Utilitaryo

UTILITARYO

ni: Kalipunan

Nakasanayan ko na ang paggamit ng rear rack sa tuwing bumibiyahe ako nang malayo dito sa atin. Gym bag na kunwari ay trunk bag, bum bag (minsan) at Exustar stem bag para naman sa mapa/pera o cellphone. Ilang taon din nanatili ang set-up ko na ito dahil wala akong naging problema habang binabagtas ang magagandang lugar sa Norte. Ngunit kahit okay na sa porma, marami pa rin akong naisip na set-up para sa aking bike. Sa katanuyan, nag-drawing pa nga ako ng bag na maaaring gamitin na pang all-rounder (2010).

Lumipas ang mga taon, kakapanuod at kakatingin ng mga touring/packing set-up, natanong/sinabi ko ulit sa sarili ko na ‘parang may kulang’. Naisip ko na naman tuloy kung ano ba ang okay na style sa pagbiyahe nang malayo (para maging efficient ang magiging biyahe). Well, alam naman natin na ang sagot ay naka-depende ito sa iyong pupuntahan. Kasama rin sa mga factors ay kung ilang araw ka mawawala at kung straight bike ka lang ba o may iba ka pang planong outdoor activities. Kaya imbes na itanong ang ‘the best’ set-up, nagtanong na lang ako sa mga tropa kung ano ba talaga ang paborito nilang set-up sa tuwing may pinaplano silang ride. 

Para kay Nilo Estrella, ito ang kanyang naging sagot sa mga tanong tungkol sa topic.

1. Kung hindi pag-uusapan ang layo at ang terrain, ano ang pipiliin ninyong set-up sa pag biyahe, strap on/bolt on na bags o yung rack with pannier bags? Bakit?

Opinyon o pananaw: For a more versatile setup, I’d go with the rack and pannier bags (comfort and convenience). They provide improved stability and weight distribution, making them perfect for lengthy excursions. Panniers also offer simpler access and organization than strap-on baggage. Furthermore, they are more weatherproof, which is useful in different scenarios.

2. Ano sa tingin ninyo ang pros and cons ng minimalist style set-up?

Pros: Carrying less gear reduces weight, allowing for easier handling and faster rides. Simplicity, or having fewer goods, can result in a more straightforward packing process and less time spent on logistics. Versatility and a minimalist approach frequently foster inventive ideas and flexibility on the road. Cost-effective; you may spend less on equipment since you prioritize necessities over desires.

Cons: Limited comfort; a long journey might be more difficult with fewer amenities, especially if you forget to bring something. Storage Issues; with limited room, you may struggle to carry vital equipment or supplies on longer travels. Increased Planning: You’ll need to think carefully about what to bring, which can be stressful and time-consuming. Potential for Lack of Variety: Limited equipment may limit your ability to adjust to changing situations or activities.

3. Ano naman sa tingin ninyo ang pros and cons ng traditional non-minimalist set-up?

Pros: Comfort and Convenience: carrying more stuff offers a more comfortable experience by providing access to creature comforts such as cooking equipment or extra clothing. Versatility allows you to be prepared for any eventuality, such as poor weather, extended durations without facilities, or changes in your itinerary. Greater Storage: having more bags and storage options allows you to bring extra supplies, food, and gear for various activities. Reduced Stress; having the correct tools and comforts can make travel easier and more pleasurable.

Cons: Increased Weight; carrying more gear can lead to a heavier load that affects speed and maneuverability. Complex Packing: More items mean more time spent organizing and packing, which can complicate logistics. Higher Costs; you may end up spending more on gear, as well as on food and supplies during your travels. Potential for Overpacking; it’s easy to fall into the trap of bringing unnecessary items, leading to clutter and inefficiency.

4. Ano ang paborito ninyong accessory (bag) na ginagamit ninyo habang kayo ay nagbibisikleta?Bakit?

Opinyon o pananaw: Since I have a family that understands how to make bags, I choose to use a bespoke bag (Frame bag) and a China-made water-resistant bag that is less expensive than branded bags but does the job.

5. Kung meron man, may naiisip ba kayo ng style o disenyo ng bags na magiging mainam o useful para sa iba pang siklista? Maaari pong ibahagi ang inyong ideya.

Opinyon o pananaw: Interchangeable Compartments; users can tailor compartments to their unique needs for a journey (for example, food, clothing, or electronics). Expandable Capacity; perfect for longer excursions or carrying extra stuff. A lot of these ideas are already on the market. It simply depends on your budget.

6. Ano sa tinging ninyo ang estado o lagay ng bag manafucturer (for cycling) kumpara sa iba pang manufacturer sa kabilang panig ng mundo.

