YAKANG-YAKA!
ni: Kalipunan
Ilang beses na rin sumakit ang leeg ko sa kakalingon sa mga fat bike na ‘yan tuwing may nakikita akong mga siklista na gamit-gamit ang mga ito sa aming lugar sa Bulacan. Straight agad ang titig ng aking mga mata sa mga gulong nito, at talaga namang nakakaaliw ito. Hindi rin mawawala ang inggit na aking nararamdaman sa mga taong gumagamit nito, kaya nangarap ako na balang araw ay magkaroon din ako nito (pang-cool at experimental riding lang).Â
Makalipas ang 20 taon, wala pa rin akong swerte. Dumoble na ang sakit ng leeg at ang titig… hanggang doon na lang talaga siguro. Matagal nang nakalista ang topic na ito sa diary ko. Kaya naman napag-isip-isip ko na i-open na ito, dahil base na rin sa mga nakikita ko sa SocMed, parang naging trend at normal na lang ang paggamit ng fatbike sa ating bansa.
Nagtanong-tanong ako sa mga random na siklista sa FB tungkol sa topic na ito at baka sa pagbabasa ng kanilang mga sagot ay mapabili na ako ng ganitong klase ng bike kahit pricey lol.
D.P. Beltran
Bakit ninyo po napili ang fat bike (pangbiyahe) at ano po ang pagkakaiba nito sa mga bisikletang hindi ganoon kalakihan ang width ng gulong? Kasi po unique, kakaiba siya, head-turner!
Kailangan pa po bang mag-adjust ang isang taong first time pa lang na susubok ng fat bike? Kung oo, sa paanong paraan po? Yes, need mag-adjust kasi hindi siya madali, lalo na’t mabigat siya.


Kailangan po ba ng special na trails sa paggamit ng fat bike o kahit anong klase ng trail ay puwedeng isabak? Kahit saan po puwede siyang all-in-one.
Kung papapiliin po kayo sa dalawang option, ano po ang pipiliin ninyo at bakit? Bike touring (pavement riding) gamit ang fat bike or b. Off-road touring (trail riding) gamit ang fat bike? Both
Mahirap po bang ipadyak ang fat bike uphill o halos pareho lang sa ordinaryong bisikleta? Sanayan lang po, lalo’t gamay muna po ang fatbike basic na ang ahon.
Ano pong specs ang pinakaimportante na dapat i-maintain o tingnan bago bumili ng fat bikes? Group set po.


Kung meron man, ano pong experience/s ninyo na hindi ninyo makakalimutan noong una kayong gumamit ng fat bike? (Ex. nabutasan ng gulong, nasiraan ng pyesa etc.) Noong bagyo sa amin, umapaw ang tubig ng ilog. Taga-Marikina po kasi ako, and then siya yung naging salbabida or floating device ko, hehehe, kaya safe all-in-one talaga, lol.
Ano po ang mga benepisyo sa inyo sa paggamit ng fat bikes? Exercise, endurance, balance.


I.H. Haguring
Bakit ninyo po napili ang fat bike (pangbiyahe) at ano po ang pagkakaiba nito sa mga bisikletang hindi ganoon kalakihan ang width ng gulong? Kasi malaki, mabigat siya; may laban pag na-overtake ng bus at truck. Alam mo ’yon? Yung hangin, paglagpas sa’yo, malaki, mabilis ang sasakyan… Advantage pa ang malaking gulong sa off-road at sa mabuhangin at maputik na daan.
Kailangan pa po bang mag-adjust ang isang taong first time pa lang na susubok ng fat bike? Kung oo, sa paanong paraan po? Kailangang mag-adjust? Tingin ko hindi na, pero may mafe-feel kang pag-transition from typical MTB to fat bike: bigat ng bike, diin ng pagpe-pedal.
Kailangan po ba ng special na trails sa paggamit ng fat bike o kahit anong klase ng trail ay puwedeng isabak? Special trail for fat bike? No, a fat bike is like a Main Battle Tank. Sabak kahit anong trail.
Kung papapiliin po kayo sa dalawang option, ano po ang pipiliin ninyo at bakit? Bike touring (pavement riding) gamit ang fat bike or b. Off-road touring (trail riding) gamit ang fat bike? Off-road touring… bakit? Personal choice.


