LABAN LANG!
ni: Kalipunan
Huli na noong una akong sumabak sa isang critical mass ride (TOF) noong taong 2009, na may bike to work, bike to school, bike to play at bike today na slogan. Not sure, pero nung time na iyon sila lang ata ang bicycle advocacy group sa MM. Na-inspire agad ako sa kanilang adbokasiya at nangarap na sana balang araw ay magkaroon pa ng maraming advocacy group.
Sa nakikita ko, napakalaki ng ginagampanan o papel ng mga grupong ito sa pagpo-promote ng bisikleta as alternative transport at paglikha ng mas ligtas na imprastraktura lalo na sa mga chaotic na lugar. Marami na siguro kasing siklista (commuter/recreational/trabaho) ang umiiwas sa pagbibisikleta dahil sa mga alalahanin sa kaligtasan sa mga kalsada. Sa dami ng bicycle advocacy group ngayon sa bansa, swerte naman at nakahanap ako ng mga grupong still active at open na ibahagi ang kanilang pinaglalaban para sa ating mga bicycle user.

Ano po ang pangalan ng inyong group at maaari ninyo po bang ibahagi kung paano kayo nagsimula?Popcycle is an urban mobility company that serves Filipino commuters by selling e-bikes and e-scooters. We started during the pandemic, and we currently have four stores across Metro Manila.
Maaari po bang ilahad ninyo ang inyong (mga) adbokasiya/misyon at mga service/s kung meron man?
Our advocacies include the following:
– Promoting active transport and public transport as a means of sustainable mobility, especially light electric vehicles (LEVs) such as e-bikes and e-scooters – Clamoring for safe and accessible streets for all – Advancing the LEV industry through our products and services.


Sa papaanong paraan po ninyo pinapakalat ang inyong mga adbokasiya? We pursue our advocacy through our social media posts and participation in community events.
Ano po sa tingin ninyo ang no. 1 issue na kinakaharap ng mga Pilipinong siklista sa daan? At ano po sa tingin ninyo ang dapat na gawin para ma-resolba ang isyu na ito? The biggest issue is that bike commuting isn’t regarded as a legitimate mode of transportation, which is why the safety, convenience, and comfort of bike commuters are an afterthought in infrastructure and policy.
Sa tingin ninyo po, kailangan pa bang magkaroon ng iba pang bicycle advocacy group para mas mapalaki at mapatibay ang goal ng mga siklista? We don’t necessarily need more groups. What’s important is that everyone is united when it comes to advocating for bike commuting.
May pangyayari po ba na naririnig at nagagawan ng solusyon (ng local government) ang sigaw/pinaglalaban nating mga siklista? n/a


Sa inyong palagay (in the near future), ano po kaya ang impact sa mga kinauukulan sa tuwing may mass advocacy ride na nangyayari? n/a
Maaari po ba kayong magbigay ng 3-5 na mga salita o kahit isang phrase/slogan/tagline ng inyong grupo? Our slogan is “Changing people’s lives, one ride at a time.”


Ano po ang pangalan ng inyong group at maaari ninyo po bang ibahagi kung paano kayo nagsimula? Ang Make It Safer Movement (MISMO) ay nagbunga ng paghahangad ng espasyo at panahon para sa mga commuters, mga gumagamit ng active transport, tulad lamang ng mga bisikleta at non-motorized vehicles, at ang kabuuan ng tinatawag na “vulnerable road users.” Ang pangalan ay inihango mula sa “Make It Makati” at nagsimula rin ito bilang protesta sa planong pagtanggal ng mga itinilagang bike lanes sa Ayala Avenue noong Pebrero 2023.
Maaari po bang ilahad ninyo ang inyong (mga) adbokasiya/misyon at mga service/s kung meron man? Ang adbokasiya ng MISMO ay para sa pagtatanggol at pagiging boses ng mga ‘vulnerable road users’ at commuters, at maging sa pagsulong ng kanilang mga karapatan hindi lamang para sa kalsada, kundi maging bahagi mismo ng espasyong dapat inilaan para sa kanila. Bukod dito, ang MISMO ay naglalayon para sa isang sustenableng modelo para sa siyudad na hindi naka-angkla lamang para sa pagpapadaloy ng mga sasakyan hindi dahil lamang sa bahagi ito ng aming misyon, kundi sa ilang dekadang pagpapalaganap ng modelong “car-centrism” sa Pilipinas at maging sa ibang bahagi ng mundo, ito’y naging atrasado para sa kapakanan ng mga mamamayan.


