SAGIP
ni: Kalipunan
Malamang, marami na sa atin ang napapaisip na lang na bumili ng second-hand na bisikleta dahil sa nagtataasang mga bilihin ngayon at sa kakarampot nating mga ipon o sweldo. Minsan kasi, eh, halos yung frame o yung pangalan na lang ng big company yung binabayaran mong presyo ng bike dahil most ng stock parts na nakalagay dito ay low-end (yung iba). Malaking problema ito, lalo na kung nag-uumpisa ka pa lang magbisikleta at gusto mo bang umiskor agad-agad ng bisikleta mula sa kilalang bike manufacturer. Maaari rin maging isyu ito kung nasa level ka na, na gusto mo na talagang mag-upgrade para sa performance. Nakadepende rin (FYI) ang presyo ng bike sa materyales na ginamit, oras ng paggawa at logistics.
Sa isang banda, hindi ito malaking issue sa ibang mga siklista dahil nasa kanila pa rin ang desisyon kung bibili ba sila ng bago o hindi. Ngunit para naman sa iba na pabor sa pag-reuse o pag-refurbish ng lumang bisikleta, naging malaking tulong ito dahil, siyempre, hindi ganoon kamahal ang presyo nito kumpara sa brand-new na bisikleta (unless collectibles/rare ang mga piyesa o ang mismong bike) at siyempre cool sa paningin ng iba lalo na kung ang build ay Neo-retro.
Konting kalikot, baklas, linis, punas, upgrade ng modelong pyesa, e katalo na. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga lumang bisikleta (w/ upgraded parts), napapanatili nito ang orihinal na creation (o appreciation) ng mga old produce na bisikleta kasabay ng makabagong performance/reliability na mga pyesa. Ilan sa mga tropa nating siklista ang may mga build na Neo-retro style na bisikleta at tinanong ko rin sila kung bakit napili nila ang ganitong style.
Arj Conichiwa
Ano po ang model ng inyong bisikleta (w/ year of release) at bakit ninyo po ito napiling i-restore (para magamit) o i-upgrade ito ng modern parts para maging functional? MOB MXR 8.0 26X18″ (2016) release, ALLOY, at pang-3 bike ko na ‘to. Kaya ko ito napili dahil nasa ERA ito ng V-brake at disc brake. Buong groupset ang napalitan ko na, pati rin ang wheelset. Pero yung frame set, wala po akong binago jan; headset bearing lang po.
Ano po ang rason ninyo kaya po kayo ay nag-build ng ganitong klase ng bisikleta? (Ex. Mas mura, mas may style, matibay, trending, functionality/utility, i-showcase ang old look etc.)? Mas mura po siya at MATIBAY!
Sa tingin ninyo po, bakit ang ibang mga siklista ay pinipili pa rin (o nakikitang kaakit-akit) ang mga old-style bikes kaysa sa new-style bikes na naglalabasan ngayon sa merkado? Batang ’90s po kasi ako. I’m 37 years old. old. Bata pa lang ako, nagba-bike na po ako ng BMX , kaya mas appreciated ko yung mga old look, pero hindi ko sinasabing hindi maganda ang mga modern bike. Gusto ko lang din po talaga ng mga old bike, hehe.
Ano po sa tingin ninyo ang pinaka-importante o mahalagang part/s na dapat i-upgrade sa mga old-style bikes kung pag-uusapan ang safety? Para sa akin po, ang chain o kadena; ’yan ang dapat laging minemaintain, dahil sa moving parts siya at kapag naputulan ka niyan, malaking aberya. Sa ibang parts naman, tulad ng brake o shifter, kahit anong brand ’yan, hindi naman po basta-basta nasisira ’yan. Sa kadena po, nasaksihan ko po kasi 1 time sa daan ang isang nagba-bike na na-stuck up ang kadena niya dahil sa sobrang tigas na ng kadena niya, tuyong-tuyo. Ayun, muntik na siyang madisgrasya. Wala akong dalang chain oil noon, kaya pinunasan ko lang ang kadena niya para matanggal ang mga namuong putik.


