SINING NG PAGLALAKBAY
ni: Kalipunan
Naging popular na ang pag-travel sa ating bansa gamit ang bisikleta dahil na rin sa motivation ng ibang mga tao (influencer man o hindi) at sa tulong ng mga lokal na bicycle community. At dahil nga sa panahon ngayon, na marami nang gustong ma-feel ang adventure o exploration gamit ang bisikleta, dalawang istilo ng paglalakbay ang nag-emerge sa komunidad na ito, ang bike touring at bikepacking.
Sa mga bicycle adventurers/travellers diyan, malamang sumagi na sa isip ninyo (mag-comment sa SocMed) kung ano ba talaga ang pagkakaiba ng bikepacking at bike touring? Sa sobrang dami kasi ng examples at debate na makikita natin sa internet tungkol sa topic na ito, eh, minsan talaga nakakalito. Kaya nga ako, sumabay na lang ako sa ‘name/term’ para di ma-bully ng mga so-called ‘know-it-all’ master/s haha (pero feeling ko naiintindihan ko na ito, lol).
Ayon din sa iba, sobrang dami ng factors na dapat buksan para maipakita lang ang pagkakaiba ng dalawa. Yung iba naman, sabi, eh, halos pareho lang sila at nakadepende pa rin ito sa kung ano ba ang target mo sa biyahe mo. Sa pagbasa ko ng iba’t ibang comments sa FB/IG mula nang umusbong ang bagong uri o terminology (siguro) ng bicycle travel, naisipan kong tanungin ang ilan sa ating mga kapatid na siklista kung ano ba ang pananaw at opinyon nila sa paksang ito.

Boozedout ng INSTA
Sa inyo pong palagay, ano ang pinaka-specific na failure mode o yung laging nakikitang problema (in terms of accessories na gamit, bags, racks, built-in bolts, etc.) sa pagbi-bike touring at bikepacking? Maaari pong magbigay ng kahit 2-3 halimbawa sa bawat style ng pagta-travel. Nuts and bolts ng mga racks; madalas lumuwag if hindi torqued properly o sadyang maalog lang talaga ang ruta; much better, doblehin ang nut para mag-lock. Drop out/rd hanger; madalas mabaluktot o ma-misalign.
Sa tingin ninyo, uso lang ba (o trending) ang bikepacking o ito na ang bagong era ng touring? Yes, uso siya ngayon; bikepacking has been here for a while na sa Pinas, at dahil sa mga nagsusulputang brands for bikepacking-specific gears/equipment, mas nagiging accessible nang pasukin ng mga bagong enthusiasts (like me) ang bikepacking, and for that reason, at sa huge wave ng mga bagong cycling enthusiasts sa Pinas, I think bikepacking ang bagong era ng touring sa Pinas.


Sa mga tuntunin ng etika ng ‘Leave No Trace’ at ng epekto sa kapaligiran, bakit madalas na pinipili ang bikepacking gear para sa mga sensitibong ruta sa backcountry? Based on my experience sa backcountry, makakapagbitbit ng enough supplies para sa ride na madalas na inaabot ng ilang araw kapag bikepacking ang set-up at mostly ng mga dalang gamit ay reusable/washable. Kung mayroon mang mga basura, madali lang din dalhin palabas since yung bike naman ang nagbibitbit ng load.
Sa inyong palagay, alin ang nagbibigay ng greater sense of adventure? Bikepacking, biketour, o pareho lang pantay? Bakit ninyo po nasabi? Bikepacking, since ang mga ruta ay usually nasa remote location, minsan traversing mountains pa, camping kung saan aabutan ng pagod/dilim at pagbaba ng bundok, tsaka pupuntahan ang mga local tourist spots sa bayan. Kumbaga, kumpletos ang rekados; every ride, lahat ng itch sa makakamot.


