RABAS
Sa pagpili ng isusuot para sa ating mga paa, ilan sa atin ang pinipili ang sandals o yung may vent style na sapatos sa kadahilanang madali itong suotin, madaling matuyo kung mababasa at ang maintenance ay super easy. Nakasanayan ko na ang magsuot ng sandals sa tuwing nagbibisikleta ako sa atin. Sa katanuyan, sinubok ko ring magsuot nito kahit sa malamig na klima (sa paglalakad/pag-bike) at wala namang akong naging problema sa pagsuot ko nito. Isa sa mga lokal na manggagawa ng outdoor gear na naka-base sa Bicol Region ang Rabas, ang aking napuna (produktong sandals) dahil sa kulay na ginagamit nila (Rastafarian color na may kulay itim para sa kulturang Aprikano at iba pang etnikong disenyo). Rekta nilang ipinahayag ang kanilang tunay na layunin at adhikain para sa kanilang mga likha at matatag na samahan.
Layunin ng kanilang maliit na negosyo:
a. Magtrabaho nang may pagmamahal at pagkakaisa para maisakatuparan ang mga likha na magdudulot ng biyaya. Para sa kanila, ang ibig sabihin nito ay ang matagumpay na pagtutulungan ng magkakasama ay nagpapabuti sa mga resulta ng grupo at nasusukat na pagiging epektibo ng isang organisasyon/maliit na negosyo.
b. Pagtatrato ng patas, pagmamahal, pagkakaisa at pagturo ng sapat na disiplina, sa oras, tao, aktibidad indoor/outdoor at sa buong nakapaligid na ginagalawan. Ang pagtataguyod ng pagkamalikhain at pagpapalitan ng ideya ay nagdudulot ng kaligayahan, pagiging produktibo at iwas stress sa mga empleyado.


c. Pagkonekta sa mga tao at sa kalikasan ng may magandang adhikain para sa pangkalahatan. Ang mga organisasyong/negosyong naglalayong bawasan ang basura at protektahan ang kapaligiran ay madalas na nakakatuklas ng mas mahusay na mga pamamaraan ng operasyon.
d. ‘Pagbahagi ng kaalaman’, maging matulungin sa mga nangangailangan at patas na pagtrato sa tao, hayop at kalikasan. Ang pagbabahagi ng mga ideya ay naghihikayat ng positibong pag-iisip. Nakakatulong din ito upang mapalago pa ang naiisip at matiyak na ang lahat ay nasa parehong pahina at anumang mga isyu o alalahanin ay mabilis na natutugunan.
e. Magpatuloy sa nasimulan nang walang pagyayabang at pagbago sa katauhan.


Kung nais bumili o may katanungan sa kanilang mga produkto, maaari silang kontakin sa kanilang FB page, RABAS Outdoor Gear.