagbibisikleta at pagpunta sa kani-kanilang mga trabaho.

Ilang taon na rin akong nagbi-bike to work at marami na akong nakikita at napapansin na nangangarera sa tuwing papasok at pauwi ako galing sa trabaho. Hindi ko tuloy alam kung nagpapasikat lang sila o talagang malakas lang talaga sumikad. Alam naman nilang delikado, tuloy pa din ang pakikipag-unahan nila sa kapwa nila siklista na akala mo ay bini-beat ang kanilang Strava record sa mga daan at kala mo kasali sila sa isang tournament-‘ish’. Ganun din naman sa mga di-motor na sasakyan. Hindi na nila naiisip ang pwedeng nilang hantungan sa tuwing ginagawa nila ang pakikipag-unahan. Maaari rin silang makadamay ng mga taong naglalakad lamang sa tabi. Naisip ko kung sana mayroong batas ng speed limit sa isang lugar, tiyak na mababawasan ang anumang aksidente.

Marami sa ating mga Pilipino ay nagbabalak na mag-bike to work dahil sa hirap ng buhay. Ngunit para sa kanila, ‘safety’ pa rin ang kanilang no. 1 priority. Sa pagpapatayo ng bike lane sa isang lugar, marami talaga tayong dapat i-consider. Dapat din pagplanuhan ito nang maigi at hindi basta-basta lamang ito itayo kung saan-saan. Ang pagtatayo ng bikelane (shared/dedicated) ay mabisang paraan upang mabawasan ang congestion ng mga sasakyan sa mga matataong lugar. Sa paglipas ng panahon, nawa’y dumami pa ang gumamit ng bisikleta sa bansa (bike to work o recreational) at makapagpatayo rin sana ang mga lokal na pamahalaan ng ‘dedicated’ lane para lamang sa bisikleta na mag-uugnay sa mga malalayong bayan sa Pilipinas.

Karagdagan: Ang magandang maidudulot ng bike lane ay di na kailangan sumingit ng mga siklista sa mga mga malalaking sasakyan at pangalawa ay mas magiging ligtas ang kanilang pagbiyahe dahil my sarili na silang linya. Ang pangit naman na maidudulot nito ay mayroon pa rin mga iresponsableng mga motorista na dadaan at hindi gagalangin ang bike lane.