Sa mga tuntunin ng pakikipag-ugnayan sa komunidad at social interactions, paano nagkakaiba ang mga karanasan sa pagitan ng mga bikepacker at tourer? Sa pakikipag-ugnayan sa komunidad, may few extra steps lang sa bikepacking; yung ibang ruta kasi kailangan ng permiso, guide at fees para makatuloy. Medyo nalalayo sa bike touring ang search mo ng mga local tourist spots. Then create an itinerary.


Sa social interactions, mas malalim ang nabubuong bond ng mga bikepackers sa isa’t isa, since mas difficult ang setting; nakakasama mo sa hirap, mas matagal na pahinga, mas malalim na kuwentuhan, sharing experience, tanungan ng gamit, tawanan, tulungan. Sobrang layo sa experience ko sa bike touring na usually kong ginagawa nang mag-isa. Tingin ko, kaya ganoon kasi mas madaling humindi kapag bike touring ang aya kasi anytime puwede kang mag-aya niyan, unlike sa bikepacking route, mas mahirap yung setting kaya siguradong magtatagal bago maulit.
Maaari po ba kayong magbigay ng isang pangungusap o kahit isang phrase (base po ito sa inyong opinyon at walang maling sagot) tungkol sa pagkakaiba ng bikepacking at bike touring? Para sa akin ang pinagkaiba nila bukod sa paved road at trails; bike touring/cyclotourism is knowing a city for what it’s locally good for, “ano ba’ng produkto ng syudad na ‘to?”, “Ano-ano ang mga sikat na kainan dito? Museums, parks, historical sites. Tourism on a bike, quite literally. Bikepacking is knowing a city on a deeper level, since mas may kakayahan kang pumunta sa mas remote areas, mas may kakayahan kang mag-stay in a place nang mas matagal, kaya makakasalamuha mo ang iba’t ibang klase ng tao, ma-e-experience mo nang mas maigi kung paano sila mamuhay, makaka-relate ka at makakakuha ka ng mas on-point pov galing sa mga lokal.



M.L. Francisco (marcusltf ng INSTA)
Sa inyo pong palagay, ano ang pinaka-specific na failure mode o yung laging nakikitang problema (in terms of accessories na gamit, bags, racks, built-in bolts, etc.) sa pagbi-bike touring at bikepacking? Maaari pong magbigay ng kahit 2-3 halimbawa sa bawat style ng pagta-travel. The most common issue na laging na-encounter ko sa bikepacking & touring ay ang mounting failure. Either mount sa bags, cages, etc. Last time na nag-tour ako ay sa Panay Island. Naging problema ng mga kasama ko ang saddle bag nila na tumatama sa gulong. Isang problema ay ang bigat ng bag dahil lahat ng gamit doon ay nakalagay, kasi wala siyang handlebar bag na sapat para ma-load ang ibang mga gamit. Yung isa naman ay lumulundo dahil luma na ang clamping ng saddle bag sa seatpost.
Yung recent bikepacking trip from Kibungan na hosted by Cloud Rat Adventure Cycling (Dan Gaffud), may isa akong kasama na nagkaroon ng mounting failure sa kanyang bag na nakakabit sa fork. Kumalas yung bag at kinakain ng front wheel na nag-cause ng aksidente.
Isama ko na rin ang mga kasama ko minsan na underpacked, lalo na sa essentials tulad ng bike tools, extra inner tubes, medicine kit, atbp. Sa akin, hindi nawawala itong mga ito para kung sakaling kailanganin ko at wala akong kasama o kasabay, makaka-survive pa rin.