Sa papaanong paraan po ninyo pinapakalat ang inyong mga adbokasiya? Bukod sa mga social media channels, ang MISMO ay aktibong tumutugon at nakikibahagi sa mga pulong at pagtitipon mula sa pampubliko at pribadong sektor, at sa kilos protesta.
Ano po sa tingin ninyo ang no. 1 issue na kinakaharap ng mga Pilipinong siklista sa daan? At ano po sa tingin ninyo ang dapat na gawin para maresolba ang isyu na ito? Base sa aking personal na karanasan bilang bagong siklista at minsang naging kabilang sa taunang Annual Bike Count ng Mobility Awards mula 2021 hanggang 2023, ang pinakabaseng isyu para sa isang Pilipinong siklista ay ang kanilang kaligtasan sa daan. Sa mga nagdaang Bike Count na aking sinalihan, ayon sa mga naging datos ay karamihan pa rin sa mga nagbibisikleta ay mga “abled” na kalalakihan, at kakaunti pa rin hanggang ngayon ang nagbibiskleta na kababaihan at mga LGBTQ+.
Kung wala kasing kaukulang mga proteksyon sa daan at paghihigpit sa mga nagmamaneho ng mga motorized vehicles, hinding-hindi mahihikayat ang isa na magbisikleta, kahit na may mga ilang bike lanes na ang itinayo. Kahit pa nga may proteksyon tulad ng mga concrete barrier o iba pang solidong materyal, hindi pa rin sinusunod ito. Kahit na may concrete barrier na sa mga ilang bahagi ng Quezon City Bike Lane Network, halimbawa, pinapasukan pa rin ito ng mga motorcycle riders sa ibang bahagi, at at kung minsan pa nga ay nababangga ito ng mga sasakyan.
Ang bike lane naman sa Defensor Avenue (dating Agham Avenue) na nagdudugtong sa North Avenue at East Avenue ay hinahayaan ng mga enforcer na pumasok ang mga kotse, kahit na ito ay tinaguriang Class A Bike Lane na dapat para lamang sa bisikleta at sa mga non-motorized vehicles. Kaya kasabay ng pag-expand sa mga bike lane networks ay ang kaukulang proteksyon para sa mga siklista o sa mga gustong magsimulang magbisikleta.


Sa tingin ninyo po, kailangan pa bang magkaroon ng iba pang bicycle advocacy group para mas mapalaki at mapatibay ang goal ng mga siklista? Sa ngayon, may mga existing bicycle advocacy groups na nagsilbing pioneers, at nagpapatuloy sa pakikipagusap at pagsusulong ng dialogue para sa mga siklista. Sa aking personal na palagay, mainam na meron pang mga bicycle advocacy group na magpapalawak at magpapatibay sa mga sektor ng lipunan na nagbibisikleta.
Isang halimbawa ay ang Pinay Bike Commuter, na isang napakahalagang grupo para sa mga kababaihan para sa kanilang boses sa ligtas na kalsada, dahil hindi lamang sa pisikal na aspeto ang kaligtasan, kundi pati na rin sa ibang aspeto. Ang mga kababaihan ay nakakaranas ng ‘di kanais-nais na pangyayari, katulad lamang ng pambabastos, harassment, at maging ang pang-aabuso kumpara sa mga kalalakihan na nagbibisikleta.
Isa pang halimbawa ay ang Tiklop Society of the Philippines, na nagbigay-daan para payagan ang mga de-tupi o de-tiklop bisikleta (folding bikes) sa ating mga tren. Unang inilunsad sa LRT-2, sumunod ang MRT-3, at ang LRT-1, at hanggang ngayon ay gumagabay sa mga baguhan sa lifestyle na dala ng Tiklop cycling. Atin nating binibigyang-pugay ang mga ‘pioneer’ nang dahil sa kanila, naging tuluy tuloy ang bike advocacy sa bansa. Ang aking magiging mungkahi sana para sa lahat ay bumuo ng kani-kanilang mga grupo sa kanilang mga komunidad, upang sa gayon ay mapagkaisa ang layunin para sa pag-’reclaim’ ng espasyo na sinakop ng mga sasakyan.
May pangyayari po ba na naririnig at nagagawan ng solusyon (ng local government)
ang sigaw/pinaglalaban nating mga siklista? Sa katunayan ay dahil sa madalas nating paglalaban bilang mga siklista ay tayo rin ay inaanyayahan na maging kalahok sa mga lokal at nasyunal napagpupulong ukol sa mga karapatan ng mga siklista at ng mga pedestrian. Hindi magiging posible ang mga bike lanes, na pinatanggal na sa EDSA dahil sa “rehabilitation” na hindi naman natuloy, kung hindi dahil sa tactical urbanism na isinagawa nitong nakaraang pandemya. Sa pamamagitan ng pagkilos at ng pakikipagdayalogo ay naipundar ang pundasyon para sa pagpapatatag ng mas matinong bike lanes sa EDSA, at maging sa Commonwealth at sa ibang parte ng Metro Manila.


