PUCHA
Bukod sa problema, marami rin talagang naging magandang dulot ang pandemic. PUCHA, hindi pala dapat ganito. Balik sa simula. Isa nanamang aktibo sa eksena ng pagbibikleta ang PUCHA creations na nagsimula noong pandemya. Nakatuon sila sa paggawa ng bike reflectors na may iba’t-ibang disenyo. Hindi lang bilang palamuti, ang simpleng accessory na ito ay malaki ang nagiging tulong sa tuwing lalabas tayo ng bahay gamit ang ating bisikleta. Dahil na rin sa hirap ng buhay sa ating bansa, nagkaroon sila ng misyon na tulungan ang kapatid nating may mga kapansanan at mga magiging senior citizens in the future. Ang susunod ay ang kanilang kwento tungkol sa kanilang maliit na negosyo.


Si PUCHA ay para sa lahat ng taong mahilig sa arts, cycling at mga outdoor activities. Nagsimula si PUCHA noong taong 2020, kasagsagan ng pandemya. Dahil sa madaming libreng oras noong pandemic, nagbalik-loob ang tropa sa pagbibisikleta at dinamay na rin ang pagbuo kay PUCHA. Nakuha ang ideya ng triangle reflector sa isang pasalubong galing sa Japan. Gumawa ang tropa ng sariling version, and the rest is history for PUCHA.


Ang salitang “PUCHA” para sa amin ay isang ekspresyon ng nararamdaman. Madalas gamitin kapag masaya, galit, nagulat, atbp. Kaya siguro naging tag line namin yung PUCHA with Feelings. Dahil lahat ng ginagawa namin ay may kasamang P… feelings? Nauuna rin lagi ang pagmamahal at dasal, na sana ay maging ligtas ang gagamit ng PUCHA products. Does it make sense? Hehe. Also, it’s catchy, so it stuck with us. Our vision is to share our art and to create products that are useful, unique, and well thought of at a reasonable price. In the future, we aim to provide jobs to PWDs and Senior Citizen folks as we expand PUCHA.


Ang paborito naming parte sa PUCHA ay yung pakikipag-usap sa aming mga customers. Halos lahat sila ay nagiging kaibigan namin. PUCHA, masaya kaya makarinig ng ibat-ibang kwento galing sa kanila. PUCHA is a pro-recycling/Sustainability supporter. Hangga’t maaari, hindi kami gumagamit ng plastic (maliban sa online orders na required talaga ang plastic packaging).
Madami kaming plano kay PUCHA in the future, isa sa mga ito ay makapaglabas ng produkto na gawa sa recycled materials. Pag-aaral at pag-aayos ng oras, marketing at communication. At ang pinakahuli ay ipagpapatuloy ang pamimigay ni PUCHA ng libreng bike reflectors sa mga nangangailangan. Kung mayroon man kayong katanungan maari silang kontakin sa kanilang Social Media accounts; Shopee, Lazada, Tiktok, FB at Instagram account @puchacreations