Sa tingin ninyo, uso lang ba (o trending) ang bikepacking o ito na ang bagong era ng touring? In most cases, talagang kanya-kanyang mood ang ride. Tulad ko, sa ngayon, mas marami ang mga touring ride dahil pangarap kong malibot ang buong Pilipinas gamit ang bisikleta. Sa ngayon, halos tapos ko na ang buong Luzon. Kaunting part na lang ng Luzon ang hindi ko pa napupuntahan. Pero ginagawa ko pa rin ang bikepacking kasi iba rin ang pakiramdam ng ride sa bundok kumpara sa mas maraming kalsada. Ang sarap din kasi mag-camping nang naka-bike.
Marami rin akong kilala na nagba-bikepacking to escape. Sa totoo lang, iba ang dulot ng dalawang disiplina sa mental health ng isang tao. Cliché pakinggan, pero iba talaga ang saya pag nasa bisikleta ka.


Sa mga tuntunin ng etika ng ‘Leave No Trace’ at ng epekto sa kapaligiran, bakit madalas na pinipili ang bikepacking gear para sa mga sensitibong ruta sa backcountry? Sa panahon ngayon, parang hindi na kino-consider yung pagkakaiba ng bikepacking at biketouring gear. Kumbaga, whatever suits your bike, nilalaban pa rin, mapa paved road or trail. Kasi may mga kasama ako sa ride nitong traverse ng Kibungan, mga naka-rack and panniers. Naka-survive naman sila. As long as maayos ang mounting, pyesa ng mga bike, maira-ride mo nang maayos ang bisikleta.
Pero, kung talagang titignan natin hindi hamak na mas maayos ang bikepacking gear sa mga backcountry routes dahil mas efficient ito sa iba’t ibang klase ng trail roads at mas makakapag pack light ka pag ganitong set up ang gamit mo lalo na sa mga mahihirap na daan.
Sa inyong palagay, alin ang nagbibigay ng greater sense of adventure? Bikepacking, biketour, o pareho lang pantay? Bakit ninyo po nasabi? Bikepacking, siyempre, ang may mas malaking sense of adventure. Sa bikepacking kasi, off-road ang daan, minsan walang kasiguraduhan kung saan ang next tindahan, madalas walang signal coverage ang lugar, malayo sa bayan, minsan ang ruta ay isang mahabang stretch ng trail na walang bahay, at marami pang iba. May mga panahon na need niyo mag e-camp kasi gabi na, may mga panahon na wala kayong mabilhan dahil nasa gitna kayo ng kabundukan, minsan ma te-test mo din talaga ang survival skills mo sa iilang panahon. May mga times na makikiusap ka na sa mga locals para sa replenishment tulad ng tubig, power, o minsan food.
Sa touring naman kasi, mostly nasa kalsada ka eh, so madalas, ang lugar na makakapag-replenish ka ng mga need mo, may makakainan ka, fixed ang ruta mo at kalkulado mo na ang mga susunod na tindahan o kainan, and may destinasyon ka at the end of the day. Alam mo na kung saan ka magpapalipas ng gabi, lalo na kapag planned route ito.


Sa mga tuntunin ng pakikipag-ugnayan sa komunidad at social interactions, paano nagkakaiba ang mga karanasan sa pagitan ng mga bikepacker at tourer? Hindi hamak na mas madali ang touring dahil sa dami ng mga komunidad na puwede mong mapuntahan dahil karamihan ng ride portion mo ay paved road, bayan-bayan, at siyudad. Mas madali ang necessities ng traveller kumpara sa bikepacking. Mas lamang naman ang immersion sa kalikasan kapag bikepacking dahil sa dadaanan mong ruta. Bibihira ang dami ng community na madadaanan mo. Mostly, ang style ay self-contained talaga from the beginning; swertihan na lang makapag-replenish or may mabilhan ka along the way. Kapalit naman neto, mas marami kang time na i-enjoy yung nature, yung solitude feeling pag pumapadyak ka, and iba rin yung culture ng mga tao na makakasalamuha mo along the way compared sa mga nakatira sa siyudad. Magiging self-reliant ka lalo na sa bikepacking kasi wala kang kasiguraduhan sa rutang dadaanan mo unless paulit-ulit mo na itong ginawa.
Maaari po ba kayong magbigay ng isang pangungusap o kahit isang phrase (base po ito sa inyong opinyon at walang maling sagot) tungkol sa pagkakaiba ng bikepacking at bike touring? Sa biketouring, ang destinasyon at dami ng napuntahan mo sa bawat ride. Sa bikepacking, ang experience at adventure sa kalikasan ang iyong bitbit.