Sa inyong palagay (in the near future), ano po kaya ang impact sa mga kinauukulan sa
tuwing may mass advocacy ride nangyayari? Inaasahan namin ang mas maraming pagpupulong, pati na rin na mapansin ang sentimiyento ng publiko na commuter, maps-tren, bus, jeep, UV Express, o sa pagbibiskleta, na bigyang pansin ang kanilang hinaing. Aktibong kalahok ang Department of Health, kasama ang World Health Organization-Philippines sa pagtiyak ng Vision Zero, o ang pagkawata ng road deaths, lalo na sa mga road crashes dulot ng hindi ligtas na imprastraktura para sa mga siklista at sa kapwa commuter.
Sa bawat mass ride ay mapanibago rin namin ang puso’t isipan ng mga tao na hindi lamang “pang-pandemic” ang pagbibisikleta dahil lamang sa naging ‘visible’ ito nang pansamantalang itinigil ang public transport noong nagsimula ang outbreak ng COVID-19 dito sa Pilipinas. Higit dito, hinahamon din namin ang pag-iisip na “entitled” ang mga siklista at commuters sa paggiit sa kanilang mga karapatan sa daan, na kumbaga, negative na ang maging ligtas sa daan. Hindi karapatan ang pagmamaneho ng motorized vehicle, pero karapatan natin bawat isa na maging ligtas sa daan, labas man sa isang kotse.
Maaari po ba kayong magbigay ng 3-5 na mga salita o kahit isang phrase/slogan/tagline ng inyong grupo? Road safety, commuter welfare, sustainable cities, urban accessibility, Vision Zero

Ano po ang pangalan ng inyong group at maaari ninyo po bang ibahagi kung paano kayo nagsimula? Bicycle Friendly Philippines. I had to check and backread. The group started its Facebook Page sometime in 2016, and then, later, we had it SEC-registered in May 2018. But we haven’t followed up or continued registering after that. A family of cyclists manages the Facebook and IG page.
Maaari po bang ilahad ninyo ang inyong (mga) adbokasiya/misyon at mga service/s kung meron man? We have been promoting the bicycle as a sustainable and primary (not just alternative) mode of transportation and pushing for safe streets for vulnerable road users. We believe that we need to be part of the solution by walking or biking the talk.
We used to draft templates of biking ordinances and distribute them to champions in the LGU (konsehal) or sa mga senador, in the hopes na I-pass nila as policy.
We were successful and instrumental in crafting the Bicycle Code of Antipolo back in 2014, as well as the declaration of QC Bicycle Day every 4th Sunday of May.
We also drafted several versions of National Bicycle Day and got letters of support from several senators for it. After a decade, National Bicycle Day was finally declared in 2022.


Sa papaanong paraan po ninyo pinapakalat ang inyong mga adbokasiya? To raise awareness about our advocacy, we utilize social media by posting about the benefits of biking and by leading by example. We ride our bikes to show that it can be done. We also conduct FREE Bike Lessons wherein we share and talk about the advocacy before the actual bike lessons.
Ano po sa tingin ninyo ang no. 1 issue na kinakaharap ng mga Pilipinong siklista sa daan? At ano po sa tingin ninyo ang dapat na gawin para ma-resolba ang isyu na ito? One of the biggest issues cyclists face is the car-centric mentality of many Filipinos. Karamihan kasi ay naniniwala na ang kalsada ay para sa pribadong sasakyan and other motorized vehicles. Dapat mabago ang ganyan kaisipan: Roads were meant for the mobility of ALL road users and that the most vulnerable road users must be given priority, especially when it comes to road safety. Hindi yung wag kayo sa kalsada dahil hindi safe. Kaya naman hindi safe ang ating mga kalsada ay dahil sa mga driver ng sasakyan na mabilis magpatakbo at hindi nagbibigay ng espasyo sa mga taong naglalakad o nagbibisikleta.
Sa tingin ninyo po, kailangan pa bang magkaroon ng iba pang bicycle advocacy group para mas mapalaki at mapatibay ang goal ng mga siklista? Kailangan ng mas marami pang taong maglakas-loob na magbisikleta. Kailangan ng mas maraming siklista na magsalita at mag-raise ng awareness. Kailangan ng gobyerno natin mag info and education campaign about the many benefits of cycling (environment, economic, physical and mental health, socio-economic). How providing proper bike lanes can help ease up on road congestion.


May pangyayari po ba na naririnig at nagagawan ng solusyon (ng local government) ang sigaw/pinaglalaban nating mga siklista? Sa tingin naman namin, nakikinig ang gobyerno kahit papaano dahil may mga bike lanes at ilang bike parking racks sa iba’t ibang lungsod. Yun nga lang kulang pa sa proper enforcement at maintenance.
Sa inyong palagay (in the near future), ano po kaya ang impact sa mga kinauukulan sa
tuwing may mass advocacy ride nangyayari? In the future , sana kung dadami pa ang mga sumasali sa Critical Mass Ride ay talagang maglaan ng budget para sa tamang sukat at tuloy-tuloy (connected) bike lanes o kaya ma-ban ang paggamit ng motorized vehicles lol.
“Those who have less in wheels must have more in road “ – EO 774, s 2008


Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at pagsali sa mga bicycle advocacy group (o sa mga critical mass ride), mas madali itong mapapansin ng nakararami at maitaguyod pa ang mga ipinaglalaban ng mga solid na grupong ito. Nagbibigay din ito ng daan sa mga indibidwal na makipagsanib-puwersa sa mga taong passionate sa paglikha ng isang mas magandang kapaligiran para sa mga siklista. Pero lagi nating tandaan na kahit walang mass ride, e, kahit tayo lang mag-isa ay kayang magpakita ng malaking pagbabago at magbigay ng inspirasyon sa iba.