TOURERO
Taong 2020, nagsimula ang pandemya sa Pilipinas at naging hamon ito sa mga kababayan nating Pilipino. Dahil sa pagkalat ng ‘virus’, marami sa mga establisimyento ang nagsara at nalugi. Bumagsak ang ekonomiya, humina ang mga negosyo at marami ang nawalan ng trabaho. Ngunit sabi nga nila, kailangan mong gumawa ng paraan upang maipagpatuloy ang malusog na pamumuhay. Isa na dito ang may-ari ng Tourero (explore your limits) na sinubukan ang paggawa ng mga bicycle bags na ‘trending’ ngayon sa ating bansa. Ang pagtatayo ng maliit na negosyong ito ay naging paraan niya upang masuportahan ang kaniyang pamilya sa panahon ng pangangailangan. Para sa mga, simple at ‘mimimalist’ ang istilo ng paglalakbay, maaari ninyong tignan at subukan ang kanilang mga disenyo.


Tour-ero (touring), ito ang napili nilang pangalan ng negosyo para sa mga taong mahilig gumala gamit ang kanilang bisikleta. Simpleng disenyo, ‘straightforward’ at masasabi ko sa kalidad ng kanilang mga gawa ay napakahusay. Dahil baguhan pa lamang sa pagpapatakbo ng negosyo at pananahi ng mga bags, maraming naging pagsubok ang Tourero bags.
Binanggit nila na ang paghahanap ng materyales ang una nilang naging pagsubok dahil na rin sa kagustuhan nilang gumamit ng magandang klaseng tela para sa kanilang mga proyekto. Ang kasanayan sa pananahi at pagtatabas ng tela ay isa rin sa kanilang mga pagsubok, ngunit nang tumagal, naging kampante na rin sila sa kanilang paggawa ng mga bags. At ang panghuli, ay ang pagbebenta ng mga produkto (dahil na din sa kakulangan sa istilo at disenyo).
Nagtanong din ako tungkol sa pananaw nila sa recyclable na produkto at ito ang kanilang naging tugon: ‘Maganda ang recycle kasi nakakatulong ito upang mabawasan ang basura sa bansa.’ Nabanggit din nila na sa ngayon, wala pa silang produkto na galing sa recyclable na materyales. Napaisip ako na maaaring sa darating na panahon, makapag-disenyo sila ng ‘sustainable’ na produkto at ibahagi ang prosesong ito sa iba pang maliliit na negosyo sa bansa.




Dahil na rin sa tiwala sa sarili, naging matagumpay ang kanilang layuning makapag-produce ng mga kalidad na bicycle bags. Sa ngayon, sinabi nila na may mangilan-ngilan na plano ang kanilang pinaghahandaan para sa negosyo. Ito ang makagawa ng iba pang disenyo, makahanap ng magandang materyales, at higit sa lahat, makahanap ng reseller. Kung may katanungan sa kanilang negosyo, maari ninyo silang kontakin sa kanilang FB account (Tourero Bags and Apparel)