Solstice Ride

SWIFT CAMPOUT

ni: Kalipunan

Sa mga nagdaang taon, napatunayan natin na ang pagbibisikleta ay isang paraan upang makalikha ng koneksyon sa ating lipunan na nagbibigay-inspirasyon sa lumalagong eksena na nakatuon sa bike adventure. Naaalala ko pa noong taong 2010 o 2011 ata iyon. Una kong narinig ang bike camping sa mga ka-bisikleta ko sa Bulacan. Nag-overnight camp sila sa Kandila, sa Camanchin (Candle Monument). Hindi ako sure kung lahat sila ay may tent, pero meron silang dalang chicha at inumin ata. Ito na malamang ang una kong kaalaman tungkol sa pag-spend ng gabi sa outdoors gamit ang bisikleta. Sa kabilang dako ng mundo, mayroon ding mga grupo na humihikayat sa mga siklista na gumugol ng isang gabi sa outdoor gamit ang bisikleta. Nagsimula ito sa isang maliit na grupo sa US (Swift Industries) at dahil sa tulong nila, naging taunan na ngang tradisyon ito sa buong mundo sa pagse-celebrate ng solstice. 

Siyempre, hindi tayo puwedeng magpahuli sa mga ganyang event lalo na kung outdoor ito at walang istriktong rules kung anong bisikleta ang gamit mo. Ang mga sumusunod ay ang mga ambag ng kapwa nating mga siklista na sumama (o nakasama na) sa Swift Campout.

Gudo Meister

Bakit ninyo pong piniling sumali sa Swift Campout? Mahilig kasi kami ng misis ko talaga mag-bike touring, bike packing o bike camping. Mahilig kasi ako sa mga classic talaga o retro, so nakita ko ring chance na magamit yung mga bike namin para makajoin sa annual Swift camp. Di talaga namin pinalalagpas na di makajoin sa annual Swiftcamp kahit anong grupo pa yung magpu-put-up ng event dito sa atin sa Pinas. Basta may pagkakataon na puwedeng makijoin, sumasama kami.

Sa inyo pong opinyon, paano sinusuportahan ng Swift Campout ang mga lokal na tindahan ng bisikleta ( o anumang negosyo na may kinalaman sa pagbibisikleta)? Na-advertise kasi nila nang maayos yung mga gamit na pinopromote nila gaya nung mga bike bags na ginagamit sa mga bike camp. Nakakapagbigay din sila ng mga ideya sa mga enthusiasts kung paano ang proper setup at kung paano maging effective ang mga bag na ginagamit. Syempre marami tayong mga local makers ng mga bike bags dito sa Pinas gaya ng Sackit, Stuffwrap, etc. Kapag di afford ang Swift Industries na brand, pwede nating alternative yung mga local brands, ganoon din naman kasi yung mga styles o design ng bags natin dito sa Pinas.

Sa tingin ninyo po, paano ginagawang mas madali ang pag-access ng mga baguhang siklista sa bike camping sa pamamagitan ng Swift Campout? Sobrang hype din kasi kapag annual ang Swift Camp, so maraming grupo yung nagpa-participate sa bike camp event. Then, alam ko, kapag nakikita sa website ng Swift Campout yung mga groups na nag-participate, from there, makikita mo yung mga sumali at mas malalaman mo yung mga spot na pupuntahan nila. Makakapili ka ng appropriate base sa kaya mong puntahan at sa lugar kung malapit sa iyo yung grupong magho-host ng Swift Campout. Madali na rin mag-reach out kasi posted na siya sa mga social media platforms na puwede kang mag-inquire as a joiner. So pag nakajoin ka na, marami kang ma-mi-meet na new friends, tapos magkaka-idea ka na sa mga setups sa pag-bikepacking o camping, mabubudol ka na haha…

Aside sa pagkakaroon ng simpleng adventure at pagse-celebrate ng solstice, ano pa po para sa inyo ang pangunahing layunin ng Swift Campout para sa komunidad ng mga siklista? Siyempre, yung camaraderie, pag naka-join ka kahit saang grupo, makaka-meet ka ng mga bagong enthusiasts sa bike camping, then magkaka-kuwentuhan kayo tungkol sa mga gears, setup, at mga budol sa bike build. Dadami din network mo and sa tuwing may swift campout padagdag lang ng padagdag ang makikilala mo hnggang sa maging at ease kana sa mga makakasama mo every swift campout. Lalawak na network mo sa bike scene at sa bike camp

Kung mayroon man kayong naiisip, ano pa po kaya ang pwedeng maisingit na iba pang activities sa tuwing ginagawa natin ang Swift Campout sa bansa? Ako kasi, ilang groups na rin ang na-joinan ko, so iba-iba sila ng style o program sa pag-host ng Swift campout eh, pero halos lahat naman, masaya yung pag-host ng event. Siguro next time lagyan nila ng mga dance or singing contest, haha… hindi yung puro raffle at bingo lang, haha… Yun lang naman, peace out!