Sa pag-save sa mga bisikletang ito, ano po ang looks na mas prefer ninyo, stylish (pang-showroom) ang itsura o kita ang wear and tear (pagkaluma o bara-bara style)? Bakit? Para naman sa opinion ko, kung pang-bike to work lang, hindi na kailangang pagarbohin pa, basta trusted parts ang mga nakakabit at naaalagaan nang mabuti. At kung pang-showroom naman ang talagang DREAM BIKE KO ay yung CHAPMAN BIKES, hehe.
Aside sa pag-save ng frame na nabili ninyo, ano pa para sa inyo ang mga parts na gusto ninyong i-keep, kasama ang batalya at bakit? (Ex. Tinidor, quill stem, cockpit, etc.) Lahat ay gusto kong i-save. Gusto kong abutan ng panganay ko na magagamit pa niya itong bike ko ngayon na pangtrabaho. Bike to work po kasi ako since pandemic days.
Kung may pagkakataon at may budget kayo para sa isang build, ano po ang mas prefer ninyong gawin: neo-retro bike, old MTB na may suspension (with rubber boots), old MTB na may rigid fork o classic road/commuter/ladies? Bakit? Dream bike ko po talaga yung CHAPMAN BIKE!


Roa Choi
Ano po ang model ng inyong bisikleta (w/ year of release) at bakit ninyo po ito napiling i-restore (para magamit) o i-upgrade ito ng modern parts para maging functional? Giant AX100. Okay, a little backstory. I got introduced sa fixed gear scene ng pinsan ko from Laguna na si Simon, back in 2010 ata? High school pa lang ako noon. Anyway, hindi ko na maalala exact year, haha. Pero at the time, wala pa akong sariling build. Kumbaga, isa pa lang ako dun sa mga literal na naglalaway sa fixed gear. Also, busy pa ako sa craft ko noon eh, sa pag-street art. So hindi ko rin siya na-prioritize kaagad. 1st year college na ako, probably 2012. Bumili ng generic fixie ang kuya ko. Sobrang tuwa ko noon, though, kanya talaga ’yon, pero mas nagamit ko. Afterwards, need naming ibenta. Hirap ang buhay noon, kaya need naming i-let go. Syempre, parang heartbreak sa relasyon. Masakit sa dibdib.
Fast forward to 2016, after 4 years, nabuhay yung bata sa loob ko na gusto ng fixed gear. 2016, working na ako niyan and connected pa rin naman kami ng pinsan ko. So, it just so happens na yung shop nila na pinag-gugupitan niya is malapit sa work ko (Slick Barbers sila). So there were times na tinatamad akong pumasok; tatambay ako sa kanya, haha. Active pa rin siya/sila sa fixed gear scene noong naka-Ave Maldea na siya at the time. So nandun na uli ako sa point na gusto ko nang mag-build ng sarili kong fixie, since kaya naman. Ginawa ng pinsan ko yung luma niyang frame na kinatay galing sa vintage RB converted to track drops, eh ibinigay niya sa akin. Then doon nag-start ako nang paunti-unti.
Yung frame na ‘yon. May serial number siya, pero di namin mahanap kung anong brand, eh. Pero sa tantsia namin, RB frame ’70s–’80s siya, eh. Lugged frame siya na tanso ang hinang. Sa parts naman, nag-source lang ako ng mga low- to mid-end brands na trusted, like Uno Quill para sa stem, SS Spokes, Vintage Uno naman sa bars. At oo, ayun nga pala, siguro pinaka-solid na parts ko lang dun ay yung rim na unstamped Shimano from the ’90s. Nabili ko sa lumang bike shop dito sa amin, sa Las Piñas. Sobrang kunat ng rim na ’yon; wala akong masabi. Trusted kasi mabigat akong rider, pero ’di ako pinahiya noon.


