ni: J. Villanueva
Kung may PCT ang Amerika, mayroon ding PCT ang Pilipinas. Ito ay ang Pacific Coast Trail na maaaring simulan sa Dingalan papuntang General Nakar sa Quezon. Lagi ko itong tinitignan sa mapa at gusto ko din alamin kung may daan ba o wala noong ako ay nagsisimula pa lamang sa pagbibike-tour (DRT-AURORA-QUEZON loop). Ngunit tanging mga guhit at layu-layong mga bahay lamang sa satellite view ng Google Maps ang aking nakikita at hindi rin ako sigurado kung ilang araw ang dapat ilaan para sa rutang iyan. Taon ang lumipas at tuluyan ng nawala ang aking interes sa lugar na iyan. Nagdaan pa ang ilang mga taon, mayroon akong napanood sa Youtube na nag-hike sa mula Umiray hanggang General Nakar. Nakita ko ang ganda at hirap ng trail at masasabi ko na doable ito, kailangan mo nga lang maglaan ng mahabang pasensya kung ito’y tatahakin mo gamit ang iyong bisikleta. Isa si Jhay at ang kanyang mga kaibigan ang sumubok sa challenging trail na ito, halina at sundan natin ang maikling kwento niya tungkol sa kanilang PCT ride noong nakaraang Mayo.
Ika-19 ng Mayo taong 2023, isinaka-tuparanan namin ang matagal na naming pinaplano, ang tahakin ang ruta na nagsisimula sa Aurora papuntang Quezon na kilala rin sa tawag na Pacific Coast Trail 1 o (PCT1).


UNANG ARAW: HAYAHAY
Mula sa istasyon sa Cubao, sumakay kami ng bus hanggang sa Dingalan, Aurora dahil dito kasi magsisimula ang aming itineraryo. Excited na kaming lahat, ngunit sa unang araw, ang papadyakin lang namin sa araw na ito ay mula sa signage ng Dingalan hanggang sa Barangay ng Umiray. Masasabi kong, kung walang gaanong hirap ang araw na ito, mahaba ang oras namin at maikli ang ruta, kaya mabagal lang ang aming pagpadyak. Sa madaling salita, hayahay lang ang araw na ito. Maaga kaming nakarating sa aming itineraryo kaya maaga kaming nakapagpahinga. Nag prepara na kami ng kakainin para sa hapunan at inayos na rin namin ang ang aming tutulugan para sa gabi.
PANGALAWANG ARAW: NABIGONG ITINERARYO
Maaga kaming naghanda ng aming gamit at nagsimula nang naglakbay dahil base sa aming pag-aaral at pagtatanong, ito ang pinakamahirap na bahagi ng aming ruta. Isang bundok ang tatawirin namin at sabi ng mga lokal, nasa anim na oras ang paglalakbay mula dito sa Baryo ng Umiray hanggang sa Baryo ng Maligaya. Simula pa lamang ng aming pagtahak sa aming ruta, pahirapan na agad ang napakahaba ng mga ahon at bibihira kaming makasakay sa aming bisikleta. Pagdating namin sa kalagitnaan ng aming ruta ay may sapa na dito. Maaaring kang kumuha ng maiinom dahil malinis naman ang tubig dito. Nahahati sa dalawang bahagi ang ruta: ang unang bahagi ay maputik at ang pangalawa naman ay mabato, kaya sobrang napakahirap talaga kahit sa mga lusong eh talagang mas pipiliin mo pa rin na bumaba na lang at akayin ang bisikleta dahil kung hindi eh siguradong disgrasya ang sasapitin mo.


Alas-kwatro na pero nasa Sitio Gindan pa lang kami at dito na namin napagpasyahang magpahinga dahil kung pipilitin pa daw namin eh aabutin na kami ng gabi bago pa makarating sa Brgy. Maligaya, buti na lang at mababait ang mga lokal dito at bukas-palad nila kaming tinanggap.


IKA APAT NA ARAW: KUNTI NA LANG MATATAPOS NA
Ito na ang huling araw namin at maikli lang ang ruta na aming tatahakin, maganda na rin ang daan at may mangilan-ngilan na ding tindahan na madadaanan. Mabilis lang ang aming naging paglalakbay bagamat may mga ahon lusong pa din eh nagagawa na naming padyakan subalit isa lng naging balakid sa amin na halos magpasuko din sa amin ito ay ang nakakapasong init ng araw alas-diyes pa lng ng umaga halos nanghihina na kami dahil sa sobrang init. Iba talaga ang pakiramdam pagka-kalaban mo ang Inang Kalikasan. Pinapalakas na lang din namin ang aming loob at sinasabi na lang namin sa bawat isa na “KUNTI NA LANG MATATAPOS NA” at totoo naman dahil bandang 12:30 ng hapon narating namin ang arko ng General Nakar natapos namin ang ruta sa loob ng apat na araw.
Dahil sa ride na ito, natutunan namin ang kahalagahan ng pagpaplano and never underestimate a route lalo na sa mga liblib na lugar. Nagustuhan ko rin sa ride namin na ito ay ang pakikisalamuha sa mga lokal, yung tipong matutunan yung paraan kung papaano sila nakaka-survive sa lugar na mahirap marating ng advanced technology, at ang pinaka-importante ay ang ma-enjoy ang ganda at hirap na hatid ng kalikasan na hindi pa na-experience ng ordinaryong siklista.


Leave a Reply