Opinyon o pananaw: Although other high-quality and special brands are also accessible in our markets, their prices are significantly more than those of the more affordable (manufactured in Asia) products that are nevertheless effective.

7. Advise sa mga naguguluhan kung anong set-up o style ang dapat gawin para mas epektibo at kaaya-aya ang pagbiyahe gamit ang bisikleta.

Think About Your Budget; find solutions that meet your budget while investing in long-lasting, high-quality equipment. To save money, look for deals or used equipment. Trip Type: Consider if you want to bikepack, tour, or commute. And before investing in your own (expensive) equipment, experiment with several setups first.

Basahin naman natin ang simpleng mga sagot na ibinigay ni Mel Araneta.

1. Kung hindi pag-uusapan ang layo at ang terrain, ano ang pipiliin ninyong set-up sa pag biyahe, strap on/bolt on na bags o yung rack with pannier bags? Bakit?

Opinyon o pananaw: Strap dahil madali itong ikabit

2-3. Ano naman sa tingin ninyo ang pros and cons ng traditional non-minimalist set-up?

Pros at Cons: Minimalist set up konti lng dala/ traditional set-up maraming namang dala

4. Ano ang paborito ninyong accessory (bag) na ginagamit ninyo habang kayo ay nagbibisikleta?Bakit?

Opinyon o pananaw: Ukay finds na galing din sa nagbabikepacking na oner ng ukayan(no brand)

5. Kung meron man, may naiisip ba kayo ng style o disenyo ng bags na magiging mainam o useful para sa iba pang siklista? Maaari pong ibahagi ang inyong ideya.

Opinyon o pananaw: Sunbrella fabric gamit sa ooning sa mga yate mas matibay kasi waterproof

6. Ano sa tinging ninyo ang estado o lagay ng bag manafucturer (for cycling) kumpara sa iba pang manufacturer sa kabilang panig ng mundo.

Opinyon o pananaw: Matibay pa din ang gawang abroad at tested na sa 4 season na bansa

7. Advise sa mga naguguluhan kung anong set-up o style ang dapat gawin para mas epektibo at kaaya-aya ang pagbiyahe gamit ang bisikleta.

Hindi porket branded matibay na. Kailangan pa rin iangkop sa weather ang pupuntahan o dadalhin mo. Mas mainam pa rin na waterproofing lahat ng gamit.

Kung si James Brian Santos naman ang tatanungin, isa lang ang kanyang prefer na set-up.

1. Kung hindi pag-uusapan ang layo at ang terrain, ano ang pipiliin ninyong set-up sa pag biyahe, strap on/bolt on na bags o yung rack with pannier bags? Bakit?

Opinyon o pananaw: Rack with panniers for volume and weight capacity

2. Ano sa tingin ninyo ang pros and cons ng minimalist style set-up?

Pros: Reliability, ease of setup, weight, and aerodynamics. Cons: I’ll try to find out hahaha

3. Ano naman sa tingin ninyo ang pros and cons ng traditional non-minimalist set-up?

Pros: Unique and timeless classic appeal Cons: Expensive and hard to find parts/accessories.

4. Ano ang paborito ninyong accessory (bag) na ginagamit ninyo habang kayo ay nagbibisikleta?Bakit?

Opinyon o pananaw: Frame bag and any bag that will serve its purpose in bikepacking, consider the waterproofing (kung hindi naman waterproof, dapat may rain cover), weight at volume capacity din ang lagi kong tinitignan.

5. Kung meron man, may naiisip ba kayo ng style o disenyo ng bags na magiging mainam o useful para sa iba pang siklista? Maaari pong ibahagi ang inyong ideya.

Opinyon o pananaw: Quick-release bolt/strap-on waterproof bags (e.g., Rhinowalk/Ortlieb)

6. Ano sa tinging ninyo ang estado o lagay ng bag manafucturer (for cycling) kumpara sa iba pang manufacturer sa kabilang panig ng mundo.

Opinyon o pananaw: Expensive

7. Advise sa mga naguguluhan kung anong set-up o style ang dapat gawin para mas epektibo at kaaya-aya ang pagbiyahe gamit ang bisikleta.

Search, ask, and visualise your set-up. Settle for a cost-effective means of building your rig. If the product falls short of your expectations or performance, learn to improve and adapt. You can never go wrong with waterproof bags. They are lightweight, easier to clean and dry, and foldable. Consider also the weight and volume capacity, the stability and reliability of your set-up (most of the time, experience with the product is the best teacher).

Kung si Ronald M. naman ang magbibigay ng opinyon, ito ang kanyang naging tugon sa paksa.

