TAGPI
ni: D. Santos
Tagpi: Kahulugan; Pagtatapal sa bútas sa pamamagitan ng pag-uugnay sa lahat ng punit nito.(kwfdiksiyonaryo.ph)
Si D. Santos ay isang siklista na may maraming katanungan tungkol sa kanyang kapaligiran. Mga katanungan ay mahirap maintindihan at sagutin kung hindi ito pagtutuunan ng pansin. Dahil sa halo-halong komento at mga pananaw na nakikita niya sa ‘social media’, nakabuo siya ng isang maikling piyesa. Ang komposisyong ito ay mga pinagsama-samang pangyayari, kondisyon at pansariling opinyon upang makabuo ng kapansin-pansin na ideya.
