Old But Gold

OLD BUT GOLD

ni: Kalipunan

2025 na! Panibagong resolusyon/pagbabago na naman, malamang ang ating pinaghahandaan. Ngunit isa sa malaking tanong ay nagawa ba o naumpisahan na ba natin ang mga New Year’s resolution natin noong mga nakaraang taon o naka-pending pa rin ito sa ating listahan. Marami-rami rin akong akong naiisip na pagbabago (na makakabuti sa akin) sa aking isipan na malamang ay pareho o maaaring maka-relate ang isang indibidwal na nasa edarang 25-35 years old.

Isa malamang sa mga pagbabagong ito ay ang pag-iwas sa inom na hindi naman natin basta-basta maaiwan. Dahil para sa iba, nasa dugo na nila ang pag-inom ng alcohol, drink to death man ito o 1 bottle lang. Ang iba naman ay ang pangakong magdi-diet ngunit tatanggi ka ba kung street foods, seafoods , inihaw at kung anu-ano pang ma-kolesterong pagkain ang ihahanda o iluluto para sayo? Muli, nasa dugo na natin ang pagkain ng mga ganyang klase ng pagkain. At syempre dahil nga sa mga nakaka-hi-blood (o matatamis) na mga pagkain, isa rin sa mga resolution ng ating mga kapatid ay ang mag-exercise o maging active para mabalanse ang nakaugaliang gawain. 

Kaya nga naman mataas ang tingin ko sa mga taong may edad na napaka-active at game pa rin sa mga strenuous activities. Kaya naman naghanap ako sa FB ng mga tatay nating mga siklista para tanungin kung ano ba ang nagpu-pursigi sa kanilang gawin ang aktibidad na ito (partikular ang pagbibisikleta) kahit may edad na sila.

Legendary biker of Saranggani 

Mayroon bang anumang benepisyo sa pagbibisikleta sa isang mas matandang edad? Malaki ang nakukuhang benepisyo para sa may edad na ang pagbi-bike dahil nagpapa-maintain ito ng tibok ng ating puso, di madaling mapagod, nakaka-iwas din ito sa kirot ng arthritis at makabawas ng blood sugar sa ating katawan.

Kailan kayo nagsimulang naging active sa pagbibisikleta? 12 taong gulang po.

Mapanganib ba ang pagbibisikleta sa mga taong may edad na? Depende ito sa sitwasyon, pero pag nasanayan mo na, e siguradong hahanap-hanapin na ng inyong katawan ang pagbi-bike.

Aside from benefits, ano ang mga dahilan kung bakit kayo nagpapatuloy magbisikleta? Nakakapunta ako sa mga magagandang lugar na di pa narating at ma-enjoy ko ang aking sarili.

Ano po ang mas prefer ninyo, luma (yung gamit ninyo ng bisikleta) or bagong bisikleta? Bakit? Mayroon akong tatlong bisikleta (RB /MTB /Stone bike) puro iyon luma ( binili sa bote-bakal) Improvised lang, mas makatitipid ka!

Ano ang pakiramdam ninyo kapag may nakasalubong kayong nagbibisikleta na pareho rin sa inyong edad? Parang matagal na kayong nagkakilala at magbabatian!

Ano po ang pinakahahirap na ibinisikleta ninyo? At ano naman po ang pangarap ninyong puntahan na lugar gamit ang inyong bisikleta? Ang mahirap nga lang ay yung pupunta kami sa isang lugar na kahit naka-motor, di pa narating. Minsan, nagtutulak talaga kami. Maputik din, madulas at mabato, pero enjoy dahil sa thrilling, masyado, lalo na kung marami kang kasama.

Ano ang payo ninyo para sa mga gustong makaranas ng pagbibisikleta kahit may edad na? Kung gusto mong makipagsapalaran mag-bike, magsimula muna sa malapit hanggang sa makaya lang ng iyong katawan. Importante ay “always think positively na kaya mo”. Be sure rin na ang iyong b/p, body temperature ay okay at dapat uminom ng maraming tubig. Importante rin na magpalit o magdala ng reserbang damit para hindi matuyuan ng pawis.

Noel Roblas

Mayroon bang anumang benepisyo sa pagbibisikleta sa isang mas matandang edad? Good condition ng katawan/good health. Dumadami rin ang mga friends. Kapag hindi ako nakapagbisikleta ng 1 week, parang malungkot at mahina ang aking katawan. Hinahanap-hanap ko ang araw-araw na routine ko sa buhay, ang pagbi-bike.

