ni: N. at K. Mercado
Heto na naman tayo sa seryeng binabasa/tinitingnan ko sa tuwing nagbabalak ako ng mahabang biyahe dito sa abroad. Muli akong nagkaroon ng pagkakataon na isalin sa Tagalog (with edit) ang pagbibisikleta ng dalawang public servant sa rehiyon ng Bicol na sina Sir Noel at Ma’am Kareen . Gaya ng nakagawian, ang ride na ito ay ang kanilang pagbabalik sa Himalayas, tulad lamang ito ng Cordillera (Luzon) na binabalik-balikan ng kapwa nating kasiklista. Alam nating lahat na marami sa atin ang may mga paboritong puntahan tuwing darating ang long weekend sa bansa. Malayo man o malapit, ang mahalaga ay kung paano ka nagdusa at nag-enjoy sa ruta o destinasyon na iyong nilakbay. Tara at basahin ang tungkol sa kanilang labindalawang araw na paglalakbay sa Annapurna Circuit sa Nepal.
DAY 1, BESISAHAR (760 masl) TO SYANGE (1,090 masl), 26 km
Simula sa mababang lupain sa Besisahar, inirerekomenda na magbigay ng kaibahan sa upper region kung pag-uusapan ang view, vegetation, terrain, klima, at kultura. Ang Besisahar ay ang huling bayan kung saan maaaring mag-stock ang mga siklista ng mga supply at gamit bago magtungo sa Circuit. Magsisimula rin ang isang trekking trail sa Besisahar, na dadaan sa karamihan ng mga kalsada. Ang dirt road ay nagsisimula mula sa malawak na lambak ng Marsyangdi River na may paminsan-minsang mga tanawin ng malalayong taluktok ng Annapurna Massif. May mga palayan malapit sa mga pampang ng ilog at mga subtropikal na kagubatan sa gilid ng mga mountain ridges.


Tagaktag ang pawis at napakainit noong una naming sabak sa rutang iyon. Tanging suot lamang namin ay T-shirt, kahit na ilang daang metro na ang taas namin sa lugar na ito, ay talagang mapapagod ka kaagad sa pag-ahon. Nakarating kami sa Bhulbhule at dito nag-uumpisa na ang mga solid na tanawin. May road tunnel, isang hydroelectric dam, isang istasyon ng bus, at ilang mga teahouse ang makikita dito. Pagkatapos ng tanawin at mga tindahan, ahon ulit kami sa daan kung saan lalo kaming pinahirapan dahil sa surface nito. Ngunit pagkatapos ng hirap na ito, nakarating din kami sa Syange.


DAY 2, SHANGE (1,090 masl) TO KARTE (2,150 masl), 18 km
Late na noong nagsimula kaming pumadyak paalis ng Syange. Habang nasa daan, nakasabayan din namin ang isang grupo ng mga Israeli trekker. Ang daan patungo sa Jagat at Chamje ay medyo patag, ngunit mabagal ang pagbibisikleta dahil sa kondisyon ng kalsada. Maraming talon sa gilid ng kalsada, at kinailangan naming tanggalin ang aming mga sapatos at maglakad upang makatawid sa pag-agos ng mas malalaking talon. Isang solong German rider ang nakahabol sa amin sa Chamje – mabilis na nagbibisikleta gamit ang isang touring bike. Siya ay nasa ika-walong buwan ng kanyang paglilibot sa mundo at iniwan ang karamihan sa kanyang mga bagahe sa Pokhara. Pagkatapos ng Chamje ay isang mahabang pag-akyat (na naman) sa rough road. Nang makarating kami sa tuktok, bumungad sa amin ang isang carved out of the rock face at sa kabilang side naman ay bangin na walang harang o railings para sa safety. After ng ahon na ito sumunod naman na ay ang DH patungo sa nayon ng Tal. Dumaan kami sa isang makipot na bangin at pagkatapos ng pitong oras (18 kms) na ahon (2000 metro), nakarating din kami sa aming next stop. Sa sobrang pagod, dali-dali kaming huminto sa isang teahouse. Nagpahinga at kumain, at pagkatapos, diretso nang natulog sa lugar.




