Kuta Bungliw

KUTA BUNGLIW

Base sa boundary ng Rizal at Quezon, makikita ang isang napakagandang site na binuo at pinamamahalaan ng isang katutubong pamilya. Kung ikaw ay mahilig mag-hike o gusto lamang makatakas sa kaguluhan ng siyudad, ito malamang ang lugar na dapat mong puntahan. Matatagpuan sa kabundukan ng Sierra Madre, ang lugar na ito ay tahimik at protektado ng Inang Kalikasan. Kung bibisitahin mo ang lugar na ito, siguradong mare-reset ang pagod ng iyong katawan/isip na naipon sa pagtatrabaho. Tara at basahin natin ang kanilang munting istorya kung papaano nabuo ang kanilang Kuta.

Ayon sa may-ari, nagsimula ang kaniyang campsite sa simpleng alok ng kaniyang guide noong aktibo pa siya sa isang grupo ng mga mountaineer sa UP (UP Outdoor Recreational Group o UPORG). Binalikan niya ito pagkatapos ng isang linggo para tingnan. Sinabi niya na noong una niyang nakita ang lupa, nawala ang kanyang pagka-interes dito dahil na rin sa kakulangan sa view. Nagtanong uli siya sa kanyang guide kung may iba pang lupa pa na pwedeng pagtayuan ng campsite. Umahon sila nang konti at noong nakita niya ang ilog sa taas ng burol, hindi na siya nagdalawang-isip na kunin ito upang maisakatuparan ang isa sa mga kanyang retirement plans. Medyo napaaga nga lang nang konti ngunit masaya siya na nakuha niya ang lupang kangyang hinahangad.

Pinalinisan niya kaagad ito at mas natuklasan niya ang tunay nitong ganda at sigla ng mga naninirahan dito. Nag-alay siya ng manok at sinabi niya sa kanila na hindi na ako aalis at aalagaan ko ang lugar na ito. Noong una ay mga tropa lang na mountaineers, camping camping. Isang cr at campsite lang ang meron noon, pero dahil na rin sa pagsisikap, nakapagpatayo pa siya ng iba’t-ibang site sa lugar.

Sinabi rin niya na motivated siya na magkaroon ng sariling paraiso na pagkukunan din niya ng income balang araw. Pinangalan niyang Kuta Bungliw ang lugar dahil na rin sa dami ng puno ng Bungliw o Malapapaya. At ang Kuta naman ay isang Tagalog na salita na ang ibig sabihin ay kampo o camp. ‘Hindi ko na ginamit ang Camp sa pangalan dahil napakarami na ng ganitong pangalan ng pasyalan,’ banggit ng may-ari ng lupa.

Binanggit din niya na bukod sa paninirahan sa lugar, naging training ground din ito sa kanyang mga anak. Ito ay kung papaano kumilos at mapangasiwaan ang kanilang hanapbuhay. Yung panganay nila (step daughter) at ang kapatid niya (step son, ages 16 and 13 ay marunong ng sa housekeeping and food serving. Nahahasa rin ang sarili niya sa pagluluto at pagiging hardinera. Higit sa lahat, ang kaniyang creativity ay umuunlad at ang marketing strategy ay nasusubok. Ito ay ilan lamang sa mga bagay na nagugustuhan niya habang pinapanatili ang kanilang maliit na negosyo. Kung bibisita kayo sa kanilang lugar, mayroon lamang na mangilan-ngilan na rules na dapat sundin. Ito ay ang PACK IN PACK OUT. Basura mo, dala mo, pangalawa ay ang No picking of plants, even cutting of branches at panghuli ay No playing of loud music, no shouting para hindi madisturb ang wildlife. Dahil ang kanilang lugar ay isang Protected Area, may mga ECO RULES din silang sini-send kung kayo ay magpapa-book sa kanila. Ito ay para upang mapangalagaan ang kapaligiran at kultura ng lugar. Ayon sa kanyang pananaw sa LNT na “Dapat itong sundin ng lahat ng turista, campsite owners, tour guides, and the LGU.” Hindi kasi masyadong ini-impose sa mga turista. Dapat “strong enforcement”.

Binahagi rin niya ang mga plano sa hinaharap para sa site ay ang paglalagay ng mga rebulto ng mga diyos, diyosa, diwata, lakan, engkanto, anghel, at iba pang Filipino ethnic characters. Isa rin sa pangarap niya ay ang gumawa ng forest museum sa Kuta. Itatanghal at ipapakilala sa mga turista ang mga Philippine Native Trees. Para ma-appreciate ng guests ang ating kapunoan. Kung may katanungan tungkol sa kanilang kuta, maaari ninyo silang bigyan ng mensahe sa kanilang FB page na Kuta Bungliw Eco Lodge and Campsite o i-email sila sa Kutabungliw@gmail .com.