Ano po ang rason ninyo kaya po kayo ay nag-build ng ganitong klase ng bisikleta? (Ex. Mas mura, mas may style, matibay, trending, functionality/utility, i-showcase ang old look etc.)? Fast forward to 2020. Bike ko pa rin yung fixed gear ko. Well-preserved and well-maintained, kaya maganda pa rin gamitin. However, during that time, naglalabasan na ang mga Retro/Neo-Retro MTB. Sakto kasi, planning ko ay mag-build ng MTB, pero di ko mahanap yung trip kong build. Siguro kung hindi ako maselan sa parts, sa overall looks ako maselan. Anyway, timing din noong time na yun, medyo nagsawa na rin talaga ako sa track bike. Kumbaga, naghahanap na ako ng ibang trip, pero at the same time gusto kong ma-maintain yung idea ko sa utak, then ilalabas ko sa build na gusto ko.
Functionality-wise? Wala akong masabi. Yung combination of modern and classic parts, you can’t go wrong. Aesthetically pleasing? Para sa aming mga enthusiast ng ganoong build. Yes, ang sagot. At the same time, nag-trending naman talaga. Nakakatuwang maging part ng community. For me, ang striking sa mga ganung build is yung overall look, then sasaloakan mo ng mga vintage modern vibe na parts.
Ito na nga, yung isang pinsan namin ni Simon na si Don. He actually introduced me sa mga retro MTB. Siya ang nagpakita ng mga sample builds sa akin. TBH, naengganyo ako kasi ang ganda naman talaga and I think na yun yung build na gusto ko para sa pag-switch ko sa MTB. So, nangyari, since maganda naman ang kita noong time na ‘yon, nag-start kaming mag-source ng frame. Scavenger hunt, malala. Sa marketplace, sa mga construction worker na dumadaan at sa mga junk shop. Lucky me, I landed my first Retro MTB frame. Yung Diamondback Sorrento ko from 1994. Then nag-upgrade ako sa Giant Gtx 700 na may adjustable rigid fork. If I am not mistaken, yung frame na yun is probably late 80’s-90’s ang era niya.
Sa tingin ninyo po, bakit ang ibang mga siklista ay pinipili pa rin (o nakikitang kaakit-akit) ang mga old-style bikes kaysa sa new-style bikes na naglalabasan ngayon sa merkado? Siguro kase, for me, one main reason is yung uniqueness, followed by passion, lifestyle, and influence na din ng community or crowd na kinabibilangan mo. Yung ibang rider/enthusiast naman kasi, katulad namin. We’re not focused sa competition, eh. Probably, what’s more enticing for us is yung shared knowledge dun sa mga build namin. Also, it’s a pleasure to think din kase na you’re not just riding a bike. You’re riding a time machine. A piece of history. For me, every time na sinasakyan ko yung mga bisikletang dumaan sa akin, yun talaga ang tumatakbo sa utak ko. Also, I think old souls kami na trapped sa timeline na to hehe.


Ano po sa tingin ninyo ang pinaka-importante o mahalagang part/s na dapat i-upgrade sa mga old-style bikes kung pag-uusapan ang safety? Ako, to be honest. Yung cockpit, brakes, and drivetrain talaga. Yun ang mga pangunahin kong ini-upgrade at chine-check. Unlike sa gulong mo, na talaga namang madalas magkaaberya, may patch kit ka na puwedeng dalhin at spare na goma. Pero kung ang brakes, strap/toe cage at drivetrain mo ang pumalya. Good luck. Either maglakad ka or umuwi nang nakasakay sa ambulansiya.
Sa pag-save sa mga bisikletang ito, ano po ang looks na mas prefer ninyo, stylish (pang-showroom) ang itsura o kita ang wear and tear (pagkaluma o bara-bara style)? Bakit? Para sakin yung pagkaluma talaga, mixed with brand-new parts na can complement yung overall looks ng frame and build. Pang-ragasa pero stylish at the same time. Wala rin naman akong prob dun sa iba na nag-build for show. Pero kasi, daily commuter ako, so di puwedeng pang-show goal ko magiging maselan ako noon sa build hehe.
Aside sa pag-save ng frame na nabili ninyo, ano pa para sa inyo ang mga parts na gusto ninyong i-keep, kasama ang batalya at bakit? (Ex. Tinidor, quill stem, cockpit, etc.) Ah. Nice question. Yung iba kase either i-save yung buong build as is or i-let go ng buo. Ako naman, on the other hand. I always admire yung mga cranks and cantilever brakes pati na rin yung frameset itself, especially kung yung mga lugged frame and fork. I enjoyed staring at those parts. Tinatry ko kasi i-appreciate nang husto yung craftsmanship at puso dun sa mga gawang yun.
Kung may pagkakataon at may budget kayo para sa isang build, ano po ang mas prefer ninyong gawin: neo-retro bike, old MTB na may suspension (with rubber boots), old MTB na may rigid fork o classic road/commuter/ladies? Bakit? If I were given a chance, ulit mag-build. Siguro I will go either full vintage or full modern/classic looks or vibe katulad ng mga recent na nilalabas nina Chapman, Surly, All City at Stridsland. Sobrang solid kasi ang mga modern classic build ni Chapman. ATB-wise na may konting lundagan, Stridsland talaga, pero kung hanap mo modern classic na touring at commuter na pwede mong ipang ragasa, Surly and All City. Actually, lahat sila panalo eh. Kung puwede nga lang, kukuha ako ng tag-iisang buong galing sa kanila, kaso naalala ko, di ako anak ng contractor eh, so huwag na lang pala haha.
Kung full vintage naman ang usapan, definitely mga early 80s na brand and build yung tipong scavenger hunt, malala ka sa parts na belong sa same era ng frame set. O kaya naman, 70’s-80’s na GT Karakoram, Specialized Stumpjumper or Rockhopper siguro for Retro MTB builds. Pero sa track, definitely would go full vintage NJS build.