P.A. Dichoso/Prema Kishos Das (premarides_108 ng INSTA)
Sa inyo pong palagay, ano ang pinaka-specific na failure mode o yung laging nakikitang problema (in terms of accessories na gamit, bags, racks, built-in bolts, etc.) sa pagbi-bike touring at bikepacking? Maaari pong magbigay ng kahit 2-3 halimbawa sa bawat style ng pagta-travel. Una, ang napansin ko lang na problema (di naman lahat), pero sa ibang bag, lalo na pag mga budget bags, e, mabilis itong pasukin ng tubig kahit may kasamang rain cover. Siyempre, hindi naman lahat ay afford na bumili ng mga mamahaling bags for bikepacking/bike touring. Pangalawa sa mga racks naman, kadalasan pag local fabricated ay may mga gawang tabingi at di pantay, pero not a big issue for me, dahil kahit papaano at nagagamit naman ito nang maayos at di naman din ako maselan sa looks ng bike ko, basta tumatakbo ‘yun nang maayos at walang abirya, hehe.
Sa tingin ninyo, uso lang ba (o trending) ang bikepacking o ito na ang bagong era ng touring? Palagay ko naman ay di naman trend at uso ang bikepacking, sa pagkakaalam ko at mga kwento sa akin ng mga tropa at matagal naman na daw yung bikepacking.
Sa mga tuntunin ng etika ng ‘Leave No Trace’ at ng epekto sa kapaligiran, bakit madalas na pinipili ang bikepacking gear para sa mga sensitibong ruta sa backcountry? Palagay ko kaya bikepacking gears ang gamit sa mga ganyang ruta, bukod sa magaan at maliit. Kaya ring i-accommodate ng bikepacking yung mga needs sa travel na ganyan at yung mga gamit na magagaan ikarga sa bike (kung baga, less and dala mo, maaaring less din ang magiging kalat mo).


Sa inyong palagay, alin ang nagbibigay ng greater sense of adventure? Bikepacking, biketour, o pareho lang pantay? Bakit ninyo po nasabi? Pareho lang naman silang pantay para sa akin; ang pinagkaiba lang, yung distansya, lalo na sa bike touring, na pangarap kong magawa balang araw, at sa bikepacking naman ay kadalasan, malapitan lang at hindi multi-day ride. Kaya ko nasabing parehas lang sila, pantay, dahil parehas silang masaya, puno ng adventures at challenges, lalo na sa mga ruta, hehe.
Sa mga tuntunin ng pakikipag-ugnayan sa komunidad at social interactions, paano nagkakaiba ang mga karanasan sa pagitan ng mga bikepacker at tourer? Hindi ko pa nararanasan ang bike touring, so di ko alam ang mga social interactions doon. Ang karanasan ko lang ay sa bikepacking: masaya, ang dami ng makikilalang mga bagong tao, at makakakilala ka rin ng mga taong naka-align sa’yo, yung tipong first meet pa lang, magka-vibes na agad kayo. At madami din akong naging kaibigan sa bikepacking na parang naging kapatid na rin ang turingan, shout out nga pala kay Jimboy ng Pucha isa siya sa mga taong naging kaibigan ko dahil dun.
Maaari po ba kayong magbigay ng isang pangungusap o kahit isang phrase (base po ito sa inyong opinyon at walang maling sagot) tungkol sa pagkakaiba ng bikepacking at bike touring? Bikepacking at biketouring, parehas na masaya ’yan at parehas mong ma-e-enjoy ang mga kapaligiran at tanawin ng mga lugar na mapupuntahan mo.