Kailan kayo nagsimulang naging active sa pagbibisikleta? 2018, nag-bike din ako para iwas stress na din!

Mapanganib ba ang pagbibisikleta sa mga taong may edad na? Ou, risky. Nabangga na ako ng motor 1 time. Four years ago ito, buti na lang di ako napuruhan, mild injury lang pero dinala ako sa hospital at pina-CT scan ako (awa ng Diyos, negative findings). Kaya dapat medyo ingat din sa pagbi-bike lalo na kung may makakasalubong kang motor o four-wheels (yung iba kasi gigitgitin ka talaga lalo na kung solo ka).

Aside from benefits, ano ang mga dahilan kung bakit kayo nagpapatuloy magbisikleta? Dumadami ang mga kaibigan.

Ano po ang mas prefer ninyo, luma (yung gamit ninyo ng bisikleta) or bagong bisikleta? Bakit? Kung ano po ang gamit ko ngayon (Mtb ang bike ko, 27.5). Gamay na sa pedalan.

Ano ang pakiramdam ninyo kapag may nakasalubong kayong nagbibisikleta na pareho rin sa inyong edad? Proud ako sa mga seniors na nagbibisikleta.

Ano po ang pinakahahirap na ibinisikleta ninyo? At ano naman po ang pangarap ninyong puntahan na lugar gamit ang inyong bisikleta? Sa mga ahon, di rin mawawala ang REVPAL, K.T., NUVALI, Marcos Mansion, Father Pio sa Bulacan. Gusto ko ring puntahan in the future ang Bailen/Bonifacio Shrine sa Cavite at marami pang iba.

Ano ang payo ninyo para sa mga gustong makaranas ng pagbibisikleta kahit may edad na? Tuloy-tuloy lang sa biking para sa ating kalusugan.

Senior rides

Mayroon bang anumang benepisyo sa pagbibisikleta sa isang mas matandang edad? Healthier, stronger, better looking, maintained sense of balance, and always positive attitude.

Kailan kayo nagsimulang naging active sa pagbibisikleta? 2008

Mapanganib ba ang pagbibisikleta sa mga taong may edad na? Yes, bones are brittle. Dimmer eyesight. Slower reaction time. Thus, ride slower more conservative.

Aside from benefits, ano ang mga dahilan kung bakit kayo nagpapatuloy magbisikleta? Naging habit na.

Ano po ang mas prefer ninyo, luma (yung gamit ninyo ng bisikleta) or bagong bisikleta? Bakit? Bago, madali piyesa, easier, faster to ride, and lighter/mas aero.

Ano ang pakiramdam ninyo kapag may nakasalubong kayong nagbibisikleta na pareho rin sa inyong edad? Oneness, brotherhood, and unity.

Ano po ang pinakamahirap na ibinisikleta ninyo? At ano naman po ang pangarap ninyong puntahan na lugar gamit ang inyong bisikleta? Yung ride to Bicol with Kara David. Malayo, three days at panay ahon. Gusto kong puntahan sana ay GENSAN kaya lang risky na.

Ano ang payo ninyo para sa mga gustong makaranas ng pagbibisikleta kahit may edad na? It could be biking or gym, zumba, calisthenics (kung ibabahin ko ang biking activity ko). Just exercise and sweat it out. Live healthy and strong, exercise harder and longer each day. Ride longer, climb hills, and do hot day training (if you can). Then you will realize that age is just a number.

Tata Rey Medalla

Mayroon bang anumang benepisyo sa pagbibisikleta sa isang mas matandang edad? Maraming benipisyo, na ma-maintain nito ang matagal na kalakasan, kalusugan ng ating katawan. Nakakapagpabata rin ito sa tikas.

Kailan kayo nagsimulang naging active sa pagbibisikleta? 2010, after bayaran sa kumpanya 60 years old na at hindi na masyadong productive.

Mapanganib ba ang pagbibisikleta sa mga taong may edad na? Yes, mapanganib sa senior kung walang ingat at walang disiplina. Delikado rin dahil marupok na ang mga buto, at kapag nagkataong sumemplang at napasama ang bagsak, maaari itong simulan ng paghina ng katawan. Kaya kailangan sa mga oldies kundisyon ang katawan at isipan bago pumadyak at syempre dasal sa Dios Ama.

