TIRES AND SURFACE
Ang paggamit ng tarp bilang panangga sa mga natural elements ay isa lamang sa mga epektibong paraan upang maging masaya ang magiging karanasan natin sa outdoor. Isa rin itong minimalist style na maaaring maging shade/shelter sa tuwing tayo ay mag-ca-camp sa paborito nating mga campsites. Mapa-car, motor or bike camping, ang paggamit ng bagay na ito ay subok na lalong-lalo na sa mga weight weenies enthusiasts at sa mga gusto lamang magkaroon ng extra na proteksyon laban sa ulan. Isa ang Tires and Surface sa mga maliliit na negosyo na gumagawa ng solid na tarp. Halina at basahin natin ang kanilang istorya kung papaano sila nagsimula at nakapag-ambag sa eksena ng camping sa bansa.


Nagsimula ang paggawa nila ng tarp shelter noong late 2019. Sabi nila na noong una, ay para lamang sa pansariling gamit nila ito sa tuwing aalis at nag-eexplore sila trail. At dahil na rin sa hilig sa outdoor at hammock camping, nagdesisyon na nga sila na gumawa ng pailan-ilan at i-alok ito sa outdoor market taong 2020. Tires and Surface ang unang pangalan ng kanilang small brand. Ibinase nila ito sa pangalan ng gulong ng bisikleta. “Kumbaga, I want to explore anywhere using my bike, any place, any surface,”, banggit ng may-ari. Lately, binago na nila yung pangalan (Tires and Surface Outdoor Experience) at dinagdagan ito para mas specific at hindi ito ma-compare sa brand name ng bicycle tires.




Binanggit din ng may-ari na isa sa mga paborito niyang na-encounter sa paggawa ng mga outdoor products nila ay ang pagtatanong ng mga minimalists camper at mga car campers sa Pinas. Dahil dito, may mindset/goal siya na palawakin pa ang kanilang negosyo, para mas marami pang gumamit at maging aware pa ang ibang tao tungkol sa gamit ng Tarp Shelter. Pero syempre, ang mga challenges ay hindi basta-basta mawawala katulad ng paulit-ulit na trial and error bago ilabas yung produkto. Sinabi rin ng may-ari na challenging ang paggawa ng tarp dahil madaming dapat i-consider, lalo na ang waterproofing. Dagdag pa nila, kailangan gamitin nang paulit-ulit sa outdoor, maglaan ng oras para mag-overnight kahit tag-ulan para lang makita mo yung puwedeng maging downside ng produkto mo. Dinagdag din nila na kanilang opinyon/thought sa sustainable materials ay – maganda ang layunin, maiiwasan ang mga disposable o mga single use na gamit, less thrash.




Ang plano nila in the future ay madagdagan pa ang kanilang ilalabas na produkto. Yung saring gawa, sariling craft talaga at hindi lamang rebranded. Kung nais bumili at magkarron ng kaalaman tungkol sa kanilang mga tinda, maari silang kontakin sa kanilang FB at Instagram account @ tires.and.surface