lowgeardays ng INSTA
Sa inyo pong palagay, ano ang pinaka-specific na failure mode o yung laging nakikitang problema (in terms of accessories na gamit, bags, racks, built-in bolts, etc.) sa pagbi-bike touring at bikepacking? Maaari pong magbigay ng kahit 2-3 halimbawa sa bawat style ng pagta-travel. For touring, I think the most common issues are loose rack bolts, broken spokes from carrying heavy loads, and pannier bags shifting around or rubbing on the wheels. For bikepacking, it’s usually swaying seat packs, frame bags rubbing on the frame, and simply running out of storage space.
Sa tingin ninyo, uso lang ba (o trending) ang bikepacking o ito na ang bagong era ng touring? I don’t think bikepacking is just a trend. To me, it’s more like a modern branch of touring rather than a replacement for it.
Sa mga tuntunin ng etika ng ‘Leave No Trace’ at ng epekto sa kapaligiran, bakit madalas na pinipili ang bikepacking gear para sa mga sensitibong ruta sa backcountry? Bikepacking gear is often preferred on sensitive backcountry routes because it’s lighter, more compact, and generally has less impact on trails and the environment.


Sa inyong palagay, alin ang nagbibigay ng greater sense of adventure? Bikepacking, biketour, o pareho lang pantay? Bakit ninyo po nasabi? I think both offer a great sense of adventure, just in different ways. Bikepacking feels more like exploration and self-reliance, while touring is more about discovering places, people, and local culture.
Sa mga tuntunin ng pakikipag-ugnayan sa komunidad at social interactions, paano nagkakaiba ang mga karanasan sa pagitan ng mga bikepacker at tourer? Touring usually leads to more interactions with locals since you’re passing through towns, cafes, and communities. Bikepacking tends to involve more time in remote areas, so the experience can feel a bit more solitary.
Maaari po ba kayong magbigay ng isang pangungusap o kahit isang phrase (base po ito sa inyong opinyon at walang maling sagot) tungkol sa pagkakaiba ng bikepacking at bike touring? If I had to sum it up in one sentence: “Bike touring is about discovering places, while bikepacking is about discovering the journey itself.”


son_bisnar ng INSTA
Sa inyo pong palagay, ano ang pinaka-specific na failure mode o yung laging nakikitang problema (in terms of accessories na gamit, bags, racks, built-in bolts, etc.) sa pagbi-bike touring at bikepacking? Maaari pong magbigay ng kahit 2-3 halimbawa sa bawat style ng pagta-travel. Sa experience ko, lalo na noong mga una ko, nagiging problema ko yung protection ko sa ulan at lamig. Sa bundok, unexpected yung weather; may part na umuulan, may part na mainit. Halaga rin na planado at nakapag-search sa lugar na pupuntahan at kung gaano katagal ang biyahe, sa ganoon mas mapaghandaan yung mga bagay na MAS kakailanganing dalhin.
Sa tingin ninyo, uso lang ba (o trending) ang bikepacking o ito na ang bagong era ng touring? Sa tingin ko, hindi lang siya uso, kasi noon pa man, marami nang mga grupong gumagawa talaga. Masaya kasi marami nang gumagawa ngayon, tapos matitindi yung mga lugar na pinupuntahan. Nakaka-inspire makakita ng ganoon, kaya rin siguro marami ang nahilig sa bikepacking o touring sa ngayon .