Aeron Lundag (ng IG)

Bakit ninyo pong piniling sumali sa Swift Campout? Sumasali ako sa Swift Campout para makasama ang mga cycling friends ko mag-camping. Para sumuporta sa mga local cycling-related brands na nag-o-organize ng events at para na rin ma-promote ang bikepacking/bike camping culture.

Sa inyo pong opinyon, paano sinusuportahan ng Swift Campout ang mga lokal na tindahan ng bisikleta ( o anumang negosyo na may kinalaman sa pagbibisikleta)? Mas nae-expose ang mga local brands sa mga tamang marketing targets sa pamamagitan ng sponsorships. Personally, bilang isang cyclist na sumasali sa ganitong event. Mas pinipili kong bumili sa mga sumusuportang brands bilang pasasalamat, dahil sa kanila, mas maraming naeengganyong dumalo at sumasali sa culture ng bikecamping/packing or touring sa bansa.

Sa tingin ninyo po, paano ginagawang mas madali ang pag-access ng mga baguhang siklista sa bike camping sa pamamagitan ng Swift Campout? Marami akong nakikilala sa mga ganitong event na mga baguhan at solo lang. Dahil sa mga ganitong events, nabibigyan ng oportunidad yung mga cyclist na walang mga kaibigan o kasama na ma-experience yung culture na ‘to. Mas nakakapag-reach out sila, na nae-expose at natuto sa mga know-how na kailangan sa bikecamping/packing at touring.

Aside sa pagkakaroon ng simpleng adventure at pagse-celebrate ng solstice, ano pa po para sa inyo ang pangunahing layunin ng Swift Campout para sa komunidad ng mga siklista? Bukod sa mga nabanggit, malaki ang naitutulong ng event para magsama-sama ang mga cyclist na may common love sa culture ng bikecamping/packing. Nakakapagbigay din ito ng opportunity hindi lang sa mga bike brands kundi pati sa mga local business kung saan ginaganap ang mga event tulad ng mga simpleng sari-sari store, kainan at iba pa. Nakakapagpalaganap din ito ng mas mabuting imahe para sa pagbibisikleta.

Kung mayroon man kayong naiisip, ano pa po kaya ang pwedeng maisingit na iba pang activities sa tuwing ginagawa natin ang Swift Campout sa bansa? Pwede rin nating i-consider ang pagkakaroon ng outreach tuwing magkakaroon ng mga ganitong event sa mga small communities na malapit sa campsite.

M.E. Ojeda (Redeem Bikes)

Bakit ninyo pong piniling sumali sa Swift Campout? Na-invite ako nung organizer, and available naman sa sched, tapos puro friends pa natin nandoon sa G na.

Sa inyo pong opinyon, paano sinusuportahan ng Swift Campout ang mga lokal na tindahan ng bisikleta ( o anumang negosyo na may kinalaman sa pagbibisikleta)? Siguro isa sa mga magandang epekto nito ay ma-hype silang sumali sa Swift Campout at maengganyong kumpletuhin ang mga kailangan nila para sa bike camping. Sana rin, mas piliin nilang suportahan ang mga local brands sa mga bibilhin nilang gear.

Sa tingin ninyo po, paano ginagawang mas madali ang pag-access ng mga baguhang siklista sa bike camping sa pamamagitan ng Swift Campout? Last time, may mga organizers from different places na nag-host ng Swift Campout sa exact date ng event, tapos meron ding nag-organize a week after. Kaya kung saan ka available at kung saan mo mas gustong sumama, doon ka lang. Yung iba nga naka-dalawang Swift Campout pa.

Aside sa pagkakaroon ng simpleng adventure at pagse-celebrate ng solstice, ano pa po para sa inyo ang pangunahing layunin ng Swift Campout para sa komunidad ng mga siklista? Sa last YouTube content namin, nagkaroon kami ng short discussion tungkol sa bike camping essentials at Leave No Trace (LNT) principles, base sa kanya-kanya naming personal experiences.

Kung mayroon man kayong naiisip, ano pa po kaya ang pwedeng maisingit na iba pang activities sa tuwing ginagawa natin ang Swift Campout sa bansa? Sana ma-promote din yung pre-ride/pre-camp meeting. Tipong, “No pre-ride/pre-camp meeting, no join.” Parang yung culture dati sa traditional climbing na may pre-climb meeting talaga (may Zoom meeting naman na, eh). Sa ganung setup, mas magiging malinaw sa lahat kung ano ang mga dapat i-expect, dalhin, at iwasan. Since bike camping naman ang focus, maganda rin kung may maikling crash course tungkol sa Leave No Trace (LNT) principles para sa awareness na rin, lalo na sa mga first-timers o hindi pa familiar sa outdoor ethics.