DAY 3, KARTE (2,150 masl) TO TIMANG (2,615 masl), 12 km
Sa oras na ito, nagpasya kaming balewalain ang aming orihinal na itineraryo. Ang pang-araw-araw na plano ngayon ay mag-ride out ng 8 AM, maglakad o magtulak kung hindi na kayang padyakan, magpahinga kung kinakailangan, mag-enjoy sa tanawin at pagkain, kumuha ng maraming larawan at tapusin ang biyahe ng alas-kwatro ng hapon sa anumang teahouse.
Nagsimula ang araw sa isang paakyat na paglalakad sa labas lamang ng teahouse, pagkatapos ay isang mabagal na pag-ikot sa nayon ng Dharapani. Sa Dharapani ay isang checkpoint kung saan dapat ipakita ang mga permit sa trekking. Pagkatapos ng Dharapani, bumukas ang abot-tanaw at mas lumawak ang mga tanawin habang tumataas ang kalsada mula sa Marsyangdi River. Ang mga ‘prayer wheels’ ng panalangin sa kahabaan ng kalsada ay minarkahan ang simula ng kulturang Budista ng rehiyon. Nag-iba rin ang itsura ng mga halaman dito, palatandaan na nasa mataas na kaming lugar.


Nagkaroon ng 10 km na matarik na pag-akyat simula sa Dharapani, na may isang maikli, sementadong seksyon sa ilalim ng isang siksik na kagubatan na isang kaginhawaan. Huminto kami sa isang teahouse bago ang Timang at nagpahinga ng isang mahabang lunch break. Nagpatuloy kaming pumadyak at pagkatapos ng maikling pag-akyat sa tuktok, nakarating kami sa Timang. Sa Timang, nakaupo sa tabi ng kalsada ang isang may-ari ng tsaahan. Kinausap namin siya at inalok kami nang matutuluyan. Nakipag-bargain kami para sa libreng tirahan at kung kakain kami ng aming hapunan/almusal sa kanyang lugar, na isang nakaugalian na pagsasanay sa circuit, at pumayag naman siya. Ang tinuluyan naming ito ay worth it kasi nag-aalok ito ng panoramic views ng Manaslu Peak at Eastern side ng Annapurna massif kung aakyat ka sa rooftop ng Namala Hotel and Restaurant. May dumating din mga German couple (Austria) sa hotel na kinalaunan ay nakipagkuwentuhan sa amin tungkol sa aming ride. Lubos nilang inirerekomenda na magbisikleta kami sa Turkiye.


DAY 4, TIMANG (2,615 masl) TO BHRATANG (2,940 masl), 16 km
Kapansin-pansing lumalamig ang hangin, at lumalamig pa ito lalo. Hinintay naming sumikat nang husto ang araw bago magsimula ng 8:30 AM. Nagpapatuloy kami sa pag-akyat sa mga napakabakong kalsada ngunit mas banayad ang mga ito kumpara noong una. Nakarating kami sa isang malaking village (Chame) na may ATM kung saan kami nag-withdraw ng karagdagang pera. Ilang kilometro pagkatapos ng Chame ay isang matarik na pagbaba na sinusundan naman ng isang matarik na ahon sa Bhratang.


Ang Bhratang ay isang maliit na nayon, at ang tanging tirahan ay nasa isang farmhouse sa tabi ng isang malawak na taniman ng mansanas. Ang farmhouse ay isang marangyang agro-resort na may mga modernong pasilidad at ang pinakamahal na lugar na tinuluyan namin sa Nepal. Ang isang dormitory bed ay nagkakahalaga ng NPR 800 – at ang banyo ay tatlong hagdan pababa. Bumaba ang temperatura sa 4°C nang lumubog ang araw at natulog kami sa mga pinagpatong-patong na damit sa ilalim ng makapal na kumot. Mula sa Timang hanggang Bhratang ay 16 km lamang, ngunit inabot kami ng 7 oras (halos kalahati ay oras ng paggalaw at kalahati ay para sa pahinga at paghinto ng paghinga). Maraming paglalakad/pagbibisikleta ang nangyari ngayong araw na it,o pero masaya.