Sa mga tuntunin ng etika ng ‘Leave No Trace’ at ng epekto sa kapaligiran, bakit madalas na pinipili ang bikepacking gear para sa mga sensitibong ruta sa backcountry? Kung sa mga undeveloped areas, mas ginagamit ang bikepacking gears, mostly lightweight pero kumpleto sa lahat ng kakailanganin (same sa mga hiker, kumbaga).
Sa inyong palagay, alin ang nagbibigay ng greater sense of adventure? Bikepacking, biketour, o pareho lang pantay? Bakit ninyo po nasabi? Para sa akin, bikepacking, iba yung pakiramdam na makita yung lugar na hindi naman madalas napupuntahan, maliit na komunidad na tatanggapin kayo para magpalipas ng gabi sa lugar nila, mga mababait na tao na makikilala at mga view na sobra sa ganda.
Sa mga tuntunin ng pakikipag-ugnayan sa komunidad at social interactions, paano nagkakaiba ang mga karanasan sa pagitan ng mga bikepacker at tourer? Sa bike touring, madalas nagtatransient kami, or gasoline station or waiting shed para sa quick nap. Sa bikepacking, ginagawa namin na nakikitulog kami sa barangay hall, police station, city hall , bakanteng lote, or worst, tabing-kalsada, basta merong puno na sasabitan ng duyan.
Maaari po ba kayong magbigay ng isang pangungusap o kahit isang phrase (base po ito sa inyong opinyon at walang maling sagot) tungkol sa pagkakaiba ng bikepacking at bike touring? PAREHAS silang masaya. Sa bike touring, mas mahaba yung kilometrong makakain niyo sa isang buong araw. Mostly, madadaanan niyo ang mga bayan-bayan, so mas madaling mag-refill ng mga kakailanganin (food, water, etc.). Unlike sa bikepacking, hindi mo sigurado kung meron bang tindahan na madadaanan, kaya madalas dala na lahat (food na lulutuin, water , lutuan). Mas maliit din ang kilometrong makakain sa isang araw dahil sa road condition.


bikewrenchph ng INSTA
Sa inyo pong palagay, ano ang pinaka-specific na failure mode o yung laging nakikitang problema (in terms of accessories na gamit, bags, racks, built-in bolts, etc.) sa pagbi-bike touring at bikepacking? Maaari pong magbigay ng kahit 2-3 halimbawa sa bawat style ng pagta-travel. Ang pinakakaraniwang problema, mapa-bikepacking man o touring, ay ang pagluwag o pagkasira ng mga straps at fasteners/bolts sa mga racks at bags. Ang mga straps, kapag hindi nailapat nang maayos, ito ay lumuluwag- sanhi ng pag-alog ng bagay na kinakabitan nito. Minsan, kapag ang gamit na strap ay gawa sa goma at may kalumaan na, ito ay puwedeng maputol.
Sa mga front at rear rack, minsan ay lumuluwag ang mga bolt at fasteners nito kapag matagtag ang rutang iyong tinatahak. Ito ay delikado lalo na kapag ang dinadalang bagahe sa racks ay may kabigatan. Upang maiwasan ang sakunang dulot nitong mga problemang ito, ugaliing suriin ang higpit ng mga bolt at fastener sa inyong mga rack lagi. Kilatisin din ang kalagayan ng mga straps at bags at kung may makita mang deperensya sa mga ito ay agarang bigyan ng lunas.
Sa tingin ninyo, uso lang ba (o trending) ang bikepacking o ito na ang bagong era ng touring? Matagal naman nang may nagba-bike pack. Hindi lang siya siguro naipapakita na uso kasi hindi masyadong nagpo-post ang mga gumagawa nito. Ako mismo, nagsimula lang akong mag-bikepacking noong nakaraang taon (2024) nang naghahanda ako para sa Cebu Divide 2025. Sa tingin ko, kahit na mauso ang bikepacking, hindi ko siya masasabi na bagong era ng touring kasi magkaiba pa rin sila in essence. Hindi lahat ng tao trip mag-camping sa labas, at mas pipiliin na magpaumaga sa gusali na may bubong—at okay lang naman iyon.