Aside from benefits, ano ang mga dahilan kung bakit kayo nagpapatuloy mag bisikleta? TUWA!

Ano po ang mas prefer ninyo, luma (yung gamit ninyo ng bisikleta) or bagong bisikleta? Bakit? Siyempre, yung luma (pero legit) dahil gamay na gamay na kung lalayo ng biyahe.

Ano ang pakiramdam ninyo kapag may nakasalubong kayong nagbibisikleta na pareho rin sa inyong edad? Proud at syempre ung tuwa nga. 

Ano po ang pinakamahirap na ibinisikleta ninyo? At ano naman po ang pangarap ninyong puntahan na lugar gamit ang inyong bisikleta? Sambong ng Laurel, ayoko nang balikan! Pero gusto kong puntahan ang Tinok highest point at Sierra Madre, Mayon Volcano, at kung saan-saan pa.

Ano ang payo ninyo para sa mga gustong makaranas ng pagbibisikleta kahit may edad na? Una disiplina, pangalawa ay dapat physically fit at huli ay ekstrang perang dala.

Rick Oliveros

Mayroon bang anumang benepisyo sa pagbibisikleta sa isang mas matandang edad? Maraming benepisyo sa pagba-bike lalo na sa senior na kagaya ko na 67 yrs old na.

Kailan kayo nagsimulang naging active sa pagbibisikleta? Nagsimula akong magbisikleta nang ma-diagnose ako na may diabetes type 2 ako.

Mapanganib ba ang pagbibisikleta sa mga taong may edad na? Para sa akin ay hindi, basta sumunod ka lamang sa mga batas sa kalsada, in short, dapat alam mo kung hanggang saan ang iyong karapatan sa kalsada.

Aside from benefits, ano ang mga dahilan kung bakit kayo nagpapatuloy magbisikleta? 1. Mayroon bang anumang mga benepisyo sa pagbibisikleta sa isang mas matandang edad? Maraming benepisyo sa pagba-bike lalo na sa senior na kagaya ko na 67 yrs old na. Ito rin po ang maintenance ko sa aking diabetes, anti-stress (next to Nature), at marami akong napupuntahan na lugar .

Ano po ang mas prefer ninyo, luma (yung gamit ninyo ng bisikleta) or bagong bisikleta? Bakit? Syempre kung may pambili ka rin lang ng bago, eh sa bago ka na kasi magaan siyang dalhin.

Ano ang pakiramdam ninyo kapag may nakasalubong kayong nagbibisikleta na pareho rin sa inyong edad? Natutuwa ako dahil makakaiwas sila sa mga sakit kung wala silang bisyo.

Ano po ang pinakamahirap na ibinisikleta ninyo? At ano naman po ang pangarap ninyong puntahan na lugar gamit ang inyong bisikleta? DRT & BAGUIO ang pinakamahirap na binisikleta ko. Ang isa sa pangarap ko pang marating gamit ang bike ko ay Pagudpod, Aparri,Kabayan Mummy Cave.

Ano ang payo ninyo para sa mga gustong makaranas ng pagbibisikleta kahit may edad na? Ang maipapayo ko po ay magbike kayo hanggang kaya niyo dahil sa pagbi-bike unti unting lalakas ang katawan niyo at lalayuan kayo ng mga sakit tulad ng rayuma.

At dahil nga ang iba sa atin ay may edad na o tumatanda na, hindi ibig sabihin ay uupo ka na lang at maghihintay ng biyaya para lang makaraos ang isang araw. Hindi rin rason ang tumatanda/matanda ka na at di na kaya ng katawan mo (unless may sakit o may restrictions ka na talaga) mag-try ng ibang activities (kahit hindi physical) na maaaring magba-balanse para hindi ma-bore habang lumilipas ang panahon.

Ang pagkuha o ang matuto ng mga bagong kasanayan o kaalaman habang tayo ay nagkaka-edad ay siguradong doable at napakahusay. Nakakatulong din ito para sa ating mapanlikhang pag-iisip, social na koneksyon, at kumpiyansa sa sarili. Habang patuloy na umuusbong ang mga makabagong teknilohiya/era sa mundong ito, ang pagpapanatiling bukas sa mga bagong karanasan ay tiyak na magpapahusay sa ating buhay habang tayo ay nagkaka-edad.