DAY 5, BHRATANG (2,940 masl) TO LOWER PISANG (3,250 masl), 14 km
Simula ngayong araw, ang altitude na ng pagbibisikleta namin ay higit na sa 3,000 masl. Medyo pahirapan na rin ang paghinga lalo na kung paahon ang daan. Nagpatuloy ulit kami sa aming pag-pedal hanggang sa nakarating kami sa Dhikur Pokhari. Pagsapit ng tanghali, 14 kilometro pa lang ang nabi-bisikleta namin. Patuloy pa rin kami sa pag-akyat hanggang dumating sa puntong malayo pa ang hotel na next stop namin. Lumalamig na at palubog na rin ang araw ,kaya ang ginawa namin ay bumalik kami ng Pisang at doon sumakay na ng jeep papuntang Manang para makahabol sa schedule namin. Napaka-accommodating ng landlady sa Bob Marley Hotel sa Lower Pisang at iinayos pa rin niya ang jeep pass para sa pagpunta naman namin sa Manang. Sa kalagitnaan ng jeep papuntang Manang, napagtanto ko na naiwan ko pala sa hotel ang aking bag kasama ang passport at pera. Ang mga Nepali co-passenger namin ay tumawag sa hotel at inayos ng landlady ang bag ko para kunin ng susunod na dadaan na jeep at ihatid sa jeep station sa Manang. Napaka tourist-friendly ng Nepal! Nakarating kami sa Manang sakay ng jeep ng madaling araw, at makalipas ang isang oras ay nakuha ko na ang aking passport.




DAY 6 and 7, MANANG (3,530 masl)
Kinakailangan ang aklimatisasyon sa mga elevation na higit sa 3,500 masl para maiwasan ang high altitude sickness. Sa Manang ang perpektong lugar para mag-acclimatize – isang malaking village na may maraming hotel, tindahan para sa pagkain at trekking equipment at maraming opsyon sa acclimatization trek.
Isang araw kaming walang ginagawa sa Manang – magpainit sa init ng araw sa araw, manatili sa mainit na dining area ng Manang Hotel sa madaling araw, at matulog na may apat na patong ng damit sa ilalim ng makapal na kumot. Nagyeyelong malamig sa -2°C sa gabi. Nagkaroon ng arthritic pain si Kareen sa balakang nang subukan niyang maligo. Ang sakit ay humupa, ngunit bumabalik kapag siya ay nanginginig sa lamig. Nakakuha rin kami ng impormasyon na may makapal na takip ng niyebe at yelo sa Thorong La Pass – na hindi karaniwan para sa panahon. Ang pagbibisikleta sa pass ay tiyak na hindi posible – kahit na itulak ang mga bisikleta pataas ay magiging napakahirap.
Kinabukasan, nag-hike kami sa Chongkor viewpoint sa 3,800 masl. Ang paglalakad sa ganitong environment ay mabagal at mahirap. Ang burol ay malapit sa snowline na may nakamamanghang tanawin ng Manang Valley at ang Annapurna Massif na pinangungunahan ng mga taluktok ng Annapurna II, IV, III at Gangapurna. Napansin ko rin na mabagal kami sa paglalakad kumpara sa ibang trekkers. Ito marahil ang epekto ng 5-6 araw na walang hinto sa pagpadyak.


DAY 8, MANANG (3,530 masl) TO YAK KHARKA (4,035 masl), 11 km
Nagpasya kaming umarkila ng mga porter sa susunod na tatlong araw para dalhin ang aming mga gamit habang nagbibisikleta kami papuntang Thorong Pedi, at dalhin ang mga bisikleta sa Thorongla pass. Nag-aalala ako na baka umatake ang hip arthritis ni Kareen dahil mas bababa ang temperatura sa pag-akyat. Ang matarik na dalisdis patungo sa daanan kasama ang yelo na takip sa trail ay tiyak na magpapabagal sa amin (at kami ay mabagal na mga trekker). Ang pagkakaroon ng mga porter ay magsisiguro ng isang mas mabilis na paglalakbay sa pass at magiging mas madali para sa amin na bumaba kung sakaling magkaroon ng anumang emergency. Ang paglikas gamit ang helicopter ay napakamahal at hindi sakop ng aming travel insurance. Anyway, maraming mga trekker (pati na rin ang mga siklista) ay may mga porter at guide mula simula hanggang matapos.