Sa mga tuntunin ng etika ng ‘Leave No Trace’ at ng epekto sa kapaligiran, bakit madalas na pinipili ang bikepacking gear para sa mga sensitibong ruta sa backcountry? Assuming na tested and proven na ang bikepacking gear na gamit mo, mas maayos mong maitatawid ang sarili mo sa mga mahirap tawirin at liblib na lugar. Mas maayos na ang paglalakbay; mas maikli ang oras mo sa kanayunan. Kapag mas maikli ang oras mo sa kanayunan, mas maliit ang iyong impact o footprint na maiiwan mo sa lugar.
Ok din na magsaliksik ka muna tungkol sa mga kalidad na bikepacking gear para ito ay tumagal sa iyo, dahil ang gamit na hindi maayos, kapag nasira, ito ay magiging kalat lang.
Sa inyong palagay, alin ang nagbibigay ng greater sense of adventure? Bikepacking, biketour, o pareho lang pantay? Bakit ninyo po nasabi? Sa tingin ko, parehas lang. Naranasan ko nang mag-bikepack at mag-bike tour, solo man o may grupo na kasama. Depende talaga ito sa lugar na inyong pupuntahan at sa mga taong makakasalamuha ninyo sa daan. Naranasan ko na magbutas ng ruta sa lugar na hindi ko pa napuntahan, at naranasan ko na rin bumalik sa isang lugar nang pang-ilang beses na; yung “sense of wonder and fulfillment” na nakukuha dito ay parehas lang din halos at nakadadagdag sa aking karanasan.
Naniniwala ako na “you never come back to the same place twice”. Lahat ng lugar ay nagbabago, tulad ng maraming bagay.


Sa mga tuntunin ng pakikipag-ugnayan sa komunidad at social interactions, paano nagkakaiba ang mga karanasan sa pagitan ng mga bikepacker at tourer? Sa tingin ko, mapa-bikepacker o bike tourer ka, parehas ka na dapat maging sensitibo sa mga alituntunin at customs ng lugar na iyong binibisita. Kailangan mong igalang ang kultura at mga batas bilang isang dayo. Nagkakaiba lang dahil kung ikaw ay bikepacker, kadalasan, dala mo ang iyong tulugan at sa labas ka natutulog, kaya mas nakakalubog ka sa komunidad kung saan ka malapit na mag-camp. Madalas akong natatanong pag nagca-camp ako ng mga lokal, at minsan pag nalaman nila na nagbisikleta ka nang malayo, sila ay nagbibigay ng pagkain at tubig.
Sa bike touring naman, dahil ikaw ay matutulog sa hotel, hostel o homestay, so dun pa lang ang turing sa’yo ng mga lokal ay turista. Ang interactions at karanasan mo dito ay maaaring hindi kasing “unfiltered” tulad ng sa mga nagbi-bikepack.
Maaari po ba kayong magbigay ng isang pangungusap o kahit isang phrase (base po ito sa inyong opinyon at walang maling sagot) tungkol sa pagkakaiba ng bikepacking at bike touring? Sa bikepacking, dala mo lahat ng kagamitan na kailangan mo para maging self-sustained kahit saan ka tumigil at mag-camp. Dala mo ang shelter mo at pagkain, at kadalasan, off-road at liblib ang rutang iyong tinatahak.
Sa bike touring, self-sustained pa rin naman siya, pero ang tutuluyan mong shelter ay hotel, hostel, o homestay. Kadalasan ay mas maraming kalsada sa rutang iyong tatahakin at established na.


Sa paglipas ng panahon, alam natin na ang paglalakbay sa pamamagitan ng bisikleta ay ang ultimate na exercise habang ang mga legs (o katawan) mo ay nagdurusa. Gayunpaman, sa kabila ng kaba, takot at hirap habang nasa biyahe, marami pa rin ang nagmamahal dito at nahuhumaling sa paggawa nito.
Ngayon, maraming gear/s (accessories) na ang lumabas at nagbago, ngunit ang core spirit (essence) ay hindi nagbago; ang sining ng paglalakbay ay napakasaya lalo na kung ikokonekta mo ang iyong sarili sa mga lugar na iyong pinupuntahan at sa mga taong nakatira doon.