Out Of Budget

OUT OF BUDGET

ni: Kalipunan

Likas na sa ating mga Pilipino ang magtipid, lalong-lalo na kung may gusto tayong bilin na bagay na matagal na nating inaasam-asam. Hindi na nga tayo minsan kumakain para may maitabi tayong arep sa ating kakapiranggot na sweldo. Mayroon din namang mga taong nagtitipid upang makipagsabayan (positive) at makipag-ugnayan sa kung anuman ang current trend/hype ng isang lugar, society o yung nakikita natin sa mga SM sites.

At dahil may ibat-iba tayong estado ng buhay, hindi lahat ay kayang sumabay sa trend. Kaya naman sa kabilang dako ng mundo, hindi mawawala ang mga naglabasang mga budget items sa merkado. Naglabasan din ang mga maliliit na negosyo (maaaring nagbebenta ng second hand o hindi kilalang brand) na nag-o-offer ng mura at swak sa budget na kagamitan (bike/bike parts). Halina’t basahin natin ang ilan sa mga opinyon ng mga siklistang tungkol sa budget bikes.

Ayon kay Caloy Rabe, maganda naman talaga para sa kanya ang bagong bike, pero budget meal na bike lamang ang kanyang bibilhin basta makinis at maganda sa paningin niya ito. Okay din sa kanya ang second hand na bisikleta basta susuruin muna ito bago bilhin. Dinagdag din niya na magtanong sa nagbebenta kung ito ba ay kelan nabili, saan nabili, para aware tayo kung nakaw ba o hindi at alamin din nating maigi kung may sira ba ang bisikleta o wala.

Para sa kanya, ang prospect sa pagbili ng bike na budget meal is para makatipid ka in the future, yung makapaglaan ka ng oras sa sarili mo (may ekstra kang pera panggastos). Sinabi rin niya na kung may isang magandang review ang isang budget bike, maaaring bilhin niya ito dahil subok na ito pang long ride at dahil may ekstra siyang perang panggastos sa bagong bisikleta (lol).

Tinanong ko rin siya tungkol sa kanyang pananaw tungkol sa pinagkaiba ng unknown at well-known brands sa merkado, at ito ang kanyang naging sagot. ‘Ou malaki ang pagkakaiba. I once used an unknown brand (mura siya, as in), pero hindi nagtagal at naging abala ito sa biyahe ko. Example, top gear (exterior). Itong top gear binili ko yan kasi mura at talagang gwapo ng itsura niya isipin mo naka sidewall pa yun kung tawagin daw nila. Nagamit ko lang siya sa Batman loop, then after nun, nasira agad. Unlike Leo tires (exterior), eto si Leo mas mura to pero subok yan at maraming nakaka kilala niyan kase makunat at matibay.’

Nagtanong din ako kung pabor ba kayo sa pagbebenta ng fake (yung ginaya pati pangalan ng brand) na piyesa ng bisikleta sa merkado. Sinabi niya na hindi siya pabor dito kasi masisira yung mga branded na bikes, piyesa etc. magkakaroon ng pangangamba yung bibili na baka napeke sila or nadaya. Binanggit din niya na ang cheap na brand ay medyo nadidiskrimina lang sila sa mga gumagamit ng mamahaling bisikleta. Minsan nagkakaroon talaga ng diskriminasyon sa paggamit ng bisikleta. Nandyan yung nagtatanong sila na ” iikot ka ng ganito? ganyan? Yan lang bike mo? Kaya ba ‘yan?” So para sa kanya, mapa-cheap man ‘yan or budget meal man iyan, dapat aware yung bibili about the ‘quality’ ng piyesa. Talagang maintenance rin ang kailangan mong gawin, lalo na kapag tag-ulan. Dapat din daw siguraduhin na every 2 months nagre-repack ng bearings sa hubs. At laging i-check ang cable sa preno at RD/FD.

Para naman sa kanyang advise upang masulit ang pagbili ng budget parts ay ugaliing pakiramdaman ang bisikleta at magtalaga ng buwanan na linis ng preno, bearings, at laging i-check yung mga kantuhan ng batalya kung may cracks man ito o wala.

Para naman kay Unli Gala ng FB, may dalawang condition para sabihin na mainam yung build ng bike. Ito ay kung maganda yung brand ng frame at yung mga components (upgraded/heavily modified) na nakakabit dito. Pero kapag build bike yung bibilhin mo with stock parts naman ang nakakabit, mag-u-upgrade ka lang din (kasi maaaring binayaran mo lang ay yung name ng company). Pag sa 2nd hand naman, medyo mainam siya kasi kadalasan niyan na-upgrade na yung ibang parts. Sinabi din niya na ang pros ng build bike ay almost new lahat ang nakakabit sa piyesa yun nga lang kadalasan stock parts ang mga ito. Whereas kay 2nd hand, upgraded na ang ibang mga parts yun nga lang nagamit na din siya ng unang may nagmamay-ari (pero maaring matagal-tagal mo din siya magagamit).

