ni: M. Angulo
Ang lalawigan ng Quezon ay kilala sa magagandang dalampasigan at luntiang kabundukan. Idagdag pa natin ang Mt.Banahaw na binibisita ng libu-libong tao tuwing Holy Week. Noong nakaraang taon, binalak ni M. Angulo na bisitahin ang kanyang ama sa lalawigan ng Alabat sa Quezon. Ngunit dahil na rin sa mga nagdaang bagyo at personal na problema, ipinagpaliban niya ang kanyang pagbisita sa kaniyang probinsya hanggang dumating ang araw na kailangan niyang gawin ang simpleng adventure na ito. Halina at basahin natin ang kanyang ibinihaging kwento kasama ang kaniyang tropa papuntang Alabat Island sa Quezon.
Sa totoo lang, ito ang pangarap kong ekspedisyon! Noong nahilig ako sa pagbibisikleta, nasabi ko sa sarili ko na balang araw makakapag-bike ako pauwi sa Isla ng Alabat. Uuwi ako at bibisitahin ko ang aking pamilya sa Quezon. This adventure is one year in the making, kaya kinokondisyon ko ang sarili ko na uuwi ako this year (2023), kahit walang gustong sumama, itutuloy ko.


Buti na lang at mahaba ang bakasyon ko, may mga araw na nag-file ako ng leave sa trabaho para ayusin ang mga gagamitin ko sa aming ride. Noong una, ayaw sumama ni Miko. Nagdalawang-isip siya tungkol sa munting ekspedisyong ito. Pero sa huli, nag-commit din siya na sasamahan niya ako sa Quezon.Kahit kaming dalawa lang, sobrang saya namin habang nasa byahe, halos lahat nandoon na, sobrang tagal, sobrang nakakapagod, sobrang gutom, ang init ng araw at ang sakit ng katawan.



Marami pa kaming gamit dahil sa isla kami magca-camp. Nakarating na kami sa Atimonan port, mas natuwa pa ako noon dahil isang sakay na lang ng bangka at malapit na kami sa aming destinasyon.
At sa wakas, nakarating na kami sa Alabat Island! Ang paborito kong Isla sa Quezon! Nakauwi na ako! Sinulit namin ang lugar buong araw. Napakaswerte rin namin dahil pinakain din kami ng aking kamag-anak sa loob ng ilang araw.


Pwede ka rin magpalipas ng gabi kahit saan. Pinili namin na sa tabing-dagat na lang mag-camp para sulitin ang limang araw na pagpadyak papunta dito. Kung magkakaron ulit ako ng libreng oras ay uulitin ko pa itong ride na ito. Tatapusin ko yung loop na pinag-plaplanuhan ko. Kung may sasama ok lang, kung wala ok lang din. Basta, babalik pa ako.


Leave a Reply