May hiking trail na lang pataas mula Manang at pababa sa kabilang side ng pass. Nakapagtataka ang gradient ng hiking trail. Banayad ito at 80% rideable. The usual acclimatization rule is that after passing 3,500 masl, one should not sleep higher than 500 meters than the previous night. Ang susunod na nayon ng Yak Kharka ay 505 metro sa itaas at 11 km ang layo mula sa Manang. Ito ay isang magandang araw ng pagbibisikleta at ang mga tanawin ay kahanga-hanga. Kinuha namin ang aming oras at nakarating sa Yak Kharka ng 2 PM. Ang temperatura sa labas ng gabing iyon ay humigit-kumulang -5°C. Nagkaroon ako ng kaunting sakit ng ulo mula sa altitude at uminom kaagad ako ng Diamox tablet na nagpapagaan ng mga sintomas.
DAY 9, YAK KHARKA (4,035 masl TO THORONG PEDI (4,535 masl), 7 km
Ang pagbibisikleta hanggang 500 metro papuntang Thorong Pedi, 7 km mula sa Yak Kharka, ay tinira lamang namin ng apat na oras. May suspension bridge kung saan nakasalubong namin ang isang Italian cyclist na pababa mula sa pass. Nag-usap kami at sinabi niya na ang ruta mula sa Muktinath ay napakahirap. Ginawa ng siklistang ito ang clockwise na ruta na mas mahirap kaysa sa aming anti-clockwise na ruta. Kung manggagaling sa Muktinath, ang elevation gain mula sa pinakamalapit na teahouse hanggang sa pass ay humigit-kumulang 1,300 metro – kumpara sa 880 metro lamang mula sa Thorong Pedi.




Malapit sa Thorong Pedi ay isang landslide na lugar na may makitid na trail sa maluwag na mga bato kung saan dinala namin ang aming mga porter ng aming mga bisikleta. Ginugol namin ang natitirang bahagi ng hapon na nagpapahinga at nag-a-acclimatize. Ang Thorong Pedi ay nasa base ng matarik na hiking trail patungo sa pass. Ang temperatura sa gabi ay -8°C at isinuot namin sa kama ang lahat ng damit na isusuot namin para sa susunod na araw.
DAY 10, THORONG PEDI (4,535 masl) TO THORONG LA PASS (5,416 masl) TO MUKTINATH (4,130 masl), 14 km
Ang pinakamahirap na bahagi ng Circuit – mataas na altitude na umaakyat ng 880 metro papunta sa Thorong La Pass. Ang araw na ito ay purong hiking habang dinadala ng mga porter ang aming mga bisikleta sa pass at pababa sa Muktinath. Maaga kaming nagising at dumiretso sa dining area para mag-almusal. Madilim at malamig (mga -10°C) noong 5 AM nang magsimula kaming maglakad sa matarik na daanan patungo sa daanan. Napakatarik at delikado dito, kaya imposible ang magbisikleta. Slow progress, few steps, rest, and breath.
Papalubog na ang araw nang makarating kami sa Thorong High Camp. Bumaba ang trail sa mas banayad na incline, ngunit may mga niyebe at yelo rito. Nagsuot kami ng microspike traction na dinala namin mula sa Kathmandu para mas okay at secure ang paglalakad namin. Napakabagal namin sa totoo lang. Maraming mga trekker ang umabot sa amin, at kami ang huling hiker sa araw na iyon na nakarating sa Thorong La Pass nang 1 PM. May maliit na tea house sa pass kung saan nagkaroon kami ng mainit na pansit na may kaunting kanin para sa tanghalian.
Ang pagbaba naman ay mahaba at nakakapagod sa isang matarik na yelo, niyebe at scree na may 1,300 metrong pagbaba ng elevation. Sa abot-tanaw ay natatakpan ng niyebe ang mga taluktok ng Himalaya Mountain na umaabot hanggang Tibet. Dumidilim na nang makarating kami sa isang kumpol ng mga teahouse sa Muktinath sa 4,130 masl. Sa pagbabalik-tanaw, ang pagkakaroon ng mga porter para sa bike ay isang tama (bagaman mahal) na desisyon. Masyado sana kaming mabagal sa pagtulak ng mga bisikleta. Hindi rin posible ang pababang biyahe dahil sa yelo, scree at matarik na incline. Ang isang pinahabang paglalakbay sa gabi na may dalang bisikleta, walang mga gabay, at sa nagyeyelong mga kondisyon ay magiging lubhang mapanganib.