Jay Manalaysay
Ano po ang model ng inyong bisikleta (w/ year of release) at bakit ninyo po ito napiling i-restore (para magamit) o i-upgrade ito ng modern parts para maging functional? Ang gamit kong bike ngayong araw ay Trek Mountain Track 1993–1996 (not sure). Actually, any brand ng bike naman na similar sa year model at style, okay naman sa akin.
Ano po ang rason ninyo kaya po kayo ay nag-build ng ganitong klase ng bisikleta? (Ex. Mas mura, mas may style, matibay, trending, functionality/utility, i-showcase ang old look etc.)? Unang-una, yung style niya; pangalawa, matibay din; at siyempre, impluwensya rin ng mga kaibigan. At sa tingin ko, pasok sa style at lifestyle ko yung ganitong klase ng bike. At syempre masarap na meron ding bike, not necessary, pero anytime pwede ka mag-ride mag-isa o may kasama.
Sa tingin ninyo po, bakit ang ibang mga siklista ay pinipili pa rin (o nakikitang kaakit-akit) ang mga old-style bikes kaysa sa new-style bikes na naglalabasan ngayon sa merkado? Para sa akin, meron din talagang mga tao na into old or vintage bikes. Hindi lang para i-keep kundi para ipakita rin na kaya pa ring mag-function at sumabay sa panahon ngayon.


Ano po sa tingin ninyo ang pinaka-importante o mahalagang part/s na dapat i-upgrade sa mga old-style bikes kung pag-uusapan ang safety? Pinakamahalagang parts na dapat i-upgrade sa tingin ko, eh, depende pa rin sa gumagamit. Pero para sa akin, kung safety ang pag-uusapan, mahalaga lang na palaging well-maintained ang bike natin. Lalo na ang mga gears and brakes para sa safety ng bawat biker.
Sa pag-save sa mga bisikletang ito, ano po ang looks na mas prefer ninyo, stylish (pang-showroom) ang itsura o kita ang wear and tear (pagkaluma o bara-bara style)? Bakit? Bale, yung bike ko kasi hindi pa rin siya tapos, at sa tingin ko, walang katapusan ang upgrades; depende na sa gumagamit. Sa akin, naghahalo na ang modern at vintage looks niya. Nagpaplano pa akong maglagay din ng front rack at basket.
Aside sa pag-save ng frame na nabili ninyo, ano pa para sa inyo ang mga parts na gusto ninyong i-keep, kasama ang batalya at bakit? (Ex. Tinidor, quill stem, cockpit, etc.) Siguro frame and fork lang ang i-keep ko sa bike ko na ‘to kasi eto yung pinaka-classic na parts ng bike ko.
Kung may pagkakataon at may budget kayo para sa isang build, ano po ang mas prefer ninyong gawin: neo-retro bike, old MTB na may suspension (with rubber boots), old MTB na may rigid fork o classic road/commuter/ladies? Bakit? Kung may budget, ang gusto ko pa rin ay i-build yung old MTB na rigid fork na may classic looks. Mas mabibili ko lang yung mga specific na parts na gusto kong ilagay.


