PACGEAR
Maliban sa Tribu, Ground Zero, Lagalag, Sandugo, atbp., ang PACgear ay isa rin sa mga nakapag-ambag sa produksyon ng ‘outdoor equipment’ sa bansa. Mula ultralight trekking bags, bum bags, at commuter bags hanggang sa bikepacking bags, ang maliit na negosyong ito ay tiyak na kayang makipagsabayan sa iba pang ‘outdoor manufacturer’ saan mang bahagi ng mundo. Nakabase sa lungsod ng Cebu, halina at alamin natin ang maikling istorya tungkol sa outdoor brand na ito.


Ayon sa kanila, nagsimula ang negosyo pagkatapos ng ekspedisyon ng dalawang matalik na magkaibigan sa pinakamataas na bundok sa buong mundo, ang Mount Everest. Pagkatapos ng paglalakbay na ito at ng iba pang sumunod na eksplorasyon sa Cebu, naitatag nina Larry at Ralph (both members of the Philippine team on Mount Everest) ang Philippine Adventure Consultant (Outdoor Recreational Consultant).
Sa kasalukuyan, nakatutok ngayon si Ralph sa Professional Access Consultancy (PAC Cebu) habang si Larry ay nakatutok sa PACgear Outdoors. Ngunit ang dalawang ito ay magkaibang kumpanya. Binanggit din nila na ang pangitain ng kumpanya ay mapalaganap ang bikepacking/biketouring bilang isang libangan o isports sa bansa. Ang paglalakbay sa malayo o malapit ay nagpapatunay lamang na mapapalakas nito ang kaligayahan at kasiyahan ng isang indibidwal. Sinabi rin nila na kahit busy sila, kaya pa rin nilang i-manage ang oras at masaya silang nagagawa ang kanilang mga libangan habang nagtatrabaho. Pero sa dalawang bagay na kanilang nabanggit, mas pinahahalagahan pa rin nila ang kanilang mga kliyente para maipagmalaki ang craftsmanship ng negosyo. (mga bag ng bisikleta).


Ito ang kanilang pananaw sa recyclable/sustainable na produkto: “Nais namin hangga’t maaari upang mabawasan ang aming basura. “Sa katunayan, kapag nai-package na namin ang mga order, ay gumagamit kami ng mga recycled box o bubble wrap na kinokolekta namin mula sa mga kaibigan namin mula sa kanilang mga online na order. We collect scrap paper and shred them para ginagawa naming palaman sa mga bag.”
Binanggit din nila na ang isa sa mga pagsubok sa negosyong ito ay kapag may isang taong malapit sa kanila, o dating nagtatrabaho sa kumpanya, ay kukunin ang aming mga ideya at kliyente at gagawa o magtatayo ng kanyang sariling tatak. Hindi ito mawawala o maiiwasan, kaya’t naging aral sa amin ang pagtatatag ng istruktura at sistema sa operasyon.
Para sa susunod pang mga taon, nais nila na magtatag ng higit pang mga ruta ng bikepacking sa buong Pilipinas at makagawa pa ng kakaibang disenyo ng mga bags para sa mga namumundok, siklista at sa mga ‘outdoor enthusiasts’. Kung may katanungan pa kayo tungkol sa kanila, maaari silang kontakin sa kanilang FB at Instagram account (PACGEAR OUTDOORS) o di kaya’y bisitahin ang kanilang tindahan sa PACgear Outdoors General Maxilom, corner Rahman Street, Cebu City.
