UNANG TRAIL SA LUNGSOD
ni: BATJ
Marami marahil sa atin ang excited kung magkayayaan ang tropa magbisikleta sa weekend. Ito yung tipong 3 oras bago magsimula ang ride ay gising na at hindi na makatulog. Mayroon din namang hindi nagising o pilit na hindi magising dahil sa layo ng pupuntahan. Sa aming probinsya sa Bulacan, sisikad ka muna ng ilang oras bago marating ang gitnang parte ng Sierra Madre. Sa katunayan, kung hindi ka talaga excited, tatamarin ka na lang sumama dahil tiyak wasak ka na bago ka pa lang magsimula sa trail. Para maiwasan ang katamaran at ang pagdadalawang-isip, ako kasama ang aking tropa (HS classmates/ka-bisikleta) ay nagsimulang magbuo ng ruta na hindi ganoong kalayo sa aming lugar. Tinawag namin itong Single-Track.
Ang Single Track route ay binubuo ng mga shortcut, eskenita, riles, viaduct, pilapil, footpath, tulay, historic site, luma at bagong mga daan. Ang rutang ito ay pinagsama-sama para humaba at ma-feel ang challenge na nararanasan ng mga mahilig mag-trail sa bundok o yung mahilig mag-long travel. Sa ruta ring ito, may mga entry at exit point din na kabilang para kung may biglaang hihiwalay o hindi kukumpletuhin ang ruta, e mabilis silang makakapag-adjust humiwalay. Makikita sa ibaba ang entrance/exit point ng Single Track, kasama ang mga nahalukay na litrato 2007-2012 (yung ibang litrato ay malabo) ng naturang ruta.

Nagsisimula ang rutang ito sa Mcdo o sa 711/Caltex (original na meeting place) malapit sa BSU, usually 5am, or kung medyo maliwanag na. Babagtasin ang mga shortcut na daan sa Malanggam at Bulihan hanggang sa makatawid sa isang maliit na sasahan sa Paombong. Pagkatapos nito, papadyakan naman ang daan sa Pinaglagdan (may 2 ruta dito) hanggang makarating sa dulo ng Iba Road gamit ang Abulalas HB. Susunod naman ay ang pagtawid sa Mac Arthur Highway papuntang Calumpit hanging bridge tapos diretso sa ilalim ng Candaba Viaduct para makalusot pabalik sa Malolos via Rueda-Balite o Lugam road.








Sa rutang ito, madadaanan din ang Batibot Farm na pwedeng tambayan. Kung bitin sa trail at nakukulangan pa sa challenge, maaaring dumaan sa riles ng tren (na may mga private property) pabalik ng Mcdo. Sa ngayon, hindi na uubra ang rutang ito dahil naitayo/tinatayo na ang Malolos-Clark Railway project.


Kung maaga pa at gusto pang mag-extend ng ride hanggang gabi (o night ride), pwedeng-pwedeng dumiretso sa Gov. Padilla Road (papuntang Plaridel) at kumanan sa patubig (irrigation) para makarating sa Bustos Dam via Tabang River (dan sa gilid ng ilog). Pagkatapos sa Bustom Dam, diretso ang ruta papunta sa Cacarong pababa ng Guiguinto (Northrail)-Tabang-Bangkal at pabalik ng Malolos.





Sa ngayon, hindi na accessible ang North Rail dahil sa tinatayong railway project. Wala ring kasiguraduhan kung buhay pa ang mga shortcut sa Guiguinto (via kangkungan sa gilid ng Tabang River). Ang maikling ruta (Malolos-Calumpit-Viaduct-Malolos) ay may layong 38 km at ang kabuuang ruta naman (Malolos-Calumpit-Viaduct-Malolos-Plaridel-Bustos-Cacarong-Guiguinto-Tabang-Bangkal-Malolos) ay may layong 101 kms. Ang rutang ito ay para lamang sa mga gustong makalayo sa realidad at tamang pang-chill ride lang para sa tropa.