Para sa kanya, ang pros ng budget parts ay mura ito at hindi mabigat sa bulsa ngunit hindi ka sure about sa quality lalo na kung newbie ka pa lang sa cycling. Pero malalaman mo rin daw ang mga difference/s habang naho-hook ka na sa pagbibisikleta. Sa katanuyan, may mga budget parts din kasi na pumapantay na din sa performance ng mga branded like Ltwoo. Kaya malaking part ang review para sa pagbili ng bike parts, pero mainam din yung mga rekomendasyon ng mga tropa na medyo matagal na din sa eksena sila kasi yung mostly nakakaalam ng mga brand na kahit mura, may laban naman sa performance, dagdag pa niya.

Sa kanya namang opinyon tungkol sa pinagkaiba ng mga brand, sinabi niya na mas mahal siyempre ang branded na bisikleta/piyesa. Pero sinabi niya na kung pag-uusapan ang performance, madalas may mga unknown brands na palag-palag din sa mga branded. Like for example sa gs yung Ltwoo (a7 Elite Series) na halos 2 years na niya ginagamit at mapa hanggang ngayon swabe pa din ang rd/shifter kahit gamit na ito ng kanyang katrabaho. Hindi naman siya pabor sa mga fake products dahil kawawa ang gagamit at kalituhan na rin ito sa bumibili ng parts.

Ang kaibahan ng budget sa cheap bikes ay kapag sinabing budget kasi, madalas yung mga brand na yan na medyo mura pero subok na ung performance sa cheap naman madalas yan yung mga piyesa na pang city rides lang at malamang kapag inilayo mo ito maaring masira ito kaagad, ito ang kanyang pananaw sa cheap at budget na bisikleta. Kaya naman okay talaga sa kanya gumamit ng budget bikes dahil pauniti-unti ang upgrade (which is kaya naman), bike to work kasi siya at every month naman uwian siya pauwi ng Bicol.

Para naman sa kanyang advise sa mg iiskor ng bike, sinabi niya na kapag bibili ka ng budget parts, una munang isipin ay ay tipid dapat (o hindi gagastos ng malaki) pero dun din na papasok ang salitang “pang matagalan”. Dapat, kung bibili ka, i-advance mo na; dapat yung mindset mo, na dapat yung set-up mo, medyo maayos na rin, kasi darating yung time na lalayo ka rin. Huwag ka ring mahihiyang magtanong sa mga nauna sa iyo na magbisikleta. Magbasa ng reviews at laging tatandaan, branded o budget man ‘yan, tatagal ‘yang mga piyesa na ‘yan kapag maayos ang maintenance mo sa iyong bisikleta.

Simple naman ang naging sagot ni Philip (bard.on.a.bike ngIG) tungkol sa pagbili ng bisikleta. Sa tingin niya, kung baguhan ka pa lang sa pagbisikleta, mas mabuti nang bumili ng bagong budget bike lalo na kung gagamitin mo raw ito para sa commute (work) o pang-exercise. Dahil ayon sa kanya, the best time is now, at hindi ka na maghihintay pang magtingin-tingin (kung okay o hindi ang bike) o mag-gather ng parts kung gagamitin mo naman ito palagi. Pero hindi pa rin niya isinantabi ang pagbili ng second hand na bisikleta as long as maganda at quality nito. Binanggit din niya na ang magandang bagay tungkol sa pagbili ng budget bike ay hindi ka masyadong kakabahan na manakaw (kasi mura) o masira man ito. Ngunit sa kabila ng lahat, sinabi niya na maaaring hindi ka magiging kampante lalo na kung gagamitin mo ang budget bikes pangmalayuan (kasi maaaring masira ito) at mapapagastos ka rin sa kaka-upgrade ng piyesa. Hindi rin siya masyadong naniniwala sa reviews kasi minsan bayad o AI-generated lang ang lumalabas sa internet.

Ibinahagi rin niya na ang kanyang unang bisikleta ay Phantom. Hindi ito masyadong kilalang brand ngunit tumagal daw ang frame nito ngunit kinailangan niyang palitan halos lahat ng ibang parts matapos niya itong gamitin sa isang long ride/s at trail (walang problema sa commute). Sa paggamit ng cheap parts, naka-bend na rin siya ng gulong noong sumemplang siya sa trail at nasira naman ang kanyang hub habang papasok ako sa work. Hindi rin siya sang-ayon sa mga fake parts dahil ang pinag-ipunan mong pera ang pangagastos mo dito.