Zrcldlpnr ng IG

Bakit ninyo pong piniling sumali sa Swift Campout? Sumali ako dahil first time kong makasama sa ganitong malaking camping event at para ma-experience ang ganitong activities dahil hindi pa ako gaanong nakakasama sa mga ganitong events na napaka-healthy ng community.

Sa inyo pong opinyon, paano sinusuportahan ng Swift Campout ang mga lokal na tindahan ng bisikleta ( o anumang negosyo na may kinalaman sa pagbibisikleta)? Nasusuportahan ng Swift Campout ang mga local bike stores dahil tuwing mayroon nang Swift, naghahanda ang mga siklista, nagre-ready ng mga bags, yung iba bumibili pa ng mga bags, iba nagre-ready ng extra inner tubes, patch kits, iba nagpapa-overhaul ng bike para maging ready at walang magiging problema sa rides. Lahat ng mga ‘yan ay nakukuha nila sa mga local bike shops.

Sa tingin ninyo po, paano ginagawang mas madali ang pag-access ng mga baguhang siklista sa bike camping sa pamamagitan ng Swift Campout? Dahil open ito sa lahat ng siklista, anumang bike mo, anumang build mo, walang criticism sa build mo, at open ito sa lahat, kahit sino puwedeng sumama, pumunta ka man na walang kakilala, sure na uuwi kang may kasabay at may mga bagong tropa.

Aside sa pagkakaroon ng simpleng adventure at pagse-celebrate ng solstice, ano pa po para sa inyo ang pangunahing layunin ng Swift Campout para sa komunidad ng mga siklista? Para sa akin, isa sa mga goal nito ay para sa pagkakaisa ng mga siklista na galing sa iba’t ibang lugar pero iisa ang destinasyon na may iisa ang goal, iisa ang hobby, pinag-iisa rin nito ang maraming siklista na iisa ang hilig at magkakasundo.

Kung mayroon man kayong naiisip, ano pa po kaya ang pwedeng maisingit na iba pang activities sa tuwing ginagawa natin ang Swift Campout sa bansa? Siguro maganda rin na magkaroon pa ng dagdag na mga games sa loob ng Swift Campout na dagdag na engagements ng mga siklista, mini games like wheel spin, bike shows na maraming categories, harmless games pero mag-e-enjoy ang karamihan kagaya ng slow race.

M.L. Gavina (gavinafxd ng IG)

Bakit ninyo pong piniling sumali sa Swift Campout? Actually, first time ko rin pong sumali at sumama sa Swift Campout. Pinaglaanan at pinaghandaan ko talaga dahil ang Swift Campout ay napaka-organisado at pinamumunuan ng mga trusted na tao at grupo sa bike scene.

Sa inyo pong opinyon, paano sinusuportahan ng Swift Campout ang mga lokal na tindahan ng bisikleta ( o anumang negosyo na may kinalaman sa pagbibisikleta)? Napapatibay nito ang tiwala ng mga lokal na mamimili. Hindi na natin kailangang bumili sa ibang bansa dahil sa mga local bikeshop natin ay makikita muna ang hinahanap mo.

Sa tingin ninyo po, paano ginagawang mas madali ang pag-access ng mga baguhang siklista sa bike camping sa pamamagitan ng Swift Campout? Magaling ang humahawak sa Swift Campout dito sa atin. Tulad ng Sackit at Mutual Friends, hindi sila mahirap kausapin. Hindi ka nila titingnan bilang isang siklistang baguhan. Bukas-palad ka nilang tatanggapin bilang isang kapatid sa eksena kahit ano pa ang bisikleta na dala mo.

Aside sa pagkakaroon ng simpleng adventure at pagse-celebrate ng solstice, ano pa po para sa inyo ang pangunahing layunin ng Swift Campout para sa komunidad ng mga siklista? Pinapatibay nito ang samahan ng bawat isa. Hindi lang grupo, pati indibidwal, mas pinapakita nito na marami tayo at iisa tayo ng layunin, kaibigan.

Kung mayroon man kayong naiisip, ano pa po kaya ang pwedeng maisingit na iba pang activities sa tuwing ginagawa natin ang Swift Campout sa bansa? Para sa akin, bitin ang isang araw. Hehehe, siguro gawin natin 2 to 3 days para makilala pa natin ang bawat isa.

Napakalaking tulong talaga ang nagawa at naibahagi ng Swift Campout, hindi lang sa pag-celeb ng taunang event kundi pati na rin sa pagpapakita nito sa mga tao na ang pagbibisikleta ay napakalaking tulong upang kumonekta sa komunidad at kalikasan sa pamamagitan ng kasiyahan ng slow travel.

At dahil nga tradisyon na ito, mas lalo pa nitong binibigyan ng inspirasyon ang napakaraming indibidwal na maglakbay, makipagsapalaran, at maranasan ang lubos na kasiyahan ng paggugol ng isang gabi sa ilalim ng mga bituin, na lahat ay naging posible dahil sa simpleng bisikleta.