1. Kung hindi pag-uusapan ang layo at ang terrain, ano ang pipiliin ninyong set-up sa pag biyahe, strap on/bolt on na bags o yung rack with pannier bags? Bakit?

Opinyon o pananaw: Dati nung nasa Iloilo pa ako, kung bike to work ako ang set-up ko ay naka-pannier or basket lang around 45-50km balikan depende sa route twice a week ko ginagawa yun. Dito sa Manila, twice a week din, pero naka-basket na ang set-up ko.

2. Ano sa tingin ninyo ang pros and cons ng minimalist style set-up?

Opinyon o pananaw: Pros kung ano lang talaga ang need mo yun lang dadalhin magaan sa biyahe advisable para sa akin uung overnight na camp or touring.

Cons dahil sa sa minimalist set-up hindi advisable for multi-day ride unless cowboy ka.

3. Ano naman sa tingin ninyo ang pros and cons ng traditional non-minimalist set-up?

Opinyon o pananaw: Pros: lahat ng gusto mong dalhin at gamit, swak doon; yun lang, mabigat, pero basta enjoy at comfortable ka sa set-up mo.

4. Ano ang paborito ninyong accessory (bag) na ginagamit ninyo habang kayo ay nagbibisikleta?Bakit? Saddle bag, kahit ano, puwedeng isalpak na gamit.

5. Ano sa tinging ninyo ang estado o lagay ng bag manafucturer (for cycling) kumpara sa iba pang manufacturer sa kabilang panig ng mundo.

Based sa experience, yung local brands natin ay magaganda and quality ang materials, sumasabay sa international brands, at affordable ang mahal kaysa sa mga international brands.

7. Advise sa mga naguguluhan kung anong set-up o style ang dapat gawin para mas epektibo at kaaya-aya ang pagbiyahe gamit ang bisikleta.

Iba-iba tayo ng style sa pag-ride, basta sa akin kung saan ka masaya, go lang. Any bike, any set-up, basta enjoy ang ride.

Para naman sa aking opinyon at base na rin sa aking karanasan, ito ang aking mga iniambag.

1. Kung hindi pag-uusapan ang layo at ang terrain, ano ang pipiliin ninyong set-up sa pagbiyahe, strap on/bolt on na bags o yung rack with pannier bags? Bakit?

Opinyon o pananaw: Para sa akin, pareho ko silang gusto, pero mas mag-work sa akin ang set-up na may pannier bags (mini). Dahil may nararamdaman na ako sa aking kamay, mas gusto ko na lang ay clip/unclip at easy access na lang sa paglagay at paghahanap ng gamit sa bag. Okay lang naman din sa akin ang straight strap-on o mixed na set-up basta lang lahat ng gamit ko ay magkakasya. 

2. Ano sa tingin ninyo ang pros and cons ng minimalist style set-up?

Para sa akin, ang cons ng minimalist set-up ay kaunti ang mailalagay mong gamit (depende ito kung hindi bulky ang dala mo) at talagang essentials lang ang dapat mong dalhin. May pagkakataon din na hindi mo agad mapapagkasya ang gamit mo sa unang try pagkatapos mong mag-camp overnight. Speed, madaling i-access sa technical route at control naman para sa kalamangan ng style na ito.

3. Ano naman sa tingin ninyo ang pros and cons ng traditional non-minimalist set-up?

Pros ng traditional set-up ay marami kang space para sa iyong gamit at pagkain. Madali ka ring mag-pack at mag-unpack ng iyong mga gamit. Hindi rin basta-basta umaangat ang unahang gulong sa tuwing aahon ka sa matarik na kalsada. Stable rin siya kung mag-DDH ka sa paved o maintained na gravel road.

Ang downside na naman sa set-up na ito ay mahirap kontrolin sa single track (dahil sa mga pannier bag). Nakakaubos din ng lakas ang set-up na ito (kung front and rear bag ang dala mo) lalo na kung ikaw ay papadyak ng paahon sa isang dirt/gravel route. 

4. Ano ang paborito ninyong accessory (bag) na ginagamit ninyo habang kayo ay nagbibisikleta?Bakit?

Opinyon o pananaw: Stem bag para sa aking snacks at top tube bag naman para sa mobile/camera (o vice versa). Easy access kung kailangan kong gamitin kaagad ang mga gamit na ito.

5. Kung meron man, may naiisip ba kayo ng style o disenyo ng bags na magiging mainam o useful para sa iba pang siklista? Maaari pong ibahagi ang inyong ideya.