Mahirap po bang ipadyak ang fat bike uphill o halos pareho lang sa ordinaryong bisikleta? Yes, medyo mahirap kasi papasok palagi ang weight ng bike, tsaka depende rin sa speed ni Fatty. 9s to 12S, 12 mas magaan eh; kung hanggang 9s lang sa’yo, mahirap bahagya.
Ano pong specs ang pinakaimportante na dapat i-maintain o tingnan bago bumili ng fat bikes? Most important specs? “Frame” niya, I think, dapat sakto sa gagamit.
Kung meron man, ano pong experience/s ninyo na hindi ninyo makakalimutan noong una kayong gumamit ng fat bike? (Ex. nabutasan ng gulong, nasiraan ng pyesa etc.) Di makakalimutang experience noong unang mag-fat bike…? ’Lakas’ kahit naka-condition ang katawan, ilang meters pa lang, parang na-drain lahat. Dati sa ordinary MTB, ako ang lead; noong fat bike na… huli na palagi, lol.
Ano po ang mga benepisyo sa inyo sa paggamit ng fat bikes? Benefits? Sa health, tingin ko, sa body stamina, benefits sa experience, ang feeling na morale boost, always on the go.


Jhon Rivera
Bakit ninyo po napili ang fat bike (pangbiyahe) at ano po ang pagkakaiba nito sa mga bisikletang hindi ganoon kalakihan ang width ng gulong? Kakaiba, dahil mas maraming kalsada ang may lubak, mas pinili ko siyang gamitin para mas may laban. Pagkakaiba? Mas matangkad dahil sa mas malaking gulong at mas mabigat kumpara sa ibang bike na nasubukan ko. Share ko lang itong time frame na ito noong nagsimula akong pumadyak; 1982 Easy Rider or butterfly bike, 1985–1990 naman noong nag-BMX ako, at 1990–2016 MTB.
Kailangan pa po bang mag-adjust ang isang taong first time pa lang na susubok ng fat bike? Kung oo, sa paanong paraan po? Yes, kung sanay ka, talagang you need to adjust nang konti. Una, ang fat bike ay not built for speed, and even sa climb, dahil sa additional na bigat, eh mag-a-adjust ka rin regarding endurance. But meron nman fat bike made out of carbon fiber, so yun magaan ‘yun. But most available are alloy, and some are steel. So depende pa rin sa budget. But for first-timers, sigurado may make adjustments, whether geometry, weight, or strength


Kailangan po ba ng special na trails sa paggamit ng fat bike o kahit anong klase ng trail ay puwedeng isabak? No, actually, kahit saan pwede siya: pang-road, pang-trail, bike packing, bike touring, and some even convert it into a cargo bike or delivery bike. That’s the fun of cycling; you can tailor it as you want it.
Kung papapiliin po kayo sa dalawang option, ano po ang pipiliin ninyo at bakit? Bike touring (pavement riding) gamit ang fat bike or b. Off-road touring (trail riding) gamit ang fat bike? I would go off-roading (trail/bike camping) because I love the outdoors.
Mahirap po bang ipadyak ang fat bike uphill o halos pareho lang sa ordinaryong bisikleta? At first, mahirap talaga, pero by constant practice and by upgrading your gears, eh makakaahon ka rin naman.
Ano pong specs ang pinakaimportante na dapat i-maintain o tingnan bago bumili ng fat bikes? No, I guess the material of the frame and fork would be, kasi sila ang mga malalaking parts mismo ng bike. Regular cleaning and lubing of all moving parts, especially maintaining the brakes, are key essentials to a good ride.