Arphy Pascua
Ano po ang model ng inyong bisikleta (w/ year of release) at bakit ninyo po ito napiling i-restore (para magamit) o i-upgrade ito ng modern parts para maging functional? 1995 GT Karakoram. Hindi talaga plano ko na lagyan ito ng mga modern parts. Ang original na plan ko ay magbuo lang ng simple or single-speed na bike na pampasok sa trabaho. Nakita ko ‘yung bike at para akong na-love at first sight. Sa Marketplace ko siya nabili, at noong nagkita kami ng seller, biglang siyang nagkuwento ng mga karanasan niya sa bike. May edad na ‘yung seller. Sinabi niya sa akin kung gaano kahalaga ‘yung bike sa kanya at siya raw ang unang owner. Marami raw silang pinagdaanan, at kaya niya lang ibebenta ay hindi na raw niya kayang mag-bike. Naisip ko na imbes na magtipid ako at lagyan ng mga simpleng parts, sinubukan kong gastusin nang kaunti. Nilagyan ko siya ng mga modern parts para mas lalong tumagal at maging komportableng gamitin. Pinakita ko sa kanya ‘yung finished product at tuwang-tuwa siya sa kinalabasan.
Ano po ang rason ninyo kaya po kayo ay nag-build ng ganitong klase ng bisikleta? (Ex. Mas mura, mas may style, matibay, trending, functionality/utility, i-showcase ang old look etc.)? Malaking factor ‘yung style at tibay. Karamihan ng mga bike ko ay 30 years old na o mas matatandang edad. Pinapakita nito kung gaano sila katibay. For me, unique din ang mga style ng mga 90s MTB.
Sa tingin ninyo po, bakit ang ibang mga siklista ay pinipili pa rin (o nakikitang kaakit-akit) ang mga old-style bikes kaysa sa new-style bikes na naglalabasan ngayon sa merkado? Siguro dahil uso rin ito at mas mura kaysa sa mga bagong bike. Pero para sa akin, isa siyang connection sa kabataan ko, eh. Nostalgic siya para sa akin.


Ano po sa tingin ninyo ang pinaka-importante o mahalagang part/s na dapat i-upgrade sa mga old-style bikes kung pag-uusapan ang safety? Depende siguro ito sa budget ng magbubuo ng bike. Kapag limited ang budget mo, ang ipapayo ko ay linisin lang nang mabuti ‘yung bike at palitan lang ang mga cables, brake pads at gulong. Kapag medyo may extra pa, palitan na rin ‘yung bottom bracket at chain. Pero ako, pinapalitan ko lahat to the point na ang original na lang is ‘yung frame at seat post.
Sa pag-save sa mga bisikletang ito, ano po ang looks na mas prefer ninyo, stylish (pang-showroom) ang itsura o kita ang wear and tear (pagkaluma o bara-bara style)? Bakit? Priority ko na mabigyan sila palagi ng magandang itsura, pero may mga times din na gusto ko lang na matapos kaagad ang isang bike. Pero majority naman ng mga builds ko ay maganda naman ang kinalabasan (para sa akin). Pero gusto ko rin minsan na hayaan ‘yung mga gasgas at kalawang para may patina or character ‘yung bike. Battle scars, ika nga nila.
Aside sa pag-save ng frame na nabili ninyo, ano pa para sa inyo ang mga parts na gusto ninyong i-keep, kasama ang batalya at bakit? (Ex. Tinidor, quill stem, cockpit, etc.) Siguro ‘yung crank arms, kasi puwede mo silang lagyan ng narrow-wide chainring. Given na rin siguro ‘yung seatpost at headset.
Kung may pagkakataon at may budget kayo para sa isang build, ano po ang mas prefer ninyong gawin: neo-retro bike, old MTB na may suspension (with rubber boots), old MTB na may rigid fork o classic road/commuter/ladies? Bakit? Sa ngayon, karamihan ng bikes ko ay puro 26er na neo-retro, kaya kung magbubuo ako, iba naman sana. Naiisip kong magbuo ng road bike na i-convert ko sa gravel. Ang gagawin ko ay road bike, ‘yung frame na may malaking clearance para puwedeng lagyan ng gravel tyres. Tapos ‘yung components na ilalagay ko ay pang-MTB na 1X10 siguro. Tingnan natin kung magagawa ko.