Opinyon o pananaw: Bags na nakakabit sa bisikleta (strap on) na pwedeng pag-isahin lahat (via velcro/zip o strap) upang maging isang rucksack. Siyempre, dapat waterproof din ito, magaan at may small beacon na naka-install. 

6. Ano sa tinging ninyo ang estado o lagay ng bag manafucturer (for cycling) kumpara sa iba pang manufacturer sa kabilang panig ng mundo.

Opinyon o pananaw: Marami na rin ang mga makers ng mga accessories (bag/others) sa Pilipinas at masasabi kong kayang-kaya nilang makipagsabayan sa ibang bansa. Hindi nga lang ako maka-score ng bag (na gawa sa atin) dahil mahal ang magiging shipping cost (abroad) at maaaring ma-delay o hindi ko matanggap ang produkto sa tamang oras.

7. Advise sa mga naguguluhan kung anong set-up o style ang dapat gawin para mas epektibo at kaaya-aya ang pagbiyahe gamit ang bisikleta.

Ang aking advice ay maghanap muna ng bisikleta (kung wala pa) na aangkop sa katawan ninyo (magpa-bike fit kung kinakailangan). Kung kampante o comfortable ka na sa bike na gagamitin mo, manghiram sa tropa ng mga bag o rack at i-try ng kahit isang araw kung sasakto ba sa iyo ang ganoong setup. Tandaan na kahit anong set-up (minimalist man o traditional) ay siguradong may magiging ups at consequences na mapapansin. Mag-experiment din kung anong style (all-rounder) ang magiging swak sa’yo kung ikaw ay magbibisikleta.

At para sa naman sa huling nag-ambag ng kanyang opinyon, narito si Chatru Estilo o the_urstoff ng Instagram.

1. Kung hindi pag-uusapan ang layo at ang terrain, ano ang pipiliin ninyong set-up sa pagbiyahe, strap on/bolt on na bags o yung rack with pannier bags? Bakit?

Opinyon o pananaw: Rack with pannier. Pwede mong pagpalit-palitin ang mga bags. Minsan pwede sa harap, minsan trip ko sa likod naman, etc.

2. Ano sa tingin ninyo ang pros and cons ng minimalist style set-up?

Pros: siyempre magaan. Cons: kelangan mong mamili ng tama lang. 

3. Ano naman sa tingin ninyo ang pros and cons ng traditional non-minimalist set-up?

Pros: pwede mo dalhin lahat. Ika nga, kahit ref pwede mo dalhin. Cons: mabigat. 

4. Ano ang paborito ninyong accessory (bag) na ginagamit ninyo habang kayo ay nagbibisikleta?Bakit? Gusto ko ay mga local brands sa bag.

Opinyon o pananaw: Lahat ng panniers ko ay gawa ng Stuff Wrap. Pero lately, bumili ako ng Brooks na top tube at saddle bag para katerno ng handle wrap at saddle.

5. Kung meron man, may naiisip ba kayo ng style o disenyo ng bags na magiging mainam o useful para sa iba pang siklista? Maaari pong ibahagi ang inyong ideya.

Opinyon o pananaw: Sana yung may built-in na usb port na waterproof. Mahalaga ito para hindi mo na kailangang idaan sa main opening ng bag.

6. Ano sa tinging ninyo ang estado o lagay ng bag manafucturer (for cycling) kumpara sa iba pang manufacturer sa kabilang panig ng mundo.

Opinyon o pananaw: Di hamak na kalidad at magagamda ang local brands. Pwedeng-pwede makipagsabayan sa international brands. Halimbawa ay Stuff Wrap. Sobrang solid ng gawa nila.

7. Advise sa mga naguguluhan kung anong set-up o style ang dapat gawin para mas epektibo at kaaya-aya ang pagbiyahe gamit ang bisikleta.

Pag-isipan kung ano ba talaga ang nakakapagpasaya sa iyo habang nagbi-bike. Gusto mo ba ang short rides na puro ahon, mabilisan o karera o chill lang at malayo ang nararating? Gusto mo kalye at lansangan ng lungsod, sa mga tago at bukirin o mga bundok at trail?

Ngayon, kahit sigurado na ako sa aking set-up, hindi ko pa rin maisasantabi ang mga salitang; dapat pala ay ganito; gusto kong subukan iyon; kailangan ko nito at next time bibili ako nito. 

Hindi ko alam kung anong karisma ang ginagawa ng manufacturers (bag/accessories, etc.) para bumili ako ng kanilang produkto. Siguro dahil sa reliability, functionality at innovation, kaya naaadik akong subukan ang mga bagay na ito. Resulta? Ubos ang ipon (pero masaya).