Kung meron man, ano pong experience/s ninyo na hindi ninyo makakalimutan noong una kayong gumamit ng fat bike? (Ex. nabutasan ng gulong, nasiraan ng pyesa etc.) Ayun, isa sa mga mahirap ay ang mabutasan ang gulong, and worse, kung masira talaga yung gulong. Kasi, di available ang inner tube at tire sa karamihan ng mga bike store. Noong nabutasan ako, buti na lang malapit ako sa vulcanizing shop. Kung di lakad, malala, or tricycle na.
Ano po ang mga benepisyo sa inyo sa paggamit ng fat bikes? As mentioned before, it has built my endurance and trained my patience, and added more sense of adventure to me. At the end of the day, any bike can be an adventure and freedom for those who ride it. What matters most is that every short or long ride, solo or group, is a memory we can cherish. For me, a bike is the greatest invention. ” SHOUTOUT SA MGA SOUTHSIDE FAT BIKERS. Tia!


Jovir Amatong ng Compostella, Cebu
Bakit ninyo po napili ang fat bike (pangbiyahe) at ano po ang pagkakaiba nito sa mga bisikletang hindi ganoon kalakihan ang width ng gulong? Because of its looks and uniqueness, head-turner talaga. I have a collection of Trail MTBs before, including a Folding MTB, but when I saw Fat bikes, I became interested, and when I tested riding one, I liked it kasi mabigat siya dalhin, so perfect siya pang-exercise and dagdag lakas sa pagpadyak in case I’ll ride a regular MTB pang-practice para sa ahunan.
Kailangan pa po bang mag-adjust ang isang taong first time pa lang na susubok ng fat bike? Kung oo, sa papaano pong paraan? Perhaps it would take a short time to get used to kasi medyo may kabigatan talaga, but after a few rides and practice, I got used to the weight and got acquainted with the shifting and the gears.


Kailangan po ba ng special na trails sa paggamit ng fat bike o kahit anong klase ng trail ay puwedeng isabak? Pwede naman sya sa ahunan; all you need to do is increase the speed and the cogs to 9-speed up to 11, depending on the capacity of your frame, para sa steep and trails. Sa ibang bansa, designed talaga ang fat bikes sa snow noon, but now, puwedeng dumaan ang fat bikes sa lahat ng roads and trails, including sandy beaches! Nasa rider na talaga ang limitation.
Kung papapiliin po kayo sa dalawang option, ano po ang pipiliin ninyo at bakit? Bike touring (pavement riding) gamit ang fat bike or b. Off-road touring (trail riding) gamit ang fat bike? I’d say both kasi for me, I really like to travel and see places from the city up to the mountains. Boring din kasi minsan pag palaging trails lang. I also bike for exercise, so yung urban setting ay ok din para ma-enjoy din yung views, food, and sightseeing along the way.
Mahirap po bang ipadyak ang fat bike uphill o halos pareho lang sa ordinaryong bisikleta?
For me, wala namang iba sa ordinary MTB, just the weight. Mahirap siya sa matinding ahunan kasi I use the 8-speed configuration and just modified lang the cogs (11t by 46t) para makaakyat ng bundok. I chose these mods para ma-exert talaga ang paa and exercise. Sa wheels naman, I just use the 26×4.0 tires para hindi ako mahirapang humanap ng kapalit in case of wear and tear sa gulong, and katamtaman din ang bigat, hindi katulad ng mga bigger tires. Â


Ano pong specs ang pinakaimportante na dapat i-maintain o tingnan bago bumili ng fat bikes?
Nasa rider na talaga ang configuration kasi it’s up sa kung ano ang setup na hiyang sa’yo. Normally, an 8-speed will get you places; just choose the best brand of RDs na matibay talaga. I asked some riders I met along the way, and I noticed na they have increased their speeds to 10, 11, 12. I saw a 13-speed once, but that’s it.
Kung meron man, ano pong experience/s ninyo na hindi ninyo makakalimutan noong una kayong gumamit ng fat bike? (Ex. nabutasan ng gulong, nasiraan ng pyesa etc.) I was on a night ride once and nabutasan ako ng gulong while on top of the Marcelo Fernan Bridge ng Lapu-Lapu City and Mandaue City. I had to walk the bike all the way down to Mandaue City and had trouble finding a vulcanizing shop sa sidewalk, kasi a lot of the shops turned me down pagkakita nila na fat bike ang dala ko. I had to ask around and visit around 5 or 6 shops (an hour) bago ako nakahanap ng gagawa.
Ano po ang mga benepisyo sa inyo sa paggamit ng fat bikes? For me, primarily it’s for exercise talaga and getting to places to relax and unwind. With my job in digital marketing, it’s a good venue for me na makapag-isip while on the road. Bonus lang pag naka-fat bike is you’ll make heads turn when you pass by.


