MAKINA KLASIKO
ni: Kalipunan
Sino ba ang hindi masisiyahan sa paggamit ng mga vintage/retro bikes? May kakaiba itong style, matibay (dahil mostly bakal) at subok na rin itong pang-all-rounder ng mga kapatid nating siklista. At kahit ilang dekada na ang nakalipas mula nang unang ilabas sa publiko ang mga modelo, nakakasabay pa rin sila sa mga bagong modelo ng mga bisikleta ngayon.
Sa paglipas ng panahon, hindi ko akalain na magkakaroon ako ng not-so-retro MTB/ATB. Gamit ko ito mula pagpasok sa trabaho hanggang sa pag-tour ko dito sa Down Under. Iki-nonvert ko din ito ng SS at kung laspag na ang pyesa ay agad ko itong binibilhan ng kapalit. Akala ko nga nung una ay madali lang makahanap ng parts sa mga lbs para sa mga ganitong klaseng bisikleta, nagkamali ako, mahirap pala mag treasure hunt! Kung ang style mo naman ay mag-collect lang o mag-restore e sinisigurado kong mas sasakit ang ulo ninyo kakahanap ng piyesa sa internet. Sasakit din ang bulsa ninyo dahil hindi basta-basta ang presyo ng mga classic/retro parts sa mga online shopping sites (lalo na yung mga bling-bling).
May mga kapatid tayong mga siklista na ang passion ay ang mag-restore o mangolekta ng ganitong tipo ng mga bisikleta, lahat sila ay may iba’t-ibang opinyon at karanasan sa pagbuo ng kanilang vintage/retro bikes. Halina at basahin natin ang kanilang ini-ambag na sagot tungkol sa pagkolekta ng mga vintage bike.


Para kay M. Dision (Panay Classic Bikes), naging hilig niya ang mag-restore ng classic bikes sa kadahilanang gusto niyang ibalik ang itsura (para makapukaw ng pansin) ng ire-restore niyang bisikleta. Isa rin sa kanyang dahilan ay ang maiayos niya ang bisikleta upang magamit at tumagal pa nang ilang taon. Base sa kanyang karanasan, pare-pareho lang ang tagal ng pagkukumpuni-puni ng piyesa ng lumang bisikleta. Sinabi pa niya na ang pinakamahirap sa kanyang pagre-restore ay naka-depende kung sino ang nagpapagawa o nagmamay-ari ng bisikleta. Isa rin sa pinakapaborito niyang gawin at binubuhay ay ang cockpit ng isang bisikleta dahil para sa kanya, ito ang ‘crowning glory’ ng isang classic bike.
‘Ok naman po kung may reproduction, huwag lang knock-off sa mga baguhan.’ Ito ang kanyang opinyon tungkol sa mga kumpangyang gumagawa ng mga bagong retro/vintage style na bisikleta. Sinabi rin niya na dahil yung iba ay mass reproduction, sa mga nagtitipid na restorer, usually napupunta yung mga ganung klase ng piyesa. Napamahal na talaga siya sa mga lumang style ng bike, kaya inamin niya na mas gusto pa rin niyang i-restore ang mga luma/original na parts (working/non-working) kaysa sa Neo-Retro build. Base sa kanyang nakikita, kaya naman makipagsabayan ang retro/vintage bike kung porma ang pag-uusapan. Pero kung evolution at functionality ng biskleta naman ang tatanungin, mostly yung mga bagong modelo ang nanalo.
Ang kanyang advice sa mga balak mag-restore ng classic bike ay, ‘just observe lang, wala pong nagturo sa akin at wala rin akong mapagtanungan until I end up with international bike restorers.


Sinabi naman ni R. Balo aka… Bal/Toto na passion talaga niya ang mga bisikleta. Para sa kanya, kahit mapaligiran pa siya ng lahat ng brand o bago/lumang modelo ng bisikleta ay tiyak na ma-aapreciate niya ang lahat ng ito. Dahil sa hirap maghanap minsan ng piyesa para sa i-rerestore na bike, tumatagal din ito ng ilang buwan. Depende rin kung masyadong bugbog ang bike dahil kailangan pa niyang dalhin sa machine shop na hindi naman agad-agad magagawa.
Sinabi niya na ang pinaka-paborito niyang parte ng bisikleta (na ginagawa) ay ang frameset at mga gulong dahil sila ang backbone nito. Dahil dito, nai-imagine niya kung anong mas babagay na kulay ng cable housing at grips para sa inire-restore niyang bike. Dagdag pa niya na great player ang mga ibang factory/kumpanya na gumagawa ng retro style bikes ngayon dahil para silang nasa gitna ng classic at modern style. Natutugunan din nila ang demand ng iba dahil nga yung iba ay hindi naman kasya ang budget para sa pambili ng pricey na parts. Binanggit din niya na talagang nakakasabay tayo sa trend dahil madiskarte tayong mga Pinoy.