Ang pinakasulit para sa akin ay isang magandang vintage bike na may vintage parts, lalo na mga 90s MTB o 80s na RB, dahil subok na matitibay na talaga. Kung pasok sa budget, bumili na ng orig na piyesa  galing sa shop na reliable, ito ang kanyang advise sa mga naguguluhan sa pagbili ng cheap/budget bikes.

Sa opinyon naman ni Jayrides ng FB, sinabi niya na much better na brand new kaysa bumili ka ng second hand. Baka kasi pag 2nd hand ang bibilin mo, baka mayroon pang hidden issue sa bisikleta (tapos gagastos ka pa) na another gastos ka pa. If you buy a bike much better na ang brand new and good group set. Dinagdag din niya na kapag bimuli ka ng budget bike parts dadating ka rin sa point na mag u-upgrade ka rin dahil mas nanaisin mo yung quality parts.

Hindi rin siya bibili if ever na mayroong bagong reviews ang isang bike part/full bike na binibenta sa merkado. Sinabi niya na naka-depende ito kung okay pa ang bisikleta mo or kung kailangan mo na talagang magpalit ng piyesa. So para sa kanya, no need na bumili ng branded (o yung mahal talaga) para makipagsabayan lang sa pagandahan ng upgraded na bisikleta.

That’s a big No! Ito ang kanyang naging tugon kung pabor ba siya sa mga pekeng parts ngayon sa merkado. Dagdag pa niya na maraming naloloko sa mga fake parts. At the end of the point, kapag nasira ito, another buying ka nanaman ng parts, sayang ang perang inipon mo, much better na quality brand na bili mo kesa unbranded.

Ang budget bike/s, ito yung mga worth of 4kto 7k up na kaya bilhin sa merkado at kayang pag ipunan pero yung piyesang nakakabit dito is di ko sure kung tatagal ba siya or it depends kung paano mo gagamitin o aalagaan ito. Cheap naman ito. Yung piyesa na 1–2 months lang, eh mapapabili ka na ulit ng bago na ang presyo ay 400–500 pesos. In short, another pagsasayang ng pera. Ito naman ang kanyang naging pananaw sa paglalarawan ng budget for cheap bikes. Advise ko is branded na bike ang bilhin and less hassle at di ka panay bili ng piyesa if ever masira. Piliin din ang group set na much better. Huwag o iwasang bumili ng masyadong mura kung ayaw mong gumastos ng malaki, at kung sa upgrade naman, much better e pagsawaan mo muna ang piyesa mo (maybe in one year) before ka magpalit ng bago. I’m sure nakapag-ipon ka na noon para sa piyesang bago na ipapalit mo.

Kung pera ang pag-uusapan, mas mainam kay Derick Gonzales (Radler.Mnl ngIG) ang bumili ng second hand na bisikleta kaysa sa budget-built bike. Sinabi niya na, bilang isang medyo kuripot na tao, pero medyo may pagka-maselan ng konti sa mga piyesa, gusto rin niya na sulit ang kanyang bibilhin. Pipiliin niya ang second hand na bike kesa sa budget built (naka depende ito sa kanyang pangangailangan). Sa second hand na bisikleta naman, sinabi niya na maaaring gusto mo talaga ito kaya yun ang pinili mo kesa sa budget-built na pinili mo lang kasi limited ang budget. 

Para sa kanya, ang pros siguro ng budget ay ang halaga nito (mura). At sa cons naman ay maaaring sa quality ng piyesa nagkakatalo. Banggit pa niya na baka mura lang sa umpis,a pero mapapamahal ka sa maintenance in the long run. May mga budget built ka na makikita sa mga grocery stores pero alam mong madali masira at mejo talo ka sa maintenance, di tulad ng second hand maaring bike enthusiast o nagre-rerestore talaga yung bibilhan mo, ito ang kanyang naging experience sa Canada. 

Para sa kanya, mayroong pinagkaiba ang pagbili ng branded compare sa unbranded parts. Sinabi niya na sa tibay siguro at sa availability ng mga small parts kung may nasira. Halimbawa sa Shimano, maraming available na piyesa kang makukuha kapag may nasira sa mga parts mo. Di gaya sa mga unknown brands, baka mahirapan kang makahanap ng ibang parts kapag may nasira. Hindi rin siya pabor sa pagbebenta ng mga fake parts dahil nakataya ang safety mo diyan. 

Ito naman ang kanyang pananaw sa pinagkaiba ng budget from cheap bikes/parts. ‘Sa budget, tingin ko mas okay siya dahil maaari siyang entry level ng isang magandang brand, di tulad ng cheap, baka sirain at di mapagkakatiwalaan.’ Para sa kanyang advice, mag-research muna nang maigi, magtanong sa mga nakagamit na ng mga piyesang nais bilhin. Kung mga accessories siguro, okay lang na budget, pero sa moving parts, mas maganda talaga kung doon ka sa tiwala na sa merkado.