Makinarya Outdoor

MAKINARYA OUTDOOR

Sa paghahanap pa ng mga lokal outdoor/bicycle accessories, sumagi sa mata ko ang mga ethnic DIY na disenyo ng isang lokal na bag maker sa Bulacan. Nagtaka ako sa una dahil ang itsura ng logo nila (para sa akin) ay more on band logo, kaya hindi ko agad sila kinausap tungkol sa website. Nalaman ko na lang after na talagang legit silang nagtitinda ng outdoor accessories dahil nag-pop up ang kanilang account sa aking SM. Makikita ang Makinarya Outdoor sa mga gig (most likely ska/reggae ang tugtugan) o minsan naman ay sa mga bike/outdoor fest. Maaari rin kayong bumili ng kanilang mga produkto sa kanilang Shopee account o rekta ninyo silang i-message sa kanilang FB at IG page.

Kwento nila, nagsimula ang kanilang maliit na negosyo dahil mahilig sila (at ang kanyang partner) sa outdoor at pananahi. Nagkasundo raw sila na subukan ang paggawa ng outdoor accessories (pandemic time) at kinalaunan napalago nila ang kanilang nagawang mga produkto. Tinawag nila itong Makinarya Outdoor o Makinarya dahil sa paggamit at tulong ng isang makinarya o makina.

Binanggit nila na ang pangitain ng Makinarya Outdoor ay mas lumawak pa yung locally made na outdoor accessories sa Pilipinas at mas tangkilikin pa, lalong-lalo na ang DIY. Sa madaling salita, ang mga proyekto ng DIY ay nangangailangan ng solid na trabaho. Kung hindi ito isang bagay na gusto mong gawin, maaari kang mag-burnout bago ka makakita ng anumang mga resulta mula sa iyong mga pagsisikap. Gayunpaman, kung gusto mong makatipid, bumuo ng mga bagong talento, o bumuo ng iyong karakter, katanggap-tanggap na gawin ang mga ganitong paraan. Dinagdag pa nila na ang kanilang pananaw sa recyclable/sustainable na produkto ay isang mabisang solusyon para mabawasan ang pagkonsumo ng mga bagay o materyal na pwede pang gawin at maibenta sa iba.

Para sa kanila, ang pinakamahirap na challenge sa negosyo ay noong sila ay nag-uumpisa pa lamang at kung paano sila PAGKAKATIWALAAN ng kanilang magiging customer/s. Mas lalo rin daw silang namo-motivate lalo na kung aming mga parokyano ay nasisiyahan sa aming mga produkto. Binanggit din nila na hindi perpekto ang kanilang magawa, ngunit i-try nila ang kanilang best para mas ma-improve pa ang kanilang disenyo at produkto, dahil plano nilang magtayo na rin ng sariling outdoor shop. Kung may katungan tungkol sa kanilang mga produkto, maaari ninyo silang i-message sa kanilang IG,FB, TIKTOK at Shopee account @MAKINARYAOUTDOOR.