Mahilig talaga sa vintage bikes si boss Bal lalo na kung period correct, dahil para sa kanya, andoon ang tunay value at ‘kaluluwa’ ng isang bisikleta. Naa-appreciate din niya yung mga 1x set up ngayon, dahil ang essence ng bisikleta sa kanya ay sinasakyan at hindi nasa garahe lang upang tingnan. Alam din niya na ang mga lumang uri ng bike, lalo na ang mga ‘surplus retro’, ay kayang makipagkumpitensya sa mga bagong bike sa merkado ngayon.
‘Passion talaga ang kailangan kapag collector at restorer ka. At sana, kahit anong dami ng mga alaga mo ay ipadama mo sa kanila yung essence nila (masakyan at masilayan/masaksihan ng iba) para ma-motivate at ma-inspire natin yung mga kabataan sa pagbibisikleta. Ito ang kanyang advice para sa mga nagbabalak at sa iba pang restorer/collector sa bansa.

‘Ginagawa ko ito dahil sa pagmamahal, sa satifaction, at sa challenge ng pagbuo ng lumang pinag- bataan kong bisikleta, ito naman ang tugon ni JM Vizcarra kaya napili niyang mag-restore ng lumang bisikleta. Sinabi niya, depende ang haba ng panahon kung ikaw ay magre-restore, lalo na kung pahirapan maghanap ng piyesa. Minsan din, sa kagustuhan makabuo ng old style bikes, ay nagre-research pa siya sa ibang bansa makakuha lang ng hina-hunting na piyesa. At dahil nga ang playbikes niya ay naka-base sa style ng bike sa Pilipinas, hindi siya gaanong naghintay para buuin ito. Isa sa mga paborito niyang parte sa pag-restore ay ang batalya at ang kulay nito. Nagdadala kasi raw ito ng looks at kung gaano ka-astig ang build niya.
Hindi rin siya against sa mga company na nagpo-produce ng mga bagong piyesa. Sinabi niya na minsan kasi, kailangan mo gumamit ng piyesa nila. At kung meron kang naitabi, may magagamit ka kaagad. ‘Pero ako personally, hindi ako gumagamit ng bagong parts, puro luma lang talaga.’ Ito ang kanyang opinyon tungkol sa bagong business na gumagawa ng old-style bikes. Dagdag pa niya, 100% NOS/original part ang kanyang gagamitin in case magbuo ulit siya ng bisikleta para sa kanyang koleksyon. Iba raw kasi ang feeling sa tuwing may dumadating na parcel (na pinaghirapan mong hanapin) sa bahay nila. Hindi ka raw talaga makapaghintay na ikabit ito sa iyong inire-restore na bike.
Ang advice lang niya para sa mga nagbabalak mag-restore ng bisikleta ay ‘quality over quantity’ dahil kahit luma na ito pero kapag nai-restore mo ito base sa iyong disenyo e siguradong kayang-kaya nitong makipagsabayan (ng style) sa mga modernong bisikleta saan man sa mundo.


N+1 is the perfect number of bikes to have, ito ang wika ni J. Bautista (YCC BIKES MNL). Sinabi rin niya na ang pag-restore ng lumang bisikleta ay naging therapy niya na sa parehong paraan kung paano nakakarelaks sa iyo ang pagbibisikleta. Gayun din ang pagtingin/paggawa ng mga bisikleta ay nakakapag-relax din sa kanya. Ibinahagi rin niya na sa Canada meron silang long ass winter, and you can’t really ride all year. Binanggit din niya na comparing bikes made in the 80s to mid-90s, ang galing ng technological differences nila. From old road bike RDs on MTBs to an XTR m900, parang it is the same but different. And of course, a bike restored means one less bike in the dump, so it is environmentally friendly din.
Depending on whether the parts are all there, it may take 3-4 hours to strip, clean and rebuild it. Pero meron din naman na you want to take time on, polish, and clean all parts, and hanapin yung parts for it, and make sure they work together. Mostly if the bike will be for keeps, matagalan ang project, ito ang kanyang sinagot tungkol sa span ng oras sa pag-restore ng isang lumang bisikleta. Isa sa mga paborito niyang bahagi ng bisikleta na ini-restore ay ang headset, satisfying daw kasi eto. Pero anything chrome and make it shiny (DIY) ay okay din sa kanya.
I think it is okay, but at the same time, yung quality ng build and parts dapat nandoon gaya ng dati (kahit na slower ang less comfortable ito). I like restoring bikes and keeping it period correct, kahit minsan it takes longer to complete, okay din kase yung thrill of hunting parts for it. Plus, some of the bikes were really like functional artwork kung baga. Ito ang kanyang opinyon kung papapiliin siya ng bago (original parts) o lumang bisikleta na may bagong labas na parts.
Para naman sa kanyang advice sa mga bago o yung mag-uumpisa pa lamang mag-collect/restore ng old school bikes. ‘Have fun, anything goes’. You can start from whatever bike you feel like restoring. I remember yung first one ko was a Sakae Litage MTB na nilagyan ko ng m900, tapos nanakaw ayun naloko na! lol