Rei Medrano
Ano po ang model ng inyong bisikleta (w/ year of release) at bakit ninyo po ito napiling i-restore (para magamit) o i-upgrade ito ng modern parts para maging functional? Specialized Stumpjumper early 90s model: Naisipan ko itong i-build kasi mahilig ako sa mga old-school na gamit. Gamit din ang mga parts ko sa bin.
Ano po ang rason ninyo kaya po kayo ay nag-build ng ganitong klase ng bisikleta? (Ex. Mas mura, mas may style, matibay, trending, functionality/utility, i-showcase ang old look etc.)? Most of my bikes kasi ay modern-looking, kaya I decided na mag-build naman ng retro bike, para maiba naman, iba rin kasi ang dating ng oldskool pero functional.
Sa tingin ninyo po, bakit ang ibang mga siklista ay pinipili pa rin (o nakikitang kaakit-akit) ang mga old-style bikes kaysa sa new-style bikes na naglalabasan ngayon sa merkado? Nasa lifestyle genre kasi ang Oldskool bikes. Parang di masyadong common at unique talaga siya—head-turner, ika nga.


Ano po sa tingin ninyo ang pinaka-importante o mahalagang part/s na dapat i-upgrade sa mga old-style bikes kung pag-uusapan ang safety? Lahat ng contact points at brakes. Itong sa akin, kahit oldskool frame, naka-hydraulic brakes siya, siyempre, safety first.
Sa pag-save sa mga bisikletang ito, ano po ang looks na mas prefer ninyo, stylish (pang-showroom) ang itsura o kita ang wear and tear (pagkaluma o bara-bara style)? Bakit? Nasa ‘Fashion and Function’ side ako, yung tipong masarap pagmasdan at masarap din sakyan at para ma-enjoy mo rin talaga.
Aside sa pag-save ng frame na nabili ninyo, ano pa para sa inyo ang mga parts na gusto ninyong i-keep, kasama ang batalya at bakit? (Ex. Tinidor, quill stem, cockpit, etc.) Frame at yung early 90s Deore Group set. Period correct kasi siya sa build na ito.
Kung may pagkakataon at may budget kayo para sa isang build, ano po ang mas prefer ninyong gawin: neo-retro bike, old MTB na may suspension (with rubber boots), old MTB na may rigid fork o classic road/commuter/ladies? Bakit? For me, it’s Neo-retro pa rin, iba kasi yung dating nya in terms of overall look; parang may soul pa rin yung bike.