DAY 11, MUKTINATH (4,130 masl) TO JOMSOM (2,740 masl), 23 km
Panghuli, ang DH section. Bumalik na sa Manang ang mga kargador namin at tuloy na ulit sa pag-pedal. Ang unang tatlong kilometro ay dumaan sa isang hindi masasakyang mabatong landas pababa sa pangunahing nayon ng Muktinath. Sa Muktinath ay isang Buddhist temple na may kahanga-hangang Buddha statue at tanawin ng Mustang Valley. Ang lambak ay isang mataas na altitude na disyerto sa anino ng ulan ng Himalayas. Nangibabaw sa abot-tanaw ang mga taluktok ng bundok na nababalutan ng niyebe na may mga ochre slopes of bare rocks and scree.


Mula sa Muktinath, nasiyahan kami sa 10 km na makinis na aspalto at pababang kalsada na may mga tanawin ng malawak na lambak na nakapagpapaalala sa Ladakh. Pagkatapos mula sa Kagbeni, ang kalsada ay muli ay nag-graba at nagdumi at may napakalakas na headwind. Nagpatuloy ang dirt road, hangin at alikabok ng 10 kilometro pababa sa bayan ng Jomsom. Ang Jomson ay isang malaking nayon sa distrito ng Mustang na may paliparan – ang dulo ng karamihan sa mga trekker ng Circuit.


DAY 12, JOMSOM (2,740 masl) TO LETE (1,850 masl), 37 km
Umagang iyon ang pinaka-relax na riding segment namin sa buong Circuit. Nagsimula ang biyahe mula sa Jomsom sa isang makinis na gravel road na may banayad ang incline pababa. Malawak ang lambak ng Kali Gandaki River na may mga paanan ng Annapurna Massif sa silangan at ang mga bangin ng Dhaulagiri ay tugatog sa kanluran. Ang kalsada ay makinis na malawak na aspalto, tuloy-tuloy na pababa, na may napakakaunting trapiko at ang lagay ng panahon sa umaga ay perpekto.
Pagkatapos ay lumiit ang lambak at ang ilog ay bumulusok sa isang malalim na bangin. Mula sa isang malawak na pahalang na panorama hanggang sa mga nakakulong na patayong espasyo. Bumalik sa matarik, magaspang, mabatong kalsada na may nakakatakot na gilid ng bangin. Ang Kali Gandaki gorge ay isa sa pinakamalalim na bangin sa mundo – na may 8,000ers Annapurna at Dhaulagiri na matayog sa magkabilang panig. Sinubukan naming tiisin ang matarik, maalikabok at lubak-lubak na biyahe pababa ng ilang oras, ngunit ang aming mga matibay na bisikleta ay hindi akma sa lupain.


Sa kalagitnaan ng hapon, sa gitna ng kawalan sa gilid ng bangin, nagpasya kaming tapusin ang biyahe. Kumaway lang kami sa dumaang bus at tinanong ang driver ng “Pokhara?”. “Walang upuan” ang sagot nito. “Okay lang ‘yan,” sagot namin at pinakarga ang mga bike sa taas. Ibinahagi namin sa mga lokal at turista ang masikip na 9-oras na biyahe sa bus papuntang Pokhara. At dito nagtatapos ang aming pakikipagsapalaran sa pagbibisikleta sa Annapurna Circuit. Masaya, mahirap ngunit sulit ang lahat ng nangyari sa biyahe na ito. Saan naman kaya kami susunod na magbibisikleta? South ba ulit o sa Central Asia?


Leave a Reply