Isa pa sa aking napagtanungan ay ang admin ng CruiseBykesPH. Sinabi niya na ang pangongolekta o pag-restore ng classic bikes ay isang ‘stress-reliever’ para sa kanya. Nakakatulong din ito para magkaroon siya ng iba pang pwedeng pagkakakitaan. ‘Lumaki ako sa panahon at lugar na mahilig ang mga tao sa lumang bagay at yun din ang nagbigay sa akin ng maayos na pagtingin sa mga bagay na napaglumaan na,’ dagdag niya.
Kapag kumpleto na ang gamit at mga piyesa, isang araw lamang ay makabubuo ka na ng isang bisikleta. Nagdedepende na lamang ito sa klase ng iyong pagbuo. Mayroong “catalogue bike” na tinatawag. Ito yung pagbuo ng bisikleta na may origihinal na modelo at taon ng piyesa noong ito’y lumabas sa merkado. Ito ang hilig kong binubuo, ito rin ang lagi kong ginagawa, kaya lahat ng piyesa ay mahirap hanapin. Sa isang banda naman ay pwede kang bumuo lamang gamit ang mga piyesa sa parehong taon noong ito ay lumabas sa merkado at hindi kinakailangang orihinal na piyesa para sa batalya, ito ang ilan sa mga karanasan niya sa tuwing magre-restore siya ng panibagong bisikleta.
Ibinahagi niya na ang upuan ng bisikleta at ang batalya ang pinakahilig niyang ayusin. Upuan dahil nakatutuwang tignan kapag natapos na – makintab, malinis, at maayos. Batalya naman dahil nandoon ang hirap ng paglagay ng kulay, pagpapagawa or paghahanap ng orihinal na “stickers”. Dinagdag din niya na magaganda naman ang porma ng mga Neo Retro style bikes, ngunit wala pa rin itong dating sa kanya. Sinabi niya na iba pa rin ang gumagamit ng luma o yung mga original na piyesa ng bisikleta dahil mas mataas ang halaga nito kumpara sa mga lumang batalya na may bagong piyesa. Kaya rin nitong makipagsabayan sa mga modernong bisikleta (hindi nga lang ang gearing speed) dahil sa tibay at taas ng kaledad sa paggawa nito.

Ito naman ang kanyang advice sa mga bago o yung mag-uumpisa pa lamang mag-collect/restore ng old school bikes. Kung pagkolekta ang usapan, depende ‘yan sa kanilang kagustuhan. Subalit kung halaga ang pagbabasehan, piliin ang mga bisikletang gawa sa US o UK dahil iba ang istilo at kalidad ng mga ito. At kung sa pag-restore naman, tandaan na bumababa ang halaga ng bisikleta kapag hindi na orihinal. Ngunit, magagawa mo ang gusto mo ayon sa istilo ng iyong pag-restore. Siguraduhin lamang na tama ang mga sukat sa simula pa lamang para hindi magkamali ng paghanap at pagbili ng piyesa.’
Ang pag-restore o ang pangongolekta ng mga iba’t-ibang bagay (hindi lang bisikleta) ay hindi na bago sa ating mga Pinoy. Sa iba, maaaring ito ang kanilang paraan para mabawasan ang kanilang stress. Maaari rin nating sabihin na kaya nangongolekta ang isang indibidwal dahil sa paghanga (o pinapangarap magkaroon) sa mga bagay na ito simula noong bata pa siya. Isipin din natin minsan na kahit luma na ang mga gamit na ito, kaya pa rin nitong makipagsabayan at puwedeng may value ito sa ibang tao.