BATJ
Ano po ang model ng inyong bisikleta (w/ year of release) at bakit ninyo po ito napiling i-restore (para magamit) o i-upgrade ito ng modern parts para maging functional? Trek ST 930 (1996), napili ko itong i-upgrade dahil matibay at subok ko na itong gamitin sa malayuang biyahe. Napili ko rin itong lagyan ng mga modernong parts dahil na rin sa impluwensya ng mga builder na nakikita ko sa social media. Saludo ako sa mga taong ito dahil sa kanilang pagiging curious (malamang) sa pagbuo ng napag-eksperimentuhang bisikleta.
Ano po ang rason ninyo kaya po kayo ay nag-build ng ganitong klase ng bisikleta? (Ex. Mas mura, mas may style, matibay, trending, functionality/utility, i-showcase ang old look etc.)? Ang aking rason kung bakit nagbuo ako ng ganitong klaseng bisikleta ay para maipakita ang tibay at functionality ng isang lumang bisikleta. Siyempre, papasok din dito yung murang presyo ng gamit na bisikleta. Kumbaga, kung may magbebenta online ng isang bisikleta na ang presyo, eh, sabihin natin 5k (kasi moderno at bago), tapos may makikita ako na 3 bisikleta sa halagang 5k , siyempre bibilhin ko yung 3 bisikleta as long as gumagana pa ang mga ito at magagamit ko pa ang ibang parts nito kung may masira man sa aking ginagamit na bisikleta.
Sa tingin ninyo po, bakit ang ibang mga siklista ay pinipili pa rin (o nakikitang kaakit-akit) ang mga old-style bikes kaysa sa new-style bikes na naglalabasan ngayon sa merkado? Sa tingin ko, kaya pinipili pa rin nila ito dahil sa old-style looks at functionality nito. Para naman sa akin, napili ko ito dahil din sa old looks nito (lalo na kung papasakan ko pa ito ng modelong parts o kung ano-ano pang bagay para maging ito functional o kakaiba ito) at sa tibay ng pagkagawa nito.
Kung dati, sinasabi na bakit ka may ganyan o hindi tama na may ganyan ka sa bike, e, ngayon, na new era na, hayaan ang malilikot na utak na mag-explore at makapag-isip ng iba’t ibang design o style para i-share ito sa iba pang mga siklista.


Ano po sa tingin ninyo ang pinaka-importante o mahalagang part/s na dapat i-upgrade sa mga old-style bikes kung pag-uusapan ang safety? Uhm, siguro ang una ay gulong, tapos preno. Pero para sa akin, ang pinakaimportante ay ang upuan at gulong. Sa mga 2nd-hand na bisikleta na na-iskor ko na dati, nag-iipon talaga ako para mapalitan at ma-upgrade kaagad ang upuan. Next na ipon naman ay para sa gulong (at inner tube), siyempre prefer ko ang wide tyres tapos preno. Depende pa rin ito sa kung yung bibilhin mo ay usable pa o hindi na.
Sa pag-save sa mga bisikletang ito, ano po ang looks na mas prefer ninyo, stylish (pang-showroom) ang itsura o kita ang wear and tear (pagkaluma o bara-bara style)? Bakit? Wear and tear! Lalo nitong napapakita ang tibay ng bisikleta. Iwas din ito sa mga magnanakaw ng bisikleta. Puwede kasi na sa tingin nila ay wala itong value. Sa karerahan naman sa daan, iisipin nila na luma na ang bisikleta mo at hindi na kayang sumabay sa mga modernong klase ng bisikleta.
Aside sa pag-save ng frame na nabili ninyo, ano pa para sa inyo ang mga parts na gusto ninyong i-keep, kasama ang batalya at bakit? (Ex. Tinidor, quill stem, cockpit, etc.) Tinidor (with rubber boots), basta madali itong baklasin at linisin. O kahit anong unique na itsura ng parte ng bisikleta (kagaya ng stem with shocks etc.)
Sa old suspension kasi, masarap itong kalikutin at linisin. Makikita mo rin sa loob kung paano gumagana yung iba’t ibang parts nito.
Kung may pagkakataon at may budget kayo para sa isang build, ano po ang mas prefer ninyong gawin: neo-retro bike, old MTB na may suspension (with rubber boots), old MTB na may rigid fork o classic road/commuter/ladies? Bakit? Siguro commuter (XL frame, yung magiging maliit ako para sa frame) o ladies-style frame bike na may knobby na gulong, road bike cranks or any X2 na plato (7-8 speed), flare bars wide (not too drop), suspension fork, etc. Basta kakaiba at malaki ang gulong.


Sa isang pandaigdigang merkado kung saan maraming bagay ang lumilitaw na pare-pareho, ang mga neo-retro na style o build (bisikleta man o hindi) ay nagbibigay ng isang natatanging aesthetic na nagpapaunlad ng personal na pagpapahayag at pagiging unique ng isang builder. Para naman sa iba, maaaring ang mga bagay at disenyo mula noong unang panahon ay nagpapakita sa kanila ng masasayang alaala, koneksyon sa mas simpleng mga araw, ugnayan sa mga kuwentong pangkultura (o kaganapan) at romantikong apela.