JX ‘Soul Reaver’ Quesada
Bakit ninyo po napili ang fat bike (pangbiyahe) at ano po ang pagkakaiba nito sa mga bisikletang hindi ganoon kalakihan ang width ng gulong? Mas kapit ang gulong sa kalsada—mas may challenge. Sabi nga nila, ‘bigger is better!’ Totoo nga! Ang nagustuhan ko sa fat bike ay… mas komportable ang aking sensitive area! Bukod pa rito, stable, safe, at hindi ako sesemplang! Mas mabigat po ang fat bike kumpara sa payat na bike.
Kailangan pa po bang mag-adjust ang isang taong first time pa lang na susubok ng fat bike? Kung oo, sa paanong paraan po? Hindi naman po.


Kailangan po ba ng special na trails sa paggamit ng fat bike o kahit anong klase ng trail ay puwedeng isabak? Mapa trails, off-road, river-crossing, patag or ahon, depende sa skills ng rider.
Kung papapiliin po kayo sa dalawang option, ano po ang pipiliin ninyo at bakit? Bike touring (pavement riding) gamit ang fat bike or b. Off-road touring (trail riding) gamit ang fat bike? All of the above.
Mahirap po bang ipadyak ang fat bike uphill o halos pareho lang sa ordinaryong bisikleta? Opo, medyo makunat ipadyak ang fat bike sa uphill.
Ano pong specs ang pinakaimportante na dapat i-maintain o tingnan bago bumili ng fat bikes? Frame size, tire clearance, brakes, gear range, crankset, and reputable brand.


Kung meron man, ano pong experience/s ninyo na hindi ninyo makakalimutan noong una kayong gumamit ng fat bike? (Ex. nabutasan ng gulong, nasiraan ng pyesa etc.) Ang unang negatibong experience ay yung nakasagasa ng tae ng aso.
Ano po ang mga benepisyo sa inyo sa paggamit ng fat bikes? Sobrang komportable: Dahil sa malalapad na gulong, parang lumulutang ako sa daan! Hindi gaanong ramdam ang mga lubak at bato. Masarap sa likod at puwet! Kayang-kaya ang kahit anong terrain: buhangin, putik, graba – walang problema! Parang jeep ang fat bike, kayang umakyat kahit saan. – Mas stable: Dahil malapad ang gulong, mas stable ang bike. Hindi ako natatakot sumemplang, kahit sa mga kurbada. – Exercise na hindi nakakapagod masyado: Dahil mas mabigat ang bike, mas malakas ang trabaho ng katawan ko. Pero dahil komportable, hindi ako gaanong napapagod. Parang workout na masaya. Stress reliever, leisure biking Kaya para sa akin, ang fat bike ay hindi lang bisikleta – isa itong adventure, exercise, at happiness on two wheels!

Dagdag ko rin na “Nung kasagsagan ng pandemic, nagsimula kaming mag-bike mag-asawa at doon nagsimula ang aming bike bonding. Masaya kahit 2 lang kami. Ang ganda ng resulta! Lumabas kami pareho sa aming comfort zone. Sawa na sa bahay-trabaho-mall, kaya eto na ang date at quality time namin tuwing weekend: magbisikleta kung saan kami mapadpad.”
So, kailangan ba natin talagang umiskor ng fat bike? Tingnan natin, maging tapat tayo: ang isang fatbike ay hindi kailanman mananalo sa isang paligsahan laban sa isang sleek at weight-weenie na bisikleta. Ngunit kung ang iyong layunin ay i-enjoy lamang ang ride at mag-experiment o ma-experience ang bisikletang ito saang mang terrain (yung bang ideya na gagawin mong dirt track rally ang isang local terrain), e, sure, worth